38: Wedding

9 2 0
                                        

Tip: 'pag 'di kayo ni-crushback ng crush n'yo, gawan n'yo ng story tapos torture-in n'yo😉

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~🌬

Kinabukasan noon ay pinuntahan ako ni Shan sa Bataan. Minsan, kinakabahan ako sa kinikilos n'ya. I mean, I don't have time for a relationship if that's what he wants. Or maybe, ako lang 'tong umaasa sa mga gestures n'ya?









Alam kong hindi ko s'ya dapat iniisip at inuuna ko dapat ang revenge ko para sa aking ama pero bakit ganito? For the first time in my life, I feel confused about my feelings. I even feel confused on what should I follow? My heart or my brain.









Everyday, I am happy on what he's doing for me. But, on the other side of me, I am scared. I am scared of my own feelings. And I hate this feeling. I hate the feeling of being scared on my self.









"Hoy tulala ka!" Biglang sambit ni Ashley—ang pinsan ni Abby—habang mini-make up-an kami para sa kasal ni Abby.









"M-may iniisip lang," tanging tugon ko rito. Nagpatuloy lang ang pagmi-make up sa'min. Inayos na kami sa simbahan. Laking gulat ko nang makita ko si Shan dito sa kasal.









"Okay 'yung best man tyaka maid of honor pumunta na rito sa harap," sigaw noong organizer. Agad akong pumunta sa harap. Laking gulat ko nang makita kong nasa harap din si Shan.









"Wow, ikaw ang maid of honor," bungad nito sa akin.







"Yeah, bestfriend ko ang bride." Tanging tugon ko. "Same bestfriend ko rin ang groom." Ganoon lamang kaikli ang usapan naming dalawa. Hindi na nasundan iyon dahil nag-umpisa na rin kaagad ang ceremony.









Pagkatapos nilang sabihin ang 'I do' at naghalikan ay todo ang kilig ko. Naluluha rin ako kanina habang naglalakad papunta sa altar ang bestfriend ko. Feeling ko ako ang ina n'ya!









Nang nasa reception na kami ay nagbihis na si Abby ng another dress para makagalaw s'ya nang maayos. Umupo na ako sa isang lamesa kung nasaan ang apelyido ko.









"Yanna," tinignan ko ang lalaking nagsalita mula sa aking likuran. "Yow! Tagal nating hindi nagkita ha," biglang sambit ni Izen.









"Uy, zen! Hello!" Nakangiting bati ko. "Hello ka dyan! Tagal mong hindi nagpakita sa'min! Hoy Rege! Andito si Yanna!" Pagsisigaw ni Zen. Jusme, nakakahiya.









"Hoy! Ikaw, tagal mong hindi nagpakita sa amin. Kung hindi pala ikinasal si Abby, hindi ka magpapakita!" Bungad naman sa akin ni Rege.









"Guys, calm down. Sorry na," after that we catch up. Si Zen ay may pinopormahan na raw. Si Rege naman ay may bestfriend pero hindi s'ya makaamin dito. Hanggang ngayon ay nagpapagamot pa rin si Rege dahil sa heart condition n'ya.









"Okay guys, this is it. Ito na ang pinakahihintay kapag may kasal. Batay sa tradisyon, dito malalaman kung sino ang susunod na ikakasal. So ladies na single dyan, punta na kayo sa harap!" Magiliw na sambit ng emcee.









"Hoy pumunta ka raw don!" Bigla akong sinigawan ni Zen. Siraulo talaga 'to. "Oo na tatayo na, chill. Para namang tanga 'to!"










Pumunta na ako sa harapan para saluhin ang bouquet ni Abby. Wala naman akong balak na makipag-agawan, kaya naman pinikit ko nalang ang aking mga mata. Maya maya pa ay nagulat ako nang may maramdaman ako sa aking mga palad.










Nasalo ko...


Punyeta...










Biglang sumigaw sina Zen at Rege. "Whoooo! Invited kami ha! Whooooo, bestfriend namin 'yan!" Pagsisigaw ng dalawa.










