Tip: 'pag magrereview kayo for math, i-practice n'yo lang 'yung sarili n'yo sa mahihirap na equation. To the point na gawin n'yong komplikado lahat sa equation. Para 'yung utak n'yo mae-enhance, kung sakaling mahirap 'yung lalabas na equation sa exam, ready na 'yung utak n'yo😙.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~👉🏼👈🏼
Nagresign na s'ya as my secretary. Araw-araw n'ya akong pinapadalhan ng lunch at mga rosas. Hatid-sundo n'ya na rin ako. Hinahayaan ko lang s'yang gawin iyon dahil alam ko sa sarili ko na gusto ko rin s'ya.
Magpapasko na ngayon. It's already December 20. Napagdesisyonan kong mamili ng mga ireregalo ko sa mga love ones ko. Binilhan ko lahat ng kapamilya ko, syempre kasama na roon si tita Krystynn. Kahit na sobrang sama n'ya sa akin ay hindi ako nagtatanim ng sama ng loob dito.
So bale I bought 16 different gifts. Tinignan ko ang isang regalo na kulay itim ang kahon. Hinimas ko ito at inisip ang taong pagbibigyan ko nito.
"Daddy, I promise to make a simplest and sweetest gift for you," napangiti ako pagkatapos kong sambitin iyon sa aking sarili. Ngayon ay nasa condo lang ako at mag-isa. Sabado ngayon at ang plano ko lang ay magpunta sa puntod ni mommy kasama si Shan mamaya.
Habang hinihintay ko si Shan na makarating dito sa condo ko ay nagbasa muna ako ng mga reports sa firm. 3 pm ay wala pa rin ito. Nagtyaga lamang akong maghintay rito. Baka natraffic lang.
Saktong 3:30 pm ay may tumunog na ang doorbell ko. Hudyat na tao sa labas ng aking pinto. Agad kong binuksan ito at niyakap ang lalaking nasa harap ko.
"Late ka, 1 hour and 30 minutes." Sinabi ko iyon na may pagtatampo sa aking boses.
"Sorry na, ang traffic lang masyado. Tapos late na rin ako nakaalis kanina sa meeting. Masyado kasing nagkagulo sa office dahil sa mga nagpropropose ng 15 month pay. E dapat 13 lang 'yon," Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sakanya.
Hinalikan n'ya ako sa aking noo at ginulo ng kaunti ang aking buhok. "Ano? Tara na? Pupuntahan pa natin mommy mo." nakangiting sambit nito. Pagkalabas namin ay agad kong ni-lock ang aking condo. Kaming dalawa lang ni Shan ang nakakaalam ng passcode ko.
Sumakay na kami ni Shan sa kotse n'ya. Sa kalagitnaan ng byahe ay bigla itong nagsalita. "Pwede kang matulog kung gusto mo. Halatang pagod ka," sambit nito at may iniabot na maliit na unan sa akin. Nginitian ko lang s'ya at natulog ako sa buong byahe.
Pagmulat ko ng aking mga mata ay nasa tapat kami ng isang malaking mansyon. Agad akong nagtaka dahil ang alam ko ay ang puntod ni mommy ang pupuntahan namin.
"Oh, gising ka na pala," biglang sambit ni Shan. "Tara na?" Nakangiting tanong nito sa akin.
"A-anong ginagawa natin dito? N-nasaan tayo?" Nagtatakang tanong ko.
"Basta surprise ko sa'yo." Ngumiti lamang si Shan sa akin at bumaba sa sasakyan. Pinagbuksan n'ya ako ng pinto. Agad akong bumaba at pumasok kami sa gate ng mansyon.
"Tito?" Pagtawag ni Shan. Mukhang bahay ng tito n'ya 'to. "Oh nandito na pala kayo. Hindi pa kami ready ni Vaeanne," narinig ko ang pagsagot ng tito nito.
Nagulat ako nang may isang babae na nakawheel chair ang itinutulak ni tito Eric. Grabe ang kaba ko sa aking nakita. Hindi ako makapaniwala. Agad na nagsibagsakan ang maiinit na tubig sa aking mga mata.
