~~~~~~~~~~~~~~~~~~ = |
Tumagal ako ng tatlong linggo bago bumalik sa pag-aaral. Ang dating mahabang mga buhok ko ay hanggang balikat na lang ngayon. Maraming nagbago sa akin. Ang sabi ni ate para na rin naman daw hindi maulit ang pambubully sa akin. Naging mas protective sila sa akin to the point na nag hire sila ng mga body guards, pero hindi naman sila halata dahil nagtatago ang mga ito.
Iba ang tingin sa akin ng mga estudyante. Tila ba natatakot sila sa'kin. Hindi ko na lamang sila pinansin. Una kong hinanap ay si Merlyn at nakita ko s'ya sa isang gilid at frustrate na frustrate ang muka sa pagbabasa.
"Hey," bati ko.
"Hindi ba 'ko namamalikmata? WHAAAA I miss you!"
"Oo, ako ito. Nasa harap mo," natatawang sambit ko. "I miss you more! Puro nurse kasama ko nung mga nakaraang linggo nakaka bored,"
"So I have a tea, you know Aleeyah right? 'Yung nambully sa'yo ng todo. Her father is in jail daw kasi sinugod 'yung ate mo at kitang kita sa CCTV na muntik nang masaksak ang ate mo—" hindi ko na s'ya pinatapos dahil alam ko na ang mga nangyari.
"I know, so what's the point of your tea?"
"So the point is, may galit sa'yo si Adam. Dahil sa mga nangyari sa buong angkan nila Aleeyah. Another tea pa sis, yung mommy ni Adam secretary ng daddy mo!"
Nagulat ako sa sinabi ni Merlyn. Secretary? I don't know. Hindi naman kami close ni daddy kaya siguro'y hindi ko rin alam.
"So, saan mo nakuha lahat 'yan?" Tanong ko rito.
"Kalat na kalat sa school, kaya takot sa'yo ang ibang students dito dahil pinagsabihan sila ng mga magulang nila na 'wag binabangga ang isang Madriaga. Kahit ako ay pinagsabihan ni mama dahil hindi daw malaki ang kompanya namin at sa isang segundo ay kaya n'yong pabagsakin," sambit nito.
"Oh, okay? 'Di mo naman ako lalayuan right?"
"Syempre hindi, sira ka ba? Bestfriends tayo e! Kung ako din naman ay ganoon ang gagawin ko kay Aleeyah. Btw, nice hair! Bagay pala sa'yo ang maikli!"
"Tss, muka akong tanga dito. Hindi ako sanay,"
"Alam mo, talian natin ang buhok mo. Dali pagpractice-an kita ng tirintas!" Natutuwang sambit nito.
"Okay, gawin mo kung anong gusto mo," tugon ko.
Tinalian n'ya ako ng tirintas. Dikit anit daw ang tawag rito. Hindi ako maalam sa pagtatali pero maganda ang itinali n'ya sa'kin.
"Oh ayan! Bagay sa'yo ang nakatali ang buhok. Ang kapal kasi ng buhok mo tapos ang gaganda pa! Dapat hindi ka laging nakalugay," sambit nito sa akin.
"E, alam mo namang kahit pagsusuklay ay tinatamad pa'ko,"
"Hay na'ko, ganda gandang tao, tamad tamad mag-ayos! Kung ako biniyayaan ng gan'yang ganda na'ko araw araw akong mag-aayos para mapansin ako ng crush ko!"
"Sino ba crush mo?" Tanong ko rito.
"Uh, eh... ano basta si ano!"
"Hala! Andaya mo naman e. Nakakainis ka, magtatampo ako sa'yo,"
"Nahihiya ako sa'yo e," sambit nito sa'kin.
![](https://img.wattpad.com/cover/244166037-288-k356953.jpg)
YOU ARE READING
My First Crush
RandomHi! Welcome to Dream Series number 1. This story deals about different feelings of people. This story contains all the imagination of author, sometimes a chapter contains her own dream. So goodluck and happy reading! :)) This story came from my drea...