~~~~~~~~~~~~~~~:》
Sa araw araw na pinasok ko rito sa university ay hindi ako ginagalang ng mga students ko sa engineering dept. Kesyo mas matanda sila sa akin ng dalawang taon ay dapat maging chill lang daw kami.
Walang nakikinig sa akin. Lahat sila'y puro pambabastos lang. But today is the day of my revenge. It's not actually a planned revenge. It's their fault nalang kung hindi sila nakikinig sa akin. Kung ang pinapasa nila sa akin ay puro copy paste sa google.
Today is the final recitation day. Ngayong araw din nila malalaman ang magiging grades nila for the whole sem. Sad, graduating sila at nasa star section pero sinayang nila ang isang taon.
Nasa klase ko si Adam. Lagi n'yang hindi pinapasukan ang klase ko kaya mukhang wala rin s'ya ngayon. Sana nga ay wala. Kung hindi ay makakakita nanaman ako ng manok na nag-iinarte.
"Goodmorning class, today is your final recitation," sabi ko sakanilang lahat.
"Hala miss bakit naman gan'yan?! Bigla nalang magbibigay ng gan'yan 'di naman nagtuturo," lahat sila ay nagtawanan sa sinabi ng kaklase nila.
"Nagtuturo ako, kayo ang 'di nakikinig at nagcecellphone. Kahit exams ay ayaw n'yong sagutan. Kaya bahala na kayo, and yes nambabagsak ako ng mga walang modo," I rolled my eyes at nilabas ang papel kung saan naroon ang pangalan nilang lahat.
"Okay, alphabetical ko kayong tatawagin," marami ang nag yes at marami rin ang mga hindi natuwa. "But, una ang panghuling pangalan sa listahan," ngayon ay marami nang nagrereklamo. "Sige isa pang reklamo at gagawin kong singko lahat ng names n'yo," nanahimik silang lahat. Alam nilang hindi sila pwedeng bumagsak sa subject ko. Alam nila major ako.
"Okay, Valencia. If you were be given a task, and your task is you'll build a house near in the beach or seaside. Ibigay mo ang gagawin mong model o naiimagine mo na gagamitin mo para sa bahay na ito," mataray kong sabi. Actually this is not the real recitation, gusto ko silang pagbigyan. Kaya dinadalian ko nalang. Choice nalang nila kung tanga sila.
"Ma'am kahoy ma'am kasi magandang tignan kasi nasa beach diba?" Tumawa ito na para bang nakikipagbiruan ako.
"Okay next, Polera," gosh this is the chicken girl. The name is jumbled, magkahalo ang boys and girls pero nakaarrange pa rin ito alphabetically.
"Where do you prefer to build your client's house?" Tanong ko rito. Ngumiti ang gaga, kala mo easy 'to?
"Sa seaside miss," akmang uupo na ito nang magsalita muli ako.
"Okay explain mo sa akin ang nasa isip mo kung paano mo gagawin ang bahay na ito. IMAGINE YOU ARE THE HEAD ENGINEER," she smirked again like I'm giving her an easy question.
She explain it well but, there's a hole. Mali ang sagot n'ya sa unang tanong ko. Bakit s'ya ang magdedecide? E hindi naman n'ya bahay. Paano nalang kung takot pala sa dagat ang client? Edi sirang sira agad company nila, chosz. I just make my questions easier but please use your common sense.
After so many calls. Si Adam na ang next. So I called him. He stand up, I look at his eyes. Ramdam ko ang galit rito. Ramdam na ramdam ko.
"Okay, you're going to build an beach rest house. But there's a twist, limited lang ang oras ninyo. Paano mo ito pagkakasyahin? Anong ang mga materyales na gagamitin n'yo?"
"So, I will double my contraction workers para less 'yung time. Mas marami mas mapapabilis, or pwede ring hindi ko gagawing malaki ang bahay. Makikipag-ugnayan ako sa archi para sa designs nito. Gagawin kong small but elegant. Hindi naman sobrang liit pero maganda pa rin tignan," after that umupo na si Adam. Hindi n'ya sinagot ang pangalawang tanong.
Umabot kami ng 1hr. Walang nakatama sa lahat ng tanong ko. 2hrs ang subject ko kaya ibinigay ko ang grades ng lahat. Puro singko at kwatro ang mga grades nila. Maraming nagreklamo lalo na si Chicken girl.
"Ang unfair! Tama lahat ng sagot ko tapos 4 lang grades ko! Nakakainis ka hindi ka dapat maging prof," galit na sabi nito.
"Intindihin mo muna questions ko. Btw, at least ako karapat dapat maging engineer ikaw hindi," I rolled my eyes. I heard the boys at the back saying "oooooooh".
Nang matapos ko na ang 2 hrs ko sa section nila ay dumiretsyo ako sa cafeteria para makipagmeet kay Ann. She said she missed me. Well, 1 month siyang absent dahil may out of town sila.
"Athena!" Tawag sa akin ni Ann. Pagkalapit ko ay bigla s'yang may inabot ko sa akin na dalawang paper bag.
"This one, is from me!" Masayang sabi nito habang tinuturo ang color violet na paper bag. "And, uh, this one is from tita," napatingin ako sa paper bag na color green. This one is from my mom. "May letter daw sa loob 'yan, hehe. Babye na, baka malate pa ako sa class ko," pagpapaalam nito. After namin magkita ay pumunta na ako sa carpark.
Pagkapasok ko sa kotse ko ay inilagay ko sa likod ang mga paper bag. Pabalik na sana ako sa cafe ko para icheck ang mga nangyayari roon nang biglang tumawag si kuya.
[Hey, lil sis.] Bati ni kuya.
"What?"
[Uuwi daw next week dito sila ate, for good. Tapos may nasagap akong chismis, break na daw kayo? Pangit ng pinalit. HAHAHAHA, mukang manok, color red na buhok tapos may green na highlights.] Tatawang tawa sabi ni kuya. Napakajudger talaga nito. Dito ata ako nagmana, chosz.
"Kuya wtf, sige uuwi ako sa bahay next week. And yes, break na kami. Wala na akong pake sa kan'ya," sabi ko rito. Well that's true. Kaso nga lang after break up namin ay napasama ata ako sa samahan ng mga bitter.
[Okay, btw, paano kapag nagkaroon ka ng pamangkin sa akin? Anong mararamdaman mo?] Seryosong tanong nito.
"Una sa lahat, magugulat dahil kahit kailan 'di ka nagkagirlfriend. Pangalawa, dalawa lang 'yan e. Nakabuntis ka o buntis ka. Shet kuya seahorse kaba?" I heard kuya groaned at the line.
[Wala kang kwentang kausap. Kaya ka iniiwan e] nang-aasar na sabi nito.
"Excuse me, ako nang-iwan. Ako nagbalik ng singsing," mataray kong sabi.
[Anong balik? Isa ako sa kasama sa pumili ng singsing na iyon, sayang! Balak ko pa naman magmalaki sa mga future anak n'yo—]
"Eh, wala na ngang kami. Stfu, kuya," mataray kong sabi t'yaka binaba ang tawag.
~~~~~~~~~~
•LIGAYA•
YOU ARE READING
My First Crush
RandomHi! Welcome to Dream Series number 1. This story deals about different feelings of people. This story contains all the imagination of author, sometimes a chapter contains her own dream. So goodluck and happy reading! :)) This story came from my drea...