One dot, magba-vlog nalang ako at 'di na mag-aaral charot.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~🕳.🕳Nang matapos ako kumain ng cookies ay bumalik na ako sa kwarto, syempre nagdala ako ng cookies. Nakita ko muli si Sunshine kaya nagtaka na ako. Kinuha ko si Sunshine sa may hagdanan at dinala sa kwarto ko. Pinatulog ko s'ya sa aking kama.
Maya maya pa'y tinignan ko na ang oras. 3:30 am palang kaya naman naisipan kong magbasa muna para ready ako kung sakaling magkakaroon ng recit. Nagkabisa ako nang nagkabisa hanggang sa mapagod ang utak ko at nauwi nalang sa pagcecellphone. Nagset ako ng alarm na 6:00am para kapag tumunog na ito ay kikilos na ako.
Nags-scroll ako sa FB ng biglang may mag-notif sa akin sa IG. Nag dm sa'kin si Xzynade.
AndersonIgop_: bijj, kinain mo 'yung cookies sa ref?
Bright_Yanna: ha?
AndersonIgop_: kasi kanina bumaba ako mga 3:30 tapos tumingin ng food sa ref, wala na 'yung cookies na inihanda para sa birthday ng mommy mo. Yari ang lahat kay tita Krystynn Jusko🤦♀️
Bright_Yanna: O-M-G! Ako ang salarin! Hindi naman ako sinabihan ng daddy mo kanina. Jusko!😥
AndersonIgop: don't worry. Nagpabili ako new, kalma ka sis. Sana lang dumating 'yon before 6 para mailagay ko kaagad sa ref.
Bright_Yanna: thanks! Babawi ako sa'yo, treat kita!
AndersonIgop_: sige bilhan mo nalang ako ng black label. HAHAHAHAHA inom us, ayain ko sila Zeus pati sina Zyronn.
Bright_Yanna: pass, kasama pinsan ko.
AndersonIgop_: awit, ayaw sa pinsan. Sabagay kaurat din kasama mga 'yon e. Pakilala nalang kita sa mga friends ko rito sa Manila. Inom tayo sagot mo dalawang bote ng black label, ako na bahala sa iba. Basta sa saturday night ha?
Bright_Yanna: 'ge, oks ako dyan.
Maya maya pa ay dumating din ang cookies na binili ni Xzynade pamalit. Kinabahan ako roon. Pero sabagay, next week na nga pala ang birthday ni mommy, sabay kami ng birthday. September 1 na pala next week. Ang bilis ng panahon, 19 na ako next week...
Maya-maya pa'y tumunog na ang alarm ko. Agad akong kumilos para hindi ako malate sa mga sched ko ngayong araw. Dadalaw rin kasi ako kay mommy.
Pagtapos kong maligo ay naglagay na ako ng light make up. Lip and cheek tint lang nilalagay ko plus moisturizer. Hindi naman kailangang magalagay ako ng make up actually pero para kasi akong zombie na naglalakad kapag walang ganito. Napakaputla ko...
I check my phone first before I go downstairs. 7:00, agad na akong bumaba at nakita ko nanaman silang kumakain na sabay sabay.
"Wala ka talagang balak sumabay sa amin 'no? Anong gagawin mo rito? Tutulog lang na parang isang reyna?" Mataray na sambit ni tita Krystynn. Hindi na lamang ako kumibo at nginitian silang lahat.
Dumiretsyo na ako sa opisina dahil wala naman kaming klase ngayong araw. "Ma'am andyan na po 'yung sekretarya n'yo po," sambit ng isa sa mga staff dito sa firm ni mommy.
"Sige papasukin mo," pinapasok n'ya ang isang lalaking medyo pamilyar sa akin. Matangkad ito at mistiso, sanaol. Kung titignan mo ay mukha s'yang disente.
"Hi ma'am, ako po si Shan Kristoffe Kim, ako po ang bago n'yo pong sekretarya," nakangiting bati nito sa akin. "May ipag-uutos po ba kayo?" Tanong nito.
"Bili mo'ko breakfast, and also find a condo. 'Yung malapit sa school ko ASAP," pagkasabi ko noon ay nagpaalam na s'ya para gawin ang ipinag-uutos ko.
Ilang oras pa ay bumalik na s'ya na may dalang breakfast. Pancakes and hot choco ang dala n'ya. "Sorry ma'am, hindi ko po alam ang gusto n'yo," tinignan ko s'ya.
