19: break-up

18 1 0
                                        


~~~~~~~~~~~~~~~~~~:(

I researched about that girl. Her name is Yanina Yulla Ye Polera. Kaibigan noon ni Avi noong bata palang kami. I suddenly  missed Avi. May communication kami pero dahil busy s'ya sa pag-aaral ay hindi na kami gaanong nakakapagkita.


"Hoy! Broken ka pero mas mabrobroken ka kapag nalaman mo ang sched mo next month," Ano bang trip nito ni Merlyn?



"Ano bang meron?" Tanong ko rito. "Please, hindi ako broken. Mas mahalaga ang libro kesa sa lalaking sinaktan ako paulit ulit," inirapan ko s'ya.



"Ang cute talaga, magtuturo ka sa engineering dept at law dept. Galing diba?"



"Anong engineering? Pumayag na ba ako?" Tanong ko rito.



"Hindi, pero ikaw ang pinili ni Sammy para pumalit sa umalis na teacher. Ayan friends pala kayo ng dean ah,"




"Lah, ako lang ba kakilala n'yang engineer?" Naguguluhang tanong ko.



"S'ya kausapin mo," tinawanan ako nito. "Baka maging prof ka nalang talaga, ni hindi mo pa nga nabubuksan engineering firm mo e! 'Te? Anona? Wala ka nang kailangang hintayin na engineer!"




"STFU, oo na. Magha-hire pa'ko ng isang engineer tapos oks na. Buksan na natin, ayos ba?" Tanong ko rito.




"Yes madam, tapos isa pang secretary dahil 'di ko keri ang dalawang trabaho," inirapan ako nito.




"Ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko kaya naman manahimik ka d'yan, kung gusto mo edi ikaw, mag hire ka ng secretary mo," suhestiyon ko rito.




"Sige, tapos ikaw magpapasahod,"





"Okay," bigla n'ya akong tinawanan.




"Tuturuan mo pala ex mo, sige bigyan mo na ng 5 agad agad," nang-aasar na sabi nito.





"Sige sige, auto 5 chosz. Tigilan mo nga ako, dalhin mo minsan si Zeus dito. Nakakamiss ang batang iyon," sabi ko rito.




"Grabe naman 'yung miss, kagabi lang nasa bahay ka at nanggugulo. Bakit ba hindi ka umuuwi sa bahay n'yo?" Tanong nito sa akin.





"Ayoko ron, makikita ko si Adam," napayakap ako sa sarili ko na para bang pinapakita ko na nandidiri ako.




"Grabe naman, akala ko ba nakamove on kana?" Tumawa ito at, "Syempre, walang nakakamove on ng isang buwan tanga!" Biglang dagdag nito.




"Grabe girl, anong feeling ng tinawag mong tanga 'yung mas matalino sa'yo?" Bigla kaming napalingon ni Merlyn sa babaeng nagsalita. It's Denise. Kasama n'ya si Zeus.




"OMG, Hi Zeus!" Tawag ko sa bata.




"Oh talaga gagang 'to, parang hindi ako napansin. Ganda ganda ko e!" Inirapan ako ni Denise at nagtawanan kaming tatlo.





11 am, napagpasyahan naming mag lunch sa Greenwich dahil gusto namin ng pizza at pasta. Pagpasok namin ay marami kaming napag-usapan. Umorder kami ng family size pizza, cheese overload, walang pineapple dahil bawal kay Zeus at Merlyn. Iced tea ang drinks namin at kanya kanya kaming pili sa pasta. Susubuan nalang daw ni Merlyn si Zeus kaya rice at chicken.





Nang matapos kami ay napagdesisyonan kong humiwalay sakanila. Kailangan ko ring kausapin si Sammy para sa binalita sa akin ni Merlyn. Sammy's a good friend. She's a model/dean of the school her grandfather owns.



"Hi prof," bati sa akin ng mga law students. Nginitian ko sila.




Pumunta na ako sa office ni Sammy at nakita ko s'yang abala sa cellphone n'ya. Napansin ko ring medyo stress na s'ya. Parang ayoko na tanggihan 'yung offer.



