Chapter 25
Key
"There's a hydroflouric acid on the gas she enhaled kaya ganyan na lang ang naging epekto sa kanya. Thank God, nakapunta siya kaagad dito sa hospital. But it also damaged her lungs..."
"She will be safe right, Doc?"
"We are doing our best to save her, Mr. Sy. But we also need a prayer. It will be a great help."
"Thank you, Doc."
Mga boses na nag-uusap ang nagpagising sa diwa ko. Ramdam kong nakahiga ako sa isang kama, may IV fluid na nakaturok sa kaliwang kamay ko, may intubation na nasa bibig ko at may nakalagay din sa ilong ko. Masakit din ang ibang parte ng katawan ko.
Sinubukan kong idilat ang mga mata ko pero hirap pa ako sa una, malabo ito pero kalaunan ay luminaw naman.
"Narizz..." Napabaling ako sa biglang tumawag sa akin at nakita ko ang mukha ng Papa ni Narizz. "How are you feeling hija?" Dagdag niyang itinanong.
Imbis na sagutin iyon, iba ang lumabas sa bibig ko. "V-vann..." mahinang bigkas ko sa pangalan niya.
"Naka-admit din siya Narizz, na expose rin siya sa usok pero hindi naman daw malala."
Kumurap ako sa sinabi niya at bumaling sa ceiling ng hospital.
"Magpagaling at magpalakas ka anak para mahanap na kung sino ang gumawa nito sa'yo..." mahinang sinabi ulit ng Papa ni Narizz pero hindi na ako nakasagot. Ramdam ko rin na nanunuyo ang lalamunan ko.
Pagkatapos noon, nahila muli ako ng antok hanggang sa muli akong nakatulog.
Pagkagising ko, malakas na ako at palabas na ng hospital. Sa gilid ko ay kasabay kong naglalakad si Kuya Sam.
"Kuya diretso na tayo sa presinto. I really want to tell them now," determindong sinabi ko sa kanya pero umiling lang siya.
"Don't stress yourself, Narizz. Kalalabas mo lang sa hospital, kaya nga hindi namin pinayagan ang mga pulis na kausapin ka sa hospital eh. Rest on our home first," he commanded kaya natahimik naman ako.
Pero naglabas ako ng malawak na ngiti nang makita namin si Vann na naghihintay sa amin habang nakasandal sa pinto ng kotse niya.
He was leaning while his both arms are crossed. Dahan dahan kaming huminto sa paglalakad ni kuya Sam nang makalapit kami sa kanya. Umayos naman siya ng tayo nang makita kami.
"Take care of our Narizz, okay? Idiretso mo na siya sa bahay namin. Kung wala lang akong importanteng pupuntahan ako na maghahatid diyan," bungad na bilin ni kuya Sam kay Vann.
He simply nodded to him bago ako pinagbuksan ng pintuan. Ngumiti ako kay Vann at pumasok. Sumunod naman si Vann at pinaandar na ang kotse niya. Kumaway si kuya Sam sa amin bago siya tumakbo palayo.
"Are you feeling okay now?" Tanong ni Vann habang nasa daan kami.
Tumango ako. "Yes..." sagot ko at nilibot pa ang tingin sa paligid, "You have a new nice car huh?"
"Yeah, my parents gave it to me when I turned 18."
"Oh..." I pursed my lips. Ilang katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa bago ko muling binasag iyon.
"Vann..." tawag ko sa kanya.
"Hmmn?" He responded.
"Pwede bang dumaan muna tayo sa isang restaurant para kumain? I'm hungry..." hinimas ko pa ang tiyan ko. And I saw him glance at me.
"But your brother said--"
"Please? Gutom na kasi ako. Sino ang susundin mo? My brother or your girlfriend?"
BINABASA MO ANG
Journey Inside (Stand Alone)
FantasyNarizz Sy is a typical highschool girl, but not a good student. She always do cutting classes, her grades are not higher than what you think and she's also not have a good bond with her family. One day, she started to feel that she was not in her re...