30: stress

11 1 0
                                        

Modules ka muna tea🤩

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~>.<

Nang magising ako ay hindi ko na nakita si Andrei, sayang walang maganda sa morning. Agad akong naligo at nagbihis para pumasok sa klase. Graduating na ako kaya dapat ay mas pag-igihan ko ang pag-aaral ko. Inayos ko na rin ang sched ko ngayong araw. Pasok sa school, diretsyo sa office, daan saglit kila nanay Sonya, tapos uwi na rito sa bahay.




Nang makababa ako sa dining area ay nakita kong kumakain na sila lola Portia, at Xzy. Nanlamig ako nang makita ko ang mga pamilyar na mukha. Biglang nanumbalik ang mga alaalang pilit ko nang kinalimutan.




"Isa kang malaking malas sa pamilya! Hindi ka nararapat bilang isang Madriaga!" Sigaw sa'kin ni tita Krystynn. Lahat kami rito'y nag-iiyakan na. Wala na s'ya... ang babaeng tinitingala ko, wala na...


"Ate tama na," pagpigil sakan'ya ni tito Asher. "Manahimik ka d'yan! S'ya ang may kasalanan ng lahat," nagulat ako sa biglang sinambit ni tita-ninang. Mukhang wala nga akong kakampi rito ngayon. Mommy, bakit mo ba kasi ako iniwan agad?






"Tumigil na muna kayo, nasasaktan din ang bata," saway ni nanay Sonya. "Anong nasasaktan? S'ya naman talaga ang may kasalanan! Kung hindi s'ya tatanga-tanga at nakikinig s'ya sa atin ay hindi mangyayari ito!" Sigaw ni tita Krystynn.




"Ikaw! Ikaw ang pumatay sa nanay mo! Ikaw ang pumatay sa kapatid ko! Ikaw, ikaw ang sumira ng lahat!" Humagulgol na si tita Krystynn. Hindi ko na alam ang gagawin ko.





Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko, o kung bakit nila sa akin sinisisi ang pagsu-suicide ni mommy. 7 years na ang nakalipas pero ngayon lang nila ako ginanito. Para saan? Bakit kailangang ganito? Kung hindi sila makamove sa kamatayan ni mommy, paano pa ako?





"Oh, Athianna! Tara na sumabay ka na sa aming kumain," nakangiting pag-aya ni lola Portia. "Ay, hindi na po, malilate na rin po kasi ako e," sagot ko rito.





My First Crush Where stories live. Discover now