Hindi... imposible... ang babaeng nasa harap ko...
"B-bakit naiiyak ang magandang babaeng kasama mo hijo?" Biglaang tanong ng babaeng nakawheel chair.
"Hindi n'yo po ba s'ya naaalala?" Tanong sakanya ni Shan. Umiling lamang ang babae sakanya. Mas lalong nagsibagsakan ang aking mga luha. Bakit... hindi n'ya ako matandaan?
"Shan, ilabas mo muna si Yanna sa garden para makapagpahangin." Usto sakanya ni tito Eric.
Agad akong inilabas ni Shan. Umupo kami sa isang duyan at doon ako umiyak ng umiyak. Buhay s'ya... buhay ang babaeng pinakamamahal ko. Buhay ang babaeng pinangakuan kong ipaghihiganti ko dahil sakanyang pagkamatay.
"Noong nakaraan ko lang nalaman," tinignan ko si Shan nang bigla itong magsalita. "Pumunta ako para sana dalawin si tito. Pinahatid din kasi sakin ni daddy 'yung mga papers na kailangang pirmahan ni tito. Pagpunta ko rito ay nagulat ako nang makita ko ang isang babae na kamukhang-mukha mo. Akala ko joke lang, 'yun pala mommy mo talaga," tumingin ito sa akin.
"Yanna, ayokong itago sa inyo ang mommy mo. Pero wala s'yang maalala. Ayon sa kwento ni tito, ilang taon s'ya na coma. Umabot s'ya ng 11 years at himalang nabuhay pa ito. Inilaban ni tito ang buhay ng mommy mo. Kahit na maraming doctor na ang sumuko, si tito hindi n'ya ito sinukuan," huminga ito nang malalim.
"Akala ni tito nung 11 years na ay wala na talaga. Pero nagulat sila nang biglang gumalaw ang daliri nito. Tuwang-tuwa si tito pero wala namang maalala ang mommy mo. Hindi na s'ya makalakad. Naparalyze na masyado ang mga paa n'ya," tumayo ito mula sa duyan.
"Proud ako sa tito ko. Kasi kahit gusto n'ya ang mommy mo, hindi n'ya pinagsamantalahan ang kahinaan nito. Hindi n'ya sinabing asawa o kung ano man s'ya. Nanatili lang s'ya sa isa sa pinagkakatiwalaan ng mommy mo. Ngayong pasko, dahil nakakapagsalita na nang ayos ang mommy mo, balak ni tito na ibalik na s'ya sa mga Madriaga." Tumingin ito sa akin.
"P-pero, hindi n'ya ako maalala," nakayukong sambit ko. "B-baka maguluhan s'ya."
"Sinabi ni tito na kay anak s'ya. Sinabi ni tito lahat ng alam n'ya tungkol sa mommy mo." Paliwanag ni Shan.
"S-sino 'yung pinaglalamayan namin? S-sino 'yung babaeng duguan na sinunog 'yung mukha n'ya? S-sino 'yon?" Sunod sunod na tanong ko.
"Hanggang ngayon iniimbestigahan pa rin ni tito kung sino 'yon, at sino ang may pakana noon. Kaya pala noong nanghihingi ako ng tulong para sa DNA test n'yo ng daddy mo ay ayaw akong tulungan ni tito. Dahil nasa kanya pala ang mommy mo," Shan chuckled to lessen the heaviness of the feeling.
"Sige, ready na akong makausap si mommy." Nakangiting sambit ko.
"Yeah, that's my girl!" Nagthumbs up pa ito sa akin.
Pumasok na kami sa loob. Wala na ang mga luha sa aking mga mata. Pagkapasok ko ay agad kong niyakap si mommy. Grabe ang tuwa na aking natamo. Grabe, napakasaya ko.
~~~~~~~~~
•LIGAYA•

YOU ARE READING
My First Crush
RandomHi! Welcome to Dream Series number 1. This story deals about different feelings of people. This story contains all the imagination of author, sometimes a chapter contains her own dream. So goodluck and happy reading! :)) This story came from my drea...