"Okay lang. Btw, may kilala ka bang private investigator? May hinahanap kasi ako e," sambit ko rito.
"A-ako po ma'am," sambit nito. "Ay, hindi. 'Yung head engineer ata natin," pamimilosopo ko. "Hindi po ma'am, ibig ko pong sabihin. Dati po kasi akong private investigator, dahil po sa tito ko. Kaso po 'yung future girlfriend ko po ayaw nung trabaho ko," paliwanag nito.
"Can you help your boss?" I ask him. "Depende po, pero po ipapasa ko nalang po kayo sa tito ko po ma'am," tugon nito.
"Okay, that's fine. Pakibigay nalang details ng tito mo para macontact ko s'ya and also, stop using po. Ilang taon ka na ba?" Tanong ko rito.
"22 po—este 22 ma'am," tugon nito. "Okay ako dapat ang mag-po, 19 palang ako so stop using po okay?" Sumang-ayon naman ito sa akin.
Habang kumakain ako ay biglang tumunog ang phone ko. Nang tignan ko ito ay may nagnotif nanaman sa aking IG.
AndersonIgop_: lagot tayo.
Bright_Yanna: why?
AndersonIgop_: nalaman ni tita Krystynn. May epal na sipsip na katulong na nagsabi. Naiinis ako, mali mali ang kwento. Ang sabi dito ay sinadya mo na iyon ang kainin. Papunta na s'ya dyan sa'yo. Hindi nagalit sa'kin pero for sure galit sa'yo.
Ibinaba ko na ang aking phone at inubos na agad ang aking pancakes. Mainit pa ang hot choco kaya naman inuunti unti ko ito. Nagulat ako ng biglang kumalabog ang pintuan ng office ko.
"Isa ka talagang walang kwentang bata," sinampal ako ni tita Krystynn. Feeling ko sa sobrang lakas ay bumakat pa ang palad nito sa aking pisnge.
"Wala ka talagang magawang matino sa pamilya ko 'no? Wala ka talagang gagawin kung hindi ang magdala ng malas sa lahat?!" Tita krystynn pulled my hair.
Pinagsasasampal n'ya ako. Wala akong magawa kung hindi ang umiyak. Hindi ko s'ya kayang labanan. S'ya at s'ya pa rin naman ang pinakamamahal na ate ni mommy. Kahit na anong pananakit nito sa akin, hindi pa rin mababago na s'ya ang tumulong kay mommy na umahon noong pinagbubuntis n'ya ako.
Nang mapagod si tita ay umalis na rin ito. Niyakap ko ang aking sarili habang umiiyak. Ngayon nakaupo ako sa lapag, tinatanaw ang tanawin na tambak ng mga building dito sa Manila.
"Ma'am oh," inabutan ako ni Shan ng yogurt drink. "Palagi ka ba n'yang sinasaktan?" Tanong nito sa akin.
"Simula nung mawala ang mommy ko, oo palagi," tugon ko. "Alam mo ma'am? Akala ko sa mahihirap lang nangyayari 'yung ganyan. 'Yung laging nasasaktan kahit na kadugo mo naman," pagkukwento nito.
"Minsan, feeling ko, hindi ako tunay na kadugo... kaya nga gusto kong hanapin ang tatay ko e," sambit ko rito. Syempre hindi ko sasabihin 'yung plano ko after mahanap ang tatay ko.
"Matutulungan kita ma'am, ako na lang ang tutulong hindi na ang tito ko. Libre na ito ma'am, sabihin mo lang sa akin ang pangalan," sabi nito.
"Ang problema hindi ko alam ang pangalan n'ya. Hindi nila sinasabi sa akin kung sino, ang alam ko lang ay naging karelasyon ito ni mommy," sabi ko rito.
"Okay lang sabihin mo nalang sa akin ang name ng mommy mo," sabi nito.
"Okay, uh, Khraeavaeanne Athena Tala Madriaga," pagkabanggit ko ng pangalan ni mommy ay biglang namutla si Shan. "Uh, ma'am labas na po ako ha? Tatawag lang po ako ng maglilinis dito," pagpapaalam nito sa akin.
~~~~~~~~~~~
•LIGAYA•
YOU ARE READING
My First Crush
RandomHi! Welcome to Dream Series number 1. This story deals about different feelings of people. This story contains all the imagination of author, sometimes a chapter contains her own dream. So goodluck and happy reading! :)) This story came from my drea...