42: Padayon

15 2 0
                                        

Pili kayo, story muna ni Merlyn or ni Yanna? Nvm, pagsabayin ko nalang.

Tip: 'pag nahihirapan kayo sa subject n'yo, 'wag kayong mahiyang magsabi sa teacher n'yo. Or 'di kaya magtanong kayo sa mga taong sa tingin n'yo ay nag-eexcel doon. Normal lang ang mahirapan guys, ¹kaya 'wag kayong mahiyang magtanong—awit sige lagyan natin ng citation—(Ritemed, not sure sa date).

Grabe self, napaka improper nung citation😔✊

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~👋

"Hi," napalingon ako sa lalaking biglang nagsalita.







"Uy, hi Adam!" Binigyan ko s'ya ng matamis na ngiti. "Kamusta na?" Dagdag ko pa.







"Ayos naman, kayo? Kamusta kayo ni Yanna?" Tanong naman nito sa akin.







"Ayos naman kami ni Yanna. Mukhang close sila Yanna at Zxy ha?" Nginitian n'ya ako.







"Oo close sila. Una palang daw ay magaan na ang loob nila sa isa't isa. Siguro naramdaman nilang magkapatid sila—sa ama." Ngumiti ito. Napatingin kaming dalawa sa isang magandang tanawin na nasa harapan namin ngayon.







Nagbakasyon kami. Kasama sila Adam. Wala na akong balita tungkol sakanila ni Yanina. Ang huling balita ko ay ikinasal muli si Yanina at may basbas ito ni Adam.








"Tara na?" Pag-aaya nito. Nginitian ko s'ya at inabot ang kanyang kamay. Magkahawak kamay kaming umalis sa tabing dagat. Pumunta na kami sa mga kasama naming kumakain na ng pananghalian.








"Wow, ano 'yan?" Sabi ni Yanna sa mapang-asar na tono. "Sanaol!" Biglang sigaw nito.








"Ano kamo? SHAN-aol?" Biglang sabat ni Zxy.








"Wala akong sinasabing SHAN-aol. Pero may sinasabi akong SHANELLE-ol," Yanna rolled her eyes on her half brother.










"Shut up!" Naiinis na sambit ni Zxy. Athianna just giggled on Zxy's reaction. Agad itong nagcling kay Zxy at humingi ng tawad.










Tinuturing nila na buong kapatid ang isa't isa. Nakiki-ate nga si Yanna sa new born baby ni Yanina. Laking tuwa pa ni Yanna nang pangalanan itong Zxyanna. Parang isinunod daw sa pangalan n'ya. Parang tanga.










"Mom, dad, I want a new sibling!" Biglang sambit ni Yanna. Nabilaukan si Adam sa kanyang kinakain samantalang ako naman ay muntik na maibuga ang tubig na aking iniinom.










"A what Yanna?" Nanlalaking matang tanong ni Adam kay Yanna.










"Shut up, gusto ko rin ng apo pero 'di mo 'ko binibigyan!" I rolled my eyes on Yanna.










"So, may balak talaga kayong gawan kami ng kapatid?" Sinalubong kami ng malalaking ngiti ni Zxy. "Oo nga mommy!" Natutuwang sambit ni Yanna. Parang mga bata!










"Oh my gosh, ansakit n'yo sa bangs," napahilot ako sa sentido ko gamit ang kaliwang kamay ko. Si Adam naman ay pinipigilan ang kan'yang tawa.










"Wala kang bangs my," biglang sambit ni Yanna. "Ako lang may bangs dito. Itong kay Zxy, bao 'yan! Bao!" Pang-aasar nanaman ni Yanna kay Zxy.










Ganito palagi ang siste namin. Palaging nag-aasaran sila Yanna at Zxy. Palagi silang nagbabangayan pero in the end of day they will miss each other. Palaging ayaw na mapaghiwalay.










Nagbihis na ako nang panligo para makaligo sa dagat. Nagsuot ako ng two piece na color black. Hinawakan ko ang itaas ng aking dibdib. Inaalala ang peklat ng kahapon.










