JOURNEY 12

22 4 29
                                    

Chapter 12

Waking Vans

The moment I accepted that I am Narizzalyn and not Narizz, all her memories gone in my mind.

Gusto kong makita ang mukha niya, kung ano ang itsura niya pero bakit sa tuwing titingin ako sa salamin, 'yung mukha ko ang nakikita ko?

My real face, hindi sa ayaw ko itong makita. It's just that. Why? Bakit hindi kay Narizz?

Pero magtataka pa ba ako? Kung puro kababalaghan nalang ang nangyayari sa mundong ito?

"Anong tinitignan mo?" Nilingon ko saglit si Leon nang magsalita siya. Nasa tabi niya ako habang nakatingin sa akin.

"My face..." I murmured habang nakatitig sa mukha ko, ilang beses ko na itong inalisa. Why do you need to use eyeglasses?

Malabo siguro ang mata ko sa real world? And that innocent face staring at me. Parang babasagin na anytime mababasag, and anytime mawawasak. Mahina ang loob...

Umiling iling ako at pumikit sa naisip. Don't think like that Riz.

"Why, Riz?" Tanong ni Leon kaya umiling ako at umalis sa salamin na madadaanan lang habang naglalakad sa hallway. Ewan ko kung bakit may nakalagay na ganito sa school. Natigil lang ako nang mapalingon ako at nakita ko ang mukha ko.

Aalis na sana ako pero natigilan ako at napalingon muli kay Leon. Nanliit pa ang mata ko habang tinitignan siya.

Kumunot ang noo niya sa akin, nagtataka sa tingin ko sakanya.

"Why?" He mouthed without a sound.

"I want to see your face. Harap ka rin sa salamin?" Natigilan siya sa sinabi ko pero unti-unting umiling.

Napasimangot ako. "Bakit? Hindi gumagana sa'yo? Sakin lang kasi main character ako?" Taka kong tanong.

"No, I am also seeing my real face on the mirror."

"Then let me see it. Sige na!"

Nagsimula siyang maglakad at hinila ako.

"Ayoko," determinado niyang sagot. Sinubukan ko pa siyang itulak sa salamin pero mas malakas siya sa akin kaya hindi  ko nagawa.

"Bakit ba ayaw mo? Pangit ka siguro sa real world?"

Tinawanan niya lang ako at naglakad na palayo. Wala akong nagawa at sinundan nalang siya.

"Madaya ka, ako nakita mo na ang totoong itsura. Samantalang ikaw...." medyo may halong tampo ang boses ko.

"You don't have to see me. Not yet..." bulong nalang ang huli niyang sinabi kaya hindi ko na narinig.

"Huh?"

"Nothing,"

I just narrowed my eyes pero wala na akong nagawa kaya nagtanong nalang ako ng iba.

"Bakit nga pala ganoon ang reflection natin sa salamin?"

Nagkibit balikat siya. "I don't know. Maybe, the author didn't write a scene na haharap ang character sa salamin? Kaya siguro totoong mukha natin ang nakikita natin."

Napatango tango ako. Hindi man siya sure pero mukhang tama naman ang hinala niya.

"So, kapag hindi sinulat ng author, hindi lalabas dito sa mundong 'to? Example hindi niya sinulat ang mga bukid, ibig sabihin walang bukid?"

"Meron, it just feel surreal."

Napatango tango ako. "May dagat kaya dito? Punta kaya tayo?" Excited kong sinabi pero tinignan niya lang ako na parang hindi siya makapaniwala.

Journey Inside (Stand Alone)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon