40: Last

10 2 0
                                    

Tip sa math: challenge yourself everyday. Hindi pwedeng kung ano lang ituro sainyo, hanggang dun lang kayo. Kaya nahihirapan 'yung brain n'yo na i-process 'yung ibang math problems kasi 'yung itinuro sainyong basics sa tingin n'yo hanggang dun lang. Pero marami pa outside non. Kaya everytime na may new lesson kayo, i-challenge n'yo 'yung sarili n'yo. Gawin n'yong komplikado lahat ng math problems.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~🤐

"Mommy," pagpukaw ko ng atensyon nito. Decenber 23 na ngayon, medyo matagal na syang nasa condo ko. Naikwento ko na sakanya lahat. Pati ang nangyari sakanila ni daddy. Naituro ko na sakanya kung sino ang mga importanteng tao sa buhay n'ya.









Tinanong ko s'ya noon kung gusto n'yang bumalik sa trabaho. Ang sabi niya lang sa akin ay hindi na. Hindi na rin naman daw n'ya naaalala ang ibang bagay na ginagawa n'ya noon. Sasamahan nalang daw n'ya ako sa bahay.









"Ready kana po ba? Parating na po si Shan." Pag-iinform ko rito. Bakas sakanyang mga buhok ang pamumuti nito. Hindi s'ya mukhang matanda sa kutis n'ya. Para lang kaming magkasing-edad pero s'ya ay may puting buhok samantalang ako ay wala. Para kaming magkapatid.










"Athianna?" Pagtawag nito sa akin. "Sa tingin mo ba ay gusto pa rin ako ng daddy mo?" Biglang tanong nito. "Kasi ako, kung ako ang tatanungin, sa tingin ko ay wala na'kong nararamdaman para sa kanya. Siguro 'yung sakit na binigay n'ya sa akin. Tama na 'yon," bigla s'yang ngumiti.










Mula sa pagkakaharap n'ya sa vanity table ay humarap s'ya sa akin. Bakas sa kanyang mukha ang saya. "Anak, gusto mo bang magkatuluyan pa rin kami ng daddy mo?" She asked sincerely.










"Mommy, kung ano po ang desisyon mo ay susuportahan kita. 'Wag mong pilitin na bumalik sa kanya kung hindi naman na talaga s'ya ang gusto mo," ngumiti ako rito. Bumalik s'ya sa pagkakaharap n'ya sa vanity table at muling sinuklayan ang kanyang buhok.










Pagkatapos kong makita si mommy, agad kong pinaalam kila tita Krystynn ang nangyari. Kahit na hindi maganda ang pakikitungo nito sa akin, kailangan n'ya ring malaman ang nangyari sa pinakamamahal n'yang kapatid.










Maya maya pa ay biglang may nagdoor bell. Excited akong  pumunta sa pintuan. Excited akong pagbuksan si Shan. Though, hindi naman sure na si Shan nga talaga iyong nag door bell pero sa tingin ko ay s'ya talaga iyon.










Pagbukas ko nang pinto ay tama nga ako, si Shan nga. Pero may kasama s'ya... kasama n'ya si Mika. But I don't care, friends naman sila e. Akmang yayakapin ko s'ya ng bigla s'yang magsalita.










"Uh, Yanna, tawagin mo na si tita para maaga tayong makapunta sainyo," biglang sabi nito. Sinuklian ko lamang s'ya ng isang ngiti at agad na tinawag si mommy.










Nang tawagin ko si mommy ay agad kaming bumaba para makapunta sa carpark. Nang pasakay na kami ng sasakyan ay laking gulat ko nang si Mika ang pumasok sa front seat. Hindi na lang ako kumibo, baka para more bonding siguro sa aming dalawa ni mommy.










Pagkahatid n'ya sa amin ni mommy sa bahay ay hindi na s'ya bumaba dahil may pupuntahan daw silang importante ni Mika. Nginitian ko na lamang sila.










Nang makapasok kami sa bahay ay parang bumalik sa dati ang lahat. Hindi ko na ramdam ang galit sa akin ni tita Krystynn. Naging masaya ang lahat. Inaya kami nila tita Krystynn na dito nalang matulog pero tumanggi kami ni mommy dahil wala kaming gamit. Nangako kami na bukas hanggang mag new year ay didito nalang kaming dalawa.










"Oh, anak, anlayo ata ng iniisip mo," biglang nagsalita si mommy mula sa aking likuran. Narito ako ngayon sa bakuran, kung saan may mini swing at mini tree house. "May problema kaba?" Nag-aalalang tanong nito.










"Wala naman po," marahan kong sagot.










"Kung lalaki ang problema mo, 'wag mo na s'yang problemahin. Ang mga lalaki... nariyan lang 'yan. Kung talagang para kayo sa isa't isa, kahit na anong mangyari ay magiging kayo. Kung hindi, sadyang pagtatagpuin lang kayo ng mapaglarong tadhana," tumabi ito sa aking duyan.










"You know tangent lines right? It is the most painful line that I've known. 'Yung panandalian lang ang lahat. 'Yung isang beses lang at hindi mauulit. 'Yung akala mo s'ya na pero hindi pala talaga," itiningala n'ya ang kan'yang ulo. Ngayon ay nakatitig na s'ya sa buwan at mga bituin.











"Look at those stars," sabay turo n'ya. "Madami sila hindi ba?" Bigla n'ya akong hinarap. "Look at that moon," binalik n'ya ang tingin n'ya sa langit. "Nag-iisa lang s'ya hindi ba?"











"You are the moon, and he is your sun. Maraming stars na nakapaligid sa'yo, ngunit s'ya lang ang hinahanap hanap mo," tinignan ko si mommy.











"One thing I knew about my life is... when you cage yourself with one person, you will never grow. Hindi mo na kasi makikita ang sarili mo dahil nakafocus ka sa ibang tao. Hindi mo nakikita na maraming tao ang nakapaligid at handang i-heal ka dahil nakafocus ka lang sa kanya," huminga ito ng malalim at sabay ibinuga.











"This is the thing I want you to know, never chase anyone. A woman is a precious gift from God. If that man doesn't like you like you do, then free him. 'Wag mo na s'yang habulin pa. Ang mundo ay hindi nilikha para sa habulan. Ang mundo ay inilikha para malaman kung sino ang malalakas. Dahil kapag mahina ka, talo ka. Kapag mahina ka, mamamatay ka. Never let anyone to pull you down. You're my daughter, dapat strong ka sa kahit sinong saan, dapat strong ka kahit kanino." And after that, my mom leave. Pumasok na s'ya loob.











Naiwan akong nakatitig sa kalangitan. Hindi ko alam kung bakit ganoon kalalim ang sinasabi ni mommy sa akin. Hindi naman kami ni Shan. Hindi ko rin alam kung bakit ako nasasaktan sa simpleng bagay na nagawa ni Shan sa akin.











Naghintay ako ng sampung minuto bago bumalik sa loob. Si tito Asher na raw ang maghahatid sa amin kaya naman tinawagan ko si Shan para sabihin ito. Kaso na nga lang ay hindi n'ya sinasagot kaya naman nag-iwan nalang ako ng message.











To Shan♡:

Hi! 'Wag mo na raw kaming sunduin ni mommy. Si tito Asher nalang raw ang susundo sa amin. :))











Habang nagkwe-kwentuhan sila mommy, tita krystynn at tita-ninang Merlyn ay nagbasa na lamang ako ng libro. Habang nagbabasa ako ng libro ay paulit-ulit na pumasok sa aking isipan ang mga sinabi ni mommy. Tatlo na ang gumugulo sa akin ngayon... una ang aking utak na nagsasabing tigilan ko na s'ya, pangalawa ang sinabi ni mommy at panghuli ang aking puso na nagsasabing dapat ko s'yang ipaglaban.











Nakakalito... hindi ko na alam kung sino ang susundin ko... ang hirap naman ng ganito...





~~~~~~~~
•LIGAYA•

My First Crush Where stories live. Discover now