11: sorry

14 1 0
                                    

~~~~~~~~~~~~~~ :0

Where I am? Why do I feel so tired? Iminulat ko ang aking mga mata. Tumingin ako sa aking paligid at nakita ko si kuya habang nagbabasa, napatingin ako sa kan'yang tabi. It's Merlyn...






Nakasandal s'ya kay kuya at natutulog. Kung hindi ko sila kilala ay baka akalain kong magkarelasyon ang mga ito. Hindi nga ba?







"Oh gising kana pala," biglang salita ni kuya. "Ano na ang nararamdaman mo? Maayos kana ba?" Dagdag pa nito.







Biglang nagising si Merlyn at nanlaki ang kan'yang mga mata. Napansin ko na bigla nalang ito na luha. Agad itong lumapit sa akin at niyakap ako.







"I'm sorry, wala akong kwentang bestfriend," umiiyak na sabit nito. "Nagpabilog ako sa mga sinasabi nila. Akala ko, akala ko talaga may binabalak ka lagi sa akin na masama. Akala ko, nakakainis bakit ba kasi naniwala ako sakanila," umiiyak s'ya lalo.








"Shh, it's fine. Naiintindihan ko, maiintindihan ko..." yinakap ko s'ya pabalik. I know she's the only one who'll understand me. Kahit na anong gawin nito ay tatanggapin ko pa rin s'ya pabalik ng buong buo.








Nang matapos s'yang umiyak ay inalok n'ya agad ako ng kung ano anong pagkain. Si kuya naman ay tinawag ang doctor. Masyadong persistent si Merlyn sa pagpupumilit na kumain ako.







"Sige na please! Kahit itong apple lang! 2 days ka kayang nakaconfine dito. Walang laman 'yang t'yan mo!"






"No, maybe later. I just don't feel to eat right now,"






"Naku, 'wag mo 'kong ini-english english d'yan ha! HOY KAT! KAKAIN KA NG PRUTAS NGAYON DIN," inirapan ko lamang s'ya.








Dumating na ang doctor at chineck ako. Okay naman daw ako, physically, pero hihintayin daw nila ang psychiatrist na nakalaan para sa akin, si doc Hannah.






Pagkatapos akong kausapin ng doctor ay biglang naghain ng iba't ibang prutas si Merlyn. May grapes, orange, apple at pear.






"Oh, hayan. Kainin mo na 'yan ha?" Sambit ni Merlyn.






"Opo madam," malokong tugon ko.






Natatawanan at nagkukwentuhan kami ni Merlyn. Si kuya naman ay busy sa pag-aaral sa may gilid. Ngayon ay ramdam ko nanaman na hindi na ako nag-iisa. Ang gaan sa pakiramdam na alam mo na may masasandalan ka na.







Kung noong mga nakaraang araw ay sobrang bigat ng aking pakiramdam sa bawat pagkilos ko, ngayo'y sobrang gaan na. Iba talaga ang pakiramdam kapag may maaasahan ka. Ibang iba, sobrang saya...







"Nagsabi ako kay mama papalipat ako sa section mo, tapos pumayag s'ya! Yehey!" Masayang sambit nito.





"Hey, 'wag na. Patapos na ang school year. Next year nalang," tugon ko. Well totoo naman, recognition nalang ang hinihintay at ang mga honors. Wala nang pinapagawa sa amin, chill nalang kami kaya pwede nang umabsent. Kaya naman nonsense din na lumipat pa s'ya.







"Ay, ganun ba?  Sige sige. Next year, promise!" Magiliw na sabi nito.






And then the door open. I saw my daddy and besides him is tita Portia, behind them is the guy that I always adore. Yeah, I don't know why but I still have a crush on him.






My First Crush Where stories live. Discover now