21: dad

14 1 0
                                    


~~~~~~~~~~~~~~~~~~:((

Days had passed so speed. Ngayon ang araw ng uwi nila ate. Hindi ko alam kung anong meron at napaaga ata ang uwi nito. Sinalubong ko s'ya sa airport.





"Ate!" Sigaw ko para matawag ang atensyon n'ya. Ngumiti ito sa akin at kumaway. Papunta na s'ya sa direksyon ko. Napako ang aking mga mata sa lalaking may hawak sa kamay ni Zyronn. I think I know him...





"Kamusta si daddy?" Tanong ni ate.






"Ha? Bakit ano bang meron kay daddy?" Tanong ko rito.






"So hindi sinabi sa'yo ni Asher? Ugh, nakakabwiset!" Sabi ni ate. "Tara diretsyo tayo sa hospital. Jusko talaga 'tong Asher na'to tatamaan ito sa'kin,"






"Ate anong meron kay daddy?" Kinakabahang tanong ko.






"50/50 si papa sa hospital. Tapos 'di ka man sinabihan ng mokong na'yon. Tara na para makapagpahinga na rin si Zyronn agad. Diretsyo muna tayo kay daddy,"






Binilisan ko ang pagmamaneho ko papuntang hospital. Kaming dalawa lang ni ate ang pumasok dahil nagpaiwan 'yung lalaking kasama ni ate dahil tulog daw si Zyronn at ayaw n'ya itong gisingin.






Nang makapasok kami sa kwarto ni daddy ay naabutan ko s'ya na maraming nakakabit na tubo. Naroon naman sa gilid n'ya si kuya nakayuko, at tahimik na umiiyak.







"Ate," tawag ni kuya. "Ate wala na raw pag-asa. Ate, sabi... sabi n-nung doktor... kailangan na raw tanggalin 'yung makina na nagpapanatiling buhay si daddy," umiiyak na sabi ni kuya.







"Bakit 'di n'yo ako sinabihan na ganito na pala si daddy?! Kuya! Last week lang magkausap tayo ah?" Naiiyak na sambit ko.






"Hindi ko sinabi dahil alam kong 'di ka okay! Kakabreak n'yo lang ni Adam. Nagkaproblema pa ang cafe mo! Dagdag mo pa 'yung firm n'yo na hindi mo mabuksan buksan!" Natahimik ako sa sinabi ni kuya. Oo tama s'ya sa mga sinabi n'ya. Siguro nga'y ayaw n'ya lang talaga na masaktan pa ulit ako sa pangalawa, pangatlo, pang-apat na beses. Gan'yan sila simula noon. Pinoprotektahan ang feelings ko. But I'm an adult now! I can properly manage my feelings.







"Sila tita Portia?" Tanong ni ate.







"Kakauwi lang kanina para magpalit ng damit," mahinahon na si kuya.







"Anong gagawin natin?" Tanong ko sakanila.







"Sundin ang doktor," nakita ko si Adam kasama si tita Portia. Si tita Portia ang nagsalita. "Nakausap ko sila. Mas mahihirapan ang mahal ko kung mananatili s'yang gan'yan. Hindi ko hahayaan 'yon!" Hindi ko alam pero hindi ko gusto ang lumabas sa bibig ni tita Portia. Parang iba 'yong tono.






"Wait until three days. I'm going to finish some things and decide again," I calmly said.







"Ano ang tatapusin mo?" Tanong nito.







"Basta," tanging tugon ko. Lumabas ako ng hospital, pumunta sa isang tindahan at bumili ng cigar. I smoke again after a freaking year.






When I was 17 I smoke when I'm stressed. I don't know, it calms me. Wala akong magagawa. Kailangan kung mag-imbestiga. Hindi ko gusto ang tono ni tita kanina. Para bang may gusto s'yang iparating.






My First Crush Where stories live. Discover now