23: Weddingn't

11 1 0
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~:(

The birthday of Zeus went well. Okay na rin kami ni Merlyn. Nangako s'ya na ipapaalam n'ya kay kuya ang lahat kapag ready na s'ya.




Dumating na rin ang araw na kailangan nang ikasal sina Denise at Ivan. Hindi ko alam pero habang naglalakad s'ya sa altar ay kitang kita ko ang lungkot sakan'yang mga mata. Nang matapos ang seremonya ay pumunta na agad kami sa reception.





Noong wala na ang mga nakapalibot kay Denise ay agad namin s'yang nilapitan ni Merlyn. Umalis si Ivan para lumapit din kila kuya.





"Hey I saw that," I told her.





"You saw what?" Confuse na tanong ni Merlyn.






"You're not happy," sabi ko kay Denise.






"Oh, oo nga 'no? Kala ko ba pangarap mo 'to? Ang ikasal sa pinakamamahal mong tao?" Tanong ni Merlyn.






"Alam n'yo masaya ako. Pero, pumapasok pa rin kasi sa isip ko na, Yes we're married. I married the man of my life. The only one I love but there's a big dot saying na he'll never love or even like me. You know, he's in love with Nicole. Ako lang naman ang panira sa love story nila,"






"Hey, don't say that! Basta fighting lang, magugustuhan ka rin ng asawa mo," mapaklang natawa si Denise.






"Paano ako magugustuhan e kung hindi pa nga kami kasal pinagplaplanuhan na n'ya kung paano kami maghihiwalay na hindi kami isusumpa ng mga pamilya namin,"






"Gago pala s'ya e," bigla kong sabi. "Nakakainis naman ang mga lalaki, lahat nalang sila ginagamit at pinaglalaruan tayong mga babae,"







"Oy, Athena 'wag kang bitter sa kasal ko," natatawang sabi ni Ivan. GOSH NARINIG NILA, BATMAN PAKIKUHA NA'KO. "Adam, comeback na kasi," nang-aasar na sabi nito.







"Ulol," tanging tugon ni Adam, at sabay sabay na nagtawanan ang mga lalaki. Si kuya naman ay tahimik lang na nakatingin kay Merlyn.







"Nakakahiya," bigla kong sabi. "Btw, uwi na'ko may important meeting ako sa new client ko," paalam ko rito. Totoo naman, meron naman talaga akong meeting para sa bagong project ko na bahay.






"Later na, kapag ihahagis ko na 'yung bulaklak t'yaka 'yung garter please," nagmamakaawang sambit nito.






Wala akong nagawa kung hindi ang i-cancel ang meeting. Ipagpapabukas ko na lang ito para sa kasal ni Denise. Ang plano ko lang naman ay dumalo sa simbahan at hindi na pumunta pa sa reception pero mapilit kasi si Denise.






Habang hinihintay ang paghahagis ng bulaklak ay nilaro laro ko muna si Zeus. Kanina ko pa napapansin ang pagtitig ni kuya kay Zeus at Merlyn.






"Okay ladies and gentlemen may I call to all those singles na pumunta na sa harap para sa paghahagis ng bouquet at garter ng bride," magiliw na sabi nung emcee. Hindi dapat ako pupunta pero hinila ako ni Merlyn at nakita ko ang saya ni Denise nang makita n'ya ako na tumayo at pumunta sa gitna.






"Okay now, bride, pwede n'yo nang ihagis ang bulaklak mo," bumilang si Denise. Pumikit ako, dahil sa hindi malaman na dahilan. Isa... dalawa... tatlo...






Nang imulat ko ang aking mga mata, nagulat ako nang may makita akong bulaklak sa aking mga kamay. Ako... ako ang nakasalo ng bulaklak. Tuwang tuwa si Ivan at Denise.






My First Crush Where stories live. Discover now