"What do you expect me? Maghahabol sa'yo?" Huhu sabi nung fav na character ko. Gagi fren feeling ko s'ya 'yung bida.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~🙂
Dalawang linggo ko pinag-isipan ang lahat, sa loob ng dalawang linggo ay pilit kong inaalala ang mga memorya noong ako'y bata pa lamang. Kailangan kong maalala ang lahat bago ako kumilos laban sa aking ama.
Nasa loob ako ngayon ng office ko, hinihintay si Ms. Estepa para sa kanyang proyektong gustong ipagawa sa amin. Kailangan naming mafinish ang lahat dahil malapit na magsummer, malapit na magbakasyon ang mga estudyante.
"Ma'am nandito na po si Ms. Xyrll." Sambit ni Shan sa akin. "Okay Shan, papasukin mo s'ya at dalhan mo kami ng makakain at inumin." Shan nodded.
Biglang iniluwa ang isang magandang singkit na babae. May braces s'ya, medyo matangkad at masasabi kong sexy s'ya. Mukha s'yang isang modelo.
"Hi ma'am! Ako po 'yung magpapatayo ng chicken wings restaurant," pagpapakilala nito na may kasamang malaking mga ngiti.
"First time mo?" Tanong ko rito. "Ang alin ma'am?" Nagtatakang tanong nito. "First time mo magpagawa ng building?" Napakamot ito sakanyang ulo.
"Opo ma'am, hindi rin ako sanay sa mga meet ups na ganito. Gusto ko lang talaga magpatayo ng restaurant ko para makatulong sa pamilya ko," pagpapaliwanag nito.
"Okay, so naintindihan mo naman siguro kung bakasyon namin gustong gawin hindi ba? 'Wag kang mag-alala, stick pa rin tayo sa presyo. Ginawan ko na ng paraan ang mga trabahador. Matatapos ito ng sandali lang, lalo na't renovation lang naman ito."
Nagdiscuss pa kami ng kaunti about sa gusto n'yang maging design. 2 storey-building ito, may isang kwarto na magsiserve as bahay n'ya—doon sa second floor—at isang opisina—second floor pa rin—at ang natitirang first floor ay buong restaurant na. Ang designs ay puro minimal lang, kaya naman kahit na isang floor lang ang gagamitin ay magkakaroon pa rin ito ng mini second floor.
Maayos ang naging usapan namin. Wala naman s'yang reklamo kaya dahil tiwala raw ito sa aming kompanya. Balak n'ya ring magpagawa—soon—sa amin ng bahay n'ya kapag nagkaasawa na raw s'ya. Ang kaso nga lang, iniwan s'ya ng fiance n'ya.
Sa tingin ko ay sa sobrang daldal n'ya ay nakwento na ata n'ya ang buong buhay n'ya sa akin. Kung hindi pa may tumawag sakan'ya at hindi matatapos ang kwento n'ya.
Time check, it's already 8 pm. Uwian na, kami nalang ni Shan ang naiwan dito. Hindi ko namalayan ang oras sa pagbabasa ko ng mga reports ngayong buwan.
"Shan," tawag ko rito. "Tara na uwi na tayo," sambit ko. "Sige ma'am," tugon nito. "Yanna nalang," nakangiting sambit ko rito.
Palabas na kami ng elevator nang maisipan kong ayain s'ya na magdinner. Wala naman kasi akong kaclose o kakilala dito sa Manila. Wala naman si Abby dito, nasa Bulacan, kaya wala rin akong maaya. Nakakasawa kaya kumain mag-isa.
"Shan," pagtawag ko rito. Tumingin naman ito sa akin. "Dinner tayo," kita ko ang pagkagulat nito sakanyang mga mata. Grabe naman bakit ba nagugulat pa s'ya?
"Crush mo ba 'ko?" Shan held his chest and slightly chuckled. "Gago, inaaya ka lang magdinner. Nakakasawa kasing mag-isa," I rolled my eyes on him.

YOU ARE READING
My First Crush
AcakHi! Welcome to Dream Series number 1. This story deals about different feelings of people. This story contains all the imagination of author, sometimes a chapter contains her own dream. So goodluck and happy reading! :)) This story came from my drea...