Maya maya pa ay pinaupo na kaming mga girls at ang boys naman ang pinatayo. Nakita kong tumayo si Shan. Si Zen at Rege ay hindi na tumayo. Ikakasal naman na raw si Zen at si Rege naman ay nakapangako na sa bestfriend n'ya na si Tine.










Habang nakatayo ang mga kalalakihan ay nakipagchikahan muna ako sa dalawa. "OMG!" Bigla kong sigaw.










"What?" Sabay na tanong ng dalawa. "May napansin ako gagi! Parehas na Tine 'yung fiance mo at bestfriend n'ya!" Bigla silang natawa.










"Yeah, parehas na Christine pero magkaiba spelling. 'Yung isa K start, 'yung isa Ch." Paliwanag ni Zen.










"So sino sainyo 'yung K ang gusto at sino naman ang Ch?" Curious na tanong ko.










"Ako sa K, s'ya sa Ch." Pagpapaliwanag ni Rege. Maya maya pa ay may nakasalo na nung garter. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang malaman ko kung sino ang nakasalo, si Shan iyon...










"Okay isusuot ng nakasalo ng garter sa binti ng nakasalo ng bouquet! Ayieee! Baka kayo na ang next na magkatuluyan!" Pang-aasar ng emcee.










Agad akong lumapit sa harapan para matapos na ang lahat. Pinaupo ako sa isang silya at lumuhod sa harap ko si Shan. Dahan dahan n'yang isinuot ang garter sa aking binti. Naiilang ako sa ginagawa n'ya pero bawal ako magreklamo, dahil ito naman talaga ang tradisyon sa kasal.










Nang matapos n'ya itong isuot sa akin ay inalalayan n'ya ako makatayo. Maraming nag-ayieee, isa na ron ang mga siraulo naming kaibigan na sila Rege at Zen.










Agad akong bumalik sa upuan ko. Naiilang pa rin ako. Hindi ko alam kung bakit ganito. Nagtatalo ang kilig at pagkailang ko sakanya.










Maya maya pa ay biglang nagtext sa akin si Shan. Noong una ay hindi ko 'to pinapansin kaso nga lang ay naka sampong text na ito.








From Shan:

Usap tayo.






Paulit ulit na 'usap tayo' ang laman ng text message n'ya. Nagreply lang ako na saan at sinabi n'yang sa labas ng venue. Agad akong lumabas. Nakita ko s'yang naghihintay roon.










"Uh... uhm... I don't know how to start," bungad n'ya sa akin. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng aking puso. "M-ma'am... I mean Y-yanna, I just want to say na I... wait. Uhm, ang hirap naman nito," he chuckled. Siguro pampatanggal ng kaba. Patuloy ko lang s'yang tinitignan at walang komento sa mga sinasabi n'ya. "I like you a lot."










Pagkasabi n'ya noon ay mas dumoble pa ang kabog ng aking puso. Paano na ngayon? Paano ko na pagdedesisyonan ito? Nakapahirap magtalo ng puso at isipan ko. Natatakot na 'ko...










"Uh... so... I mean, uhm, I don't really know what to say Shan, I'm sorry." Tanging tugon ko. Akmang aalis na ako nang bigla itong magsalita.










"Wait, Yanna, look at me," bigla n'yang hinawakan ang aking mga kamay. "Hindi kita prini-pressure dahil gusto kita. No pressure. I just want to confess. 'Yun lang. Sana ay hindi mo ako layuan." I just smile on him for assurance na hindi ko s'ya lalayuan.










Pero bakit sinasabi ng utak ko na kailangan ko s'yang layuan? Nakakaba. Nakakatakot. Para bang nahihirapan ako sa sitwasyon ko ngayon. Ano na nga ba ang gagawin ko? Nakakainis. Dati naman, laging pareho ang sagot ng dalawang ito. Pero bakit ngayon, Magkaiba na sila? Pwede ba 'yon? Aish! Nakakaloka.




~~~~~~~~~
•LIGAYA•

My First Crush Where stories live. Discover now