32: dream

10 1 0
                                        

Penge load🤩

~~~~~~~~~~~~

Nasa labas ako ng aming bahay, tanaw na tanaw ko ang dagat ng Bataan. May isang batang babae akong nakita namumulot s'ya ng mga shells sa tabing dagat.






"Mommy! Mommy! Look oh! It's a big shell," sigaw nito. "Wow, baby, it's so big naman," sagot naman sakan'ya ng mommy n'ya.







"Mommy, my friends told me na they will meet their daddy on christmas. Eh ako po? Kailan ko po s'ya mami-meet?" Tanong ng bata sa mommy. Bakas sa mata ng mommy n'ya ang lungkot.








"Diba? I told you that you don't have daddy na? Hindi pa ba sapat si mommy sa'yo at hinahanap mo pa ang daddy mo?" Tanong ng mommy n'ya.








"Mommy, sapat kana po. But I wanted to ask daddy why he left us. I wanted to ask him why he hurt you? Pero okay na rin pala na hindi ko makita si daddy mommy, nakakainis s'ya e," sabi nung bata.







"Baby, mali ang magtanim ng sama ng loob sa tao," sabi nung mommy n'ya. "Look baby nandyan na 'yung kambal mong friends," sabay turo n'ya sa dalawang batang babae naglalakad papalapit sakanila.








"Yanyan, aalis daw kami dito sabi nila mommy. Pupunta raw kami Manila," sabi nung isa sa kambal. "Oo nga, aalis na raw kami. Maiiwan ka namin dito. Pero pangako, babalikan ka namin dito. Hintayin mo kami ha?" Sabi nung isa pa sa kambal.







"Sige ha? Hintayin ko kayo!" Sabi noong bata. Nagulat ako ng biglang nag-iba ang nasa paligid ko. Lahat sila'y nag-iiyakan na. Hindi ko na alam kung anong nangyayari. Basta't may isang bata na hindi alam kung ano ang nangyayari. Isang batang tumitingin sakan'yang paligid.









"N-nasaan si m-mommy?" Inosenteng tanong nito. "B-bakit po kayo umiiyak? B-bakit walang s-sumasagot sa a-akin?" Ngunot noong tanong nito.








"Mommy? Mommmy?" Sigaw ng bata. "Wala ka ng mommy!" Sigaw sakan'ya. "Pinatay mo ang mommy mo! Pinatay mo!"








"S-sino? A-ako po? P-pero paano pong... paanong... mommy," umiyak nang umiyak ang bata. Hindi na n'ya alam ang gagawin n'ya. Lalapitan ko sana s'ya. Lalapitan ko s'ya. Kaso nang lapitan ko s'ya bigla n'ya akong tinignan ng masama.








"Pinatay mo si mommy," nang sabihin iyon ng bata ay bigla na lamang ako nakaramdam na para bang nahuhulog ako sa malalim na bangin. Dilim... puno ng kadiliman ang aking paligid. Nasaan na'ko?








Nang maimulat ko ang aking mga mata ay tagaktak ang aking pawis. Tumingin ako sa aking paligid. Wala na nga pala ako sa Bataan... wala na nga pala ako sa lugar na iyon. Tumingin ako sa orasan, alas-3 na ng madaling araw.








Bumaba na ako upang mag-almusal. Hindi ko kakayaning sumabay sakanila sa almusal. Nakakita ako ng cookies at gatas mula sa ref. Blueberry flavor ito gaya ng paboritong gawin ni mommy noon.









"Mahilig ka rin pala sa gatas at cookies," napatingin ako sa lalaking nagsalita. Nakita ko ang isang pamilyar na muka. Hawig s'ya ni lola Portia kaya naman naisip ko na baka ito ang kaniyang anak na si tito Adam.








"Alam mo noon? Paborito 'yan ng mommy mo, tuwing gabi at umaga pati ang meryenda ay kailangan may cookies," pagkukwento nito.







Tumitig lamang ako sakan'ya. Hