~~~~~~~~~~~~~~~;)
"Tala!" Sigaw nila daddy mula sa airport.
"Hi daddy!" Nakangiting tugon ko. It's been 8 years since I left Philippines. Ngayon palang ako nakabalik dahil tinapos ko pa ang pag-aaral ko.
Pagkarating ko sa US ay diretsyo college na ako. Dahil sa kagustuhan kong makatapos kaagad ay pati summer ay nag-aaral ako. Dalawa akong kursong tinapos ko. Engineering at Law. Naalala ko noong nagbrebreakdown pa'ko dahil sa dalawang subject na'to. Nakakuha na ako ng isang taon na experience sa court at sa engineering field. Paano ko nagawa ang lahat? Hindi ko rin alam. Kung itatanong n'yo sa akin kung paano maging healthy ay please, 'wag na. Hindi ako kumakain ng ayos at natutulog ng walong oras sa US.
Lumilinga ako, ang nakita ko lang doon ay sina tita Portia at Asher. Sina Denise at Merlyn naman ay wala rito dahil busy pa sila pag-aaral. Ganoon rin siguro si Adam, balita ko ay engineering din ang kurso nito.
"So what's your plan?" Tanong ni daddy.
"Papasok muna ako sa law firm ni kuya at mag-iipon po ako para makapagpatayo ng engineering firm. Then ako rin po ang mamahala ng cafe ni ate rito sa Pinas," paliwanag ko rito.
Habang nasa byahe pauwi sa bahay ay nakatulog ako. Nang magising ako ay wala na si kuya dahil pumunta na sa trabaho.
Nasa isang restaurant kami ngayon na malapit lang daw sa school ni Adam. Habang umuorder kami ay nakita ko ang isang lalaking palapit sa amin. Namiss ko s'ya...
"Hi," bati nito sa akin sabay upo sa tabi ko at halik sa aking noo.
Nang mabasa ni Adam ang sulat ko noon ay umamin s'ya sa akin na gusto n'ya rin ako noong una pa lang. Ang weird lang dahil thru skype at chat n'ya lang ako niligawan. Pero ayos na rin. Hindi naman s'ya pinapayagang umalis ng bansa dahil sa pag-aaral n'ya. Dumadalaw naman sila nila daddy tuwing christmas at new year sa amin kaya ayos lang talaga.
"Aw, lovebirds," pangungutya ni daddy. "Ganyan din kami noong una nitong si Portialene," natatawang kwento ni daddy.
"Hey Tala, next month na ang debut mo. Anong plano?" Tanong ni tita Portia sa akin.
"Kahit ano nalang po, basta po ngayon ang uunahin ko po ay magtrabaho," tugon ko rito.
"Dito sa Pinas ay hindi ka pa makakapagtrabaho," pangaral ni daddy.
"Daddy, nakalimutan n'yo na bang ako ang magmamanage nung cafe ni ate?"
"Ow, okay. Bahala ka, kaya mo na 'yan youngest engineer/lawyer," sabay kindat ni daddy.
Noong nasa ibang bansa ako ay nakapagtrabaho ako sa law firm bilang isang paralegal, dahil wala pa akong 18. Sa engineering firm din ay nakapagtrabaho ako pero hindi nila ako pinapapunta sa field. Puro mga papers lang ang ginagawa ko para sa kompanya.
Months went well, debut ko na. Naghanda si daddy ng isang engrandeng handaan. Yeah, may 18 roses, 18 gifts, 18 wish and all. Imbitado sina Merlyn at Denise. Parehas silang nasa 18 wish dahil 'yon ang gusto nila.
Nakapagbonding na rin kami nila Merlyn at alam na ng lahat na boyfriend ko si Adam. Our relationship is getting stronger. Mas lalo kaming nagiging sweet. Masaya kami sa bawat araw na nagdaan.
YOU ARE READING
My First Crush
DiversosHi! Welcome to Dream Series number 1. This story deals about different feelings of people. This story contains all the imagination of author, sometimes a chapter contains her own dream. So goodluck and happy reading! :)) This story came from my drea...