ERROR
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~:(
"For pete's sake you're an asshole Adam," bulong ko sa aking sarili sabay sabunot sa aking ulo. Nagising ako ngayon na ibang babae ang aking katabi.
Kagabi ay nakipag-inuman ako sa mga kablockmates ko. Hindi klaro ang mga alaala ko. Basta ang alam ko ay mali itong nangyari. Agad akong nagbihis at umalis mula sa hotel na 'yon.
Umuwi ako sa condo namin ni Athena, wala na s'ya rito. Baka, umalis na s'ya, baka pumasok na. Hindi ko alam kung paano ko aaminin kay Athena ito. Mahal na mahal ko s'ya at ayoko s'yang masaktan dahil lang sa katangahan ko.
"Adam..." tawag sa'kin ni Yanina. Nandito kami ngayon sa school. Yanina is my seatmate. "Tungkol sa nangyari sa'tin—" I cut her.
"Look, I have a girlfriend and I love her so much. Kalimutan nalang natin kung ano man ang nangayari," being asshole for another time Adam, fuck.
Natahimik na si Yanina after that. Hindi na kami nag-uusap. Hindi rin muna ako umuuwi sa condo namin. Hindi ko kayang magpakita kay Athena dahil sa kahihiyan. Feeling ko, nandidiri ako sa sarili ko. Nireserba ko ang sarili ko kay Athena pero mukhang sa iba ko napunta ang una ko.
And then Athena's birthday came, that day, Yanina also told me that she's pregnant. Like how? I mean, grabe naman ang sperm ko sa maling babae pa naging sureball.
Sinabihan ko Yanina na hindi ko tatakbuhan ang responsibilisad sakan'ya pero hindi ko s'ya pakakasalan. Alam kong napakalaki kong gago sa desisyon ko. Pero naniniwala ako na ang babaeng pakakasalan ko lang ay si Athena at wala ng iba.
We broke up and then nagkabalikan muli kami. Naging masaya naman ang lahat, ngunit isang araw. Pumunta kami sa cafe nila Athena para gumawa ng group project. Syempre kagroup ko si Athena. Pinili namin ang cafe nila Athena dahil narin sa ganda ng structure plus the books you can found on their cafe.
And suddenly, in just one snap, we totally broke up. Nalaman narin ng pamilya ni Yanina ang pagiging buntis n'ya. Her family threatened me, noong una ay hindi ako pumayag na magpakasal kay Yanina after graduation. But the accident came. Pinlano nila na masagasaan ang daddy ni Athena sa pag-aakalang tunay kong ama ito.
Nang mamatay ang daddy ni Athena inaya n'ya akong magpakasal, gustuhin ko mang um-oo pero natatakot ako na baka s'ya ang isunod ng mga Polera. I know she can deal with them pero ayoko na pumasok pa s'ya sa isang gulo na ako ang may gawa. After a month, hindi ko na muling nakita si Athena, tanging ang post na sunset at dagat sa IG ang tanging alam ko sakanya.
This day, I will be married. Married to the girl I don't love, or even like. Gusto kong takbuhan ang lahat sa araw na ito, pero alam kong isusunod nila ang mama ko. Hindi alam ni mama ang tunay na nangyari, tanging si Asher lang ang nakakaalam ng lahat.
"Pare, sorry," agad kong sabi pagkasuntok sa akin ni Asher.
"Tangina pre, sabi ko sa'yo 'wag mong saktan 'yung kapatid ko. Alam mo naman mga pinagdaanan non!" Galit na galit na sabi nito.
"Pre ayoko lang na mapahamak si Athena," tanging sinabi ko.
"Tangina, ang hirap naman sa sitwasyon ko. Wala ka bang balak sabihin kay Athena 'to?"
"Wala pre, ako ang may gawa nito kaya ako ang tatapos,"
"Wala bang tututol sa kasal na ito?" Sambit ni Father.
Hinihintay ko na may tumutol, sana nga'y meron pero mukang wala. Itinuloy na ni father ang seremonya, halata na sa t'yan ni Yanina ang umbok nito, 8 months na kasi.
"You may now kiss the bride," ipinikit ko ang aking mata, hinihiling na sana ikaw ang babaeng nasa harap ko ngayon. Hinihiling na sana ikaw ang babaeng hahalikan ko, na sana ikaw nalang at hindi si Yanina.
Nang matapos ko s'yang halikan, nakita ko ang isang babae na naka t-shirt at pants, mula sa pintuan ng simbahan. Tahimik n'ya kaming pinagmamasdan. Pinunasan n'ya ang kan'yang mga luha. Athena...
Gusto ko s'yang takbuhin mo rito sa harap ng altar, ngunit nangangamba ako na gumawa ng eksena. Lalo na rin at pinapalibutan kami ng mga body guards na armado ng pamilya nila Yanina. Natatakot ako na baka magpaputok sila ng baril at kung sino pa ang matamaan.
She mouthed I love you after that she leave. Ansakit. Sobrang sakit, pero alam kong mas nasasaktan s'ya kaysa sa akin. Hindi ko alam kung bakit napakalaki kong tanga. Hindi nga ata lalaki ang tawag sa akin kung hindi bakla. Naiinis ako sa sarili ko.
Iniwan ko ang pinakamamahal kong babae para lang sa isang pagkakamali, iniwan ko s'ya para sa isang katangahan. Iniwan ko s'ya... ng hindi man lang nagpapaalam.
Nang makarating kami sa reception, nagpahinga na muna si Yanina kaya ako ang nag-eentertain ng mga guests.
"Pre, pwede bang pakibigay sakan'ya?" Sambit ko kay Asher. Hindi man bukal sa loob n'ya ang pagpunta, gusto n'ya rin kasing makilala ang pamilyang Polera. Gusto n'ya itong makilala para malaman n'ya kung sino ang paghihigantihan n'ya.
"Sige pre, basta 'yung plano ha?" Sambit nito.
"Oo pre, 'di ko kakalimutan," sabi ko rito.
"Sige na pre, aalis na ako. I'll chase the woman I love pa," umalis na si Asher. Naiwan na akong mag-isa rito. Tumingin ako sa aking paligid. Kahit na hindi ko gusto ito, kailangan ko paring gustuhin para sa magiging anak namin ni Yanina. Hindi ko man s'ya gusto, dugo't laman ko pa rin ang batang iyon.
~~~~~~~~~~~~~
•LIGAYA•
YOU ARE READING
My First Crush
RandomHi! Welcome to Dream Series number 1. This story deals about different feelings of people. This story contains all the imagination of author, sometimes a chapter contains her own dream. So goodluck and happy reading! :)) This story came from my drea...