"Uy, Athena nand'yan ka pala," bati nito sa akin. "Anong sadya?" Tanong nito.





"Yung sa pagtuturo ko sa engineering, pwede ko bang tanungin kung bakit ako?"




"Ah, isang section lang ang tuturuan mo at isang subject lang naman. Need ko lang talaga, nilalayasan na 'ko ng mga prof dito. Pumupunta roon sa bagong university. Mas malaki raw kasi ang sweldo roon. Hindi ko naman kayang taasan ang lahat dahil baka kami naman ang malugi," napahilot ito sakan'yang sentido.





"Sige, pero bukas na ako magsisimula ha? Papaayos ko lang 'yung sched ko," sabi ko rito bago umalis.





Dumiretsyo ako sa carpark at pumasok na sa sasakyan ko. Maya maya pa ay may napansin akong isang pamilyar na babae. I know she's my cousin from mother's side. Kasama n'ya ang half sister ko na si Karina.






Binuksan ko ng kaunti ang aking bintana para lang marinig ang pinag-uusapan nila. Napansin ko kasing sinasaktan ito ni Karina.





"Bakit ba kasi ayaw mong gawin 'yung thesis ko? Napakakulit mo rin ano?" Matapang na sambit ni Karina.





"Karina kasi, wala kang matututunan kung hanggang ngayon ako pa rin ang gagawa ng lahat ng schoolworks mo," rinig ko ang takot sa pagsasalita ni Ann.





Sasampalin na sana ni Karina si Ann, kaya naman ay lumabas na ako sa aking sasakyan. I know, hindi kami ganoon kaclose ni Ann. Malayo kasi ako kila mommy kaya naman minsan ko lang makita ito.





"Kapag sinampal mo s'ya isusupapal ko sa'yo 'tong bag kong galing pang Paris," sabi ko kay Karina.





"Ow, scary. Wala akong pake sa'yo. Gumalang ka nga sa'kin! Ate mo ako," sabi nito.





"Well, wala akong kapatid na boba!" Sambit ko rito. "Wala akong kapatid na humihingi ng tulong sa schoolworks tapos wala pa rin sa honor. Like, ew sis, nakakahiya," nakita ko ang galit sakan'yang mga mata. Wala akong pake kahit magsumbong pa s'ya kay mommy.




"Isusumbong kita kay mommy! Kaya n'ya kayo iniwan e! Pangit ng ugali mo!" Parang batang sabi nito.





"Buti sa'kin ugali lang, ikaw pangit ka talaga. Iniwan kami dahil pare-pareho kayong walang kwenta!" Inirapan ko ito at hinila si Ann papasok sa kotse.





Nang makapasok kami sa kotse ay tinitigan n'ya ako. "Thank you, pero bakit mo ginawa 'yon?"





"Muka kasing kailangan mo ng tulong," I just shrugged.





"Thanks again, I know we're not that close. Kami rin naman, pero lagi n'yang sinasabi sa lahat na close kami. Well close kami kapag need n'ya ng gagawa sa schoolworks n'ya," sabi nito





"Kapag ginawa n'ya ulit sa'yo, sabihan mo ako. I'm a prof in your school, friend ko ang mga may ari. Friend ko ang dean. Kaya kong gawan ng paraan,"




"'Wag namang patalsikin s'ya, naaawa na ako kay tita. Lagi kasing kinukutya si Karina dahil sa mga grades nito," nakayukong sabi nito. Kahit pala napakasama ni Karina ay mabuti pa rin si Ann sakan'ya.





"Okay, edi hindi. Madali naman akong kausap e. Pauwi kana right? Hatid na kita,"





"Thank you," ngumiti ito.






Tahimik kami buong byahe. Sa araw-araw naming pagkikita sa university ay naging close kami. Nakakasaya sa puso ang magkaroon ng kaclose sa side nila mommy. Imagine, ni hindi nga kami kinikibo ni mommy. So ang imposible talaga na magkaroon ako ng kaclose sa relatives niya. Pero ayos naman kami ni Ann. 'Yun nga lang, palagi pa rin itong nagpapaalipin kay Karina.


~~~~~~~~~~
•LIGAYA•

My First Crush Where stories live. Discover now