Wala na'kong creative juices😠
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~□-□
Ilang araw kaming hindi nagpansinan ni Shan dahil sa halik na 'yon. Ang awkward palagi. Mabuti nalang at naging busy rin kami para sa proyekto ni Ms. Estepa.
Ngayong araw ay dadalawin ako ni Abby. Papa-Maynila s'ya para iabot sa akin ang isang invitation para sa kasal n'ya. Kailangan daw ay naroon ako, kung hindi ay F.O. na raw kami.
"Lalim naman ng iniisip mo girl!" Bungad nito sa akin. Narito kami ngayon sa starbucks, miss n'ya na raw ang kape rito kaya gusto n'ya dito.
"Andyan ka na pala," tugon ko rito. Maya-maya pa ay umorder na kami, frappe lang ang sa akin samantalang sakanya ay kape.
"Girl, eto na," sambit n'ya sabay lahat ng invitation para sa akin. Abby & Luis wedding...
"Gusto mo talaga s'ya 'no? To the point na inovercome mo talaga 'yung fear mo para sakanya." Tinignan ko s'ya sakanyang mga mata. Ramdam ko ang pagiging happy and contented n'ya.
"Oo naman, noong una ay lumalayo ako. Pero tama siguro ang sabi nila, the more na layuan mo o takbuhan mo ang isang bagay lalo lang itong maghahabol saiyo." Sambit nito sabay higop ng kanyang kape.
"I'm happy for you!" Sambit ko sabay yakap sakanya. I feel so contented seeing my bestfriend overcome her fear plus being happy with her partner. Sana lang ay hindi s'ya saktan noong lalaki. Kung saktan man ito ng lalaki ay ako ang makakalaban nito.
"Hays, ikaw ba? Kelan?" Tanong nito sa akin. "What? I don't even have a boyfriend!" I rolled my eyes on her.
Ang sabi n'ya ay irereto n'ya raw ako o 'di kaya ay magbar hopping kami para humanap ng lalaki. Maya maya pa ay biglang may tumawag sa kanya. Hubby...
"Hi baby... okay po... sige na, opo... babye!" Sambit nito sa kanyang kausap sa phone. "Oh sige na, babye na Yanyan. Alis na'ko, kasi naman itong future husband ko nagmamadali. Dalawin nalang kita sa office mo!" Sambit nito sa akin tyaka umalis.
After 5 minutes ay lumabas na rin ako ng starbucks. Papunta na ako ngayon kila nanay Sonya. Pagdating ko sa tapat ng bahay nila ay napansin kong nakakandado ang mga gate. May nakalagay na ring for sale ang bahay na iyon.
Nagtanong tanong ako sa mga kapitbahay at sinabing lumipat daw sila last week. Again, I feel so empty. Hindi man lang sinabi sa akin ni nanay na aalis sila. Sana man lang, nadalaw ko sila kahit sandali.
I dialed nanay Sonya's number pero hindi ito macontact. Bumalik ako sa sasakyan ko at nagdrive papuntang condo ko. Ngayon ko nalang ulit naramdaman ito. Ang pakiramdam ng iniwan ng minamahal mo. Pakiramdam na sobrang sakit kesa sa inaakala mo.
Pagkarating ko sa condo ay agad akong humiga sa sofa. Ngayon ko naramdaman ang pagod. Ngayon ko naramdaman ang sakit. Ngayon ko naramdaman lahat ng mga emosyon na bumalot sa akin simula last week.
Revenge... does making a revenge really make me feel happy?
I dialed Shan's number. Tatlong ring at sinagot n'ya agad. "Hey, Shan, uuwi ako ng Bataan ngayon. Hindi na ako papasok sa office." Pagkatapos kong sabihin iyon ay binaba ko na kaagad ang tawag. Maya maya pa ay nagtext ito sa akin.
YOU ARE READING
My First Crush
AcakHi! Welcome to Dream Series number 1. This story deals about different feelings of people. This story contains all the imagination of author, sometimes a chapter contains her own dream. So goodluck and happy reading! :)) This story came from my drea...