Wala na ito... noong ako'y nasa ibang bansa ay pinatanggal ko ito. Maayos naman s'yang natanggal. Umikot ako sa harap ng salamin upang tignan ang aking sarili. Bagay kaya sa akin ito? Ang tanging tanong sa aking isipan.










Ipinatong ko sa akin ang see through blazer na kulay puti. Pagkatapos kong isuot ang blazer ay agad akong lumabas para makaligo na rin sa dagat.










"Witwew," pagsipol ni Zxy. "Sexy naman ng mommy number 2 ko!" Natatawang sambit nito.










"Shut up Zxy," nahihiyang sambit ko.










"OMG, mom! Mas maganda ka na kesa sa'kin," namamaktol kunwari si Yanna. "Dad, anong masasabi mo?"










Napatingin kaming lahat kay Adam. Nakatitig lamang s'ya sa akin. Wala itong sinabi ngunit nagtawanan na parang kinikilig sina Zxy at Yanna. Lumusong na ako sa tubig para makaligo. Nagbabasaan naman ng tubig sina Yanna at Zxy.










After 10 mins ay umahon na ako mula sa tubig. Tumabi ako kay Adam na nakaupo lamang sa sulok habang pinapanood ang mga anak n'ya.










Binalot kaming dalawa ng katahimikan sa sulok. Nakatitig lamang kami sa dalawang bata na masaya dahil sa pagiging magkapatid nila. Noong una ay tinanong pa namin sakanila kung may isa bang posibleng magkagusto pero dahil sa faithful daw si Zxy sa ex n'ya at walang balak si Yanna na maghanap ng kapalit ni Shan.










"Baka magkainlove-an 'yang dalawang 'yan," natatawang biro ko kay Adam. Tinignan ko s'ya at seryosong nakatingin din ito sa akin.










"What do you think?" Ngumiti ako sa kanya. Nakatitig pa rin ito na para bang may gustong sabihin.










"Hey?" Pagpukaw ng atensyon ko rito. Kumurap ito. "Ayos ka lang ba?" Tanong ko rito.










"Yeah, maybe. Maybe I am," huminga ito ng malalim tyaka tumingala sa langit. Hinalamos n'ya sakanyang mukha ang dalawang kamay n'ya. "Bakit mo ba ito naiisip Adam fuck," mahinang sambit nito.










Kumunot ang aking noo sa kanyang inasal. Anong naiisip?










Sa isang iglap ay binalot nanaman kami ng katahimikan. Natapos nang magbabad ang dalawa at nagpaalam na magbabanlaw na. Sumunod din ako para makapagbanlaw na rin. Naiwan si Adam sa tabing dagat.










Pagkatapos kong magbanlaw ay inihiga ko ang sarili ko sa kama, pagkahiga ko sa kama ay naramdaman kong ang sobrang pagod. Nakakapagod ang araw na ito.










Maya maya pa ay nakatulog na rin ako. Isang magandang panaginip ang nasa panaginip ko. Sa aking panaginip ay naroon si daddy, inihahatid n'ya ako papunta sa altar.










Ito ang aking pangarap simula noon... ang maihatid ni daddy sa altar. Ang mabigyan s'ya ng apo. Ang maipagmalaki ako nito. Ang maipakita sakanya lahat ng mga bagay na naipundar ko.










Pero dahil ngayong wala na s'ya, malabo na itong mangyari. Ngayon na wala na s'ya, parang nanghina nanaman ang loob ko. Pero alam kong kailangan kong maging matatag, dahil maraming tao ang nakakapit sa akin. Dahil kailangan ako nang anak ko... dahil isa akong Madriaga...










Maya maya pa ay biglang tumunog ang phone ko na hudyat na may nagtext. Tinignan ko kung sino ito. Agad akong napangiti. Naramdaman ko muli ang kilig na matagal ko nang hindi nararamdaman. Ang kilig na nawala sa akin noong ako'y tumungtong ng 23. Pero doble ang kilig ko ngayon. Ansaya ko...



~~~~~~~~~
•LIGAYA•

My First Crush Where stories live. Discover now