~~~~~~~~~~~~~~~~~~~:0
One week na akong ganoon. Palaging nagsusuka sa tuwing makakaamoy ng kape at cheesecake, kahit pasta ay nasusuka rin ako. Nahilig naman ako sa lugaw at chicken.
"Sis, magpacheck up kana," sabi ni Merlyn. "Buntis ka promise," dagdag nito.
"'Di ka sure," natatawang sambit ko rito. Imposible, alam kong halos mag-ti-3 months na simula nung maghiwalay kami ni Adam pero imposible pa rin.
Maya maya pa ay umalis si Merlyn at iniwan ako sa office. Pinirmahan ko na ang mga kinakailangan kong pirmahan. Medyo tambak ako ng mga pipirmahang files. Lately, parang ang tamad tamad ko.
"Oh ano 'yan?" Tanong ko sa hinagis n'ya sa akin na plastic galing pharmacy. "Pregnancy test? Bakit?" Tanong ko rito.
"Try mo lang," sabi nito.
"Gaga, negative nga!" Sabi ko.
"Try nga lang e! Jusko naman Athena bilis na,"
Agad n'ya akong pinapasok sa cr dalawa ang binili n'ya para raw sure. Isa... dalawa... ang unang lumabas sa isa. Pero baka sa isa iba. Isa... shit dalawa.
Narinig ko ang pagkatok ni Merlyn. Kinabahan ako bigla. Naalala ko ang mga sinabi ko kay Adam... pakasalan mo'ko, no... kung ayaw n'ya ng kasal, baka ayaw n'ya rin ng responsibilidad.
Lumabas na ako ng cr. Napansin ko ang pagkabalisa ni Merlyn. Tinanong n'ya ako kung anong nangyari...
"Mer..." sabay pakita ko sa pt. Biglang may tumulong luha. Luha na nagsisimbolo sa takot at tuwa.
"Sino last mo? At ano? 'Di mo napansin na wala kang dalaw?"
"Si Adam malamang, hindi. Hindi ko napansin kasi stress ako, according kasi sa mga nabasa ko. Kapag stress ka nalilate 'yung dalaw mo. Akala ko dahil don, akala ko lang pala..."
Pinakalma ako ni Merlyn. Maya maya pa'y nagtext si tita Portia. Hindi ko alam kung bakit lalo akong nanlumo sa text ni tita. Na parang ang sakit.
From tita/mommy Portia:
Hi baby! Alam kong ang awkward pero I just want to say to you na ikakasal na si Adam. Akala ko kayong dalawa ang magkakatuluyan. Sayang :(. Btw, I just want to invite you and your siblings.
"Merlyn... hindi ko na itutuloy," nakayukong sambit ko.
"Ang alin? HALA GAGA KA! 'WAG MONG IPALAGLAG!"
"Tanga, hindi ko ipapalaglag. Pero hindi ko na itutuloy ang pagpapaalam kay Adam," sabay pakita ko ng text ni tita. "Ayokong makasira sa kanila. Baka, baka magback out s'ya 'pag nalaman n'ya. Ayokong may masaktang iba dahil sa'kin,"
"So, anong plano mo?" Tanong nito.
"Remember the house I bought in Bataan?" Tanong ko rito.
"'Yung malapit sa beach? Oo bakit?" Tanong nito.
"Yeah, that one. Doon muna ako hanggang sa manganak. Kaya mo naman dito siguro 'no? Dalhin mo nalang sa'kin 'yung mga importanteng file—"
YOU ARE READING
My First Crush
RandomHi! Welcome to Dream Series number 1. This story deals about different feelings of people. This story contains all the imagination of author, sometimes a chapter contains her own dream. So goodluck and happy reading! :)) This story came from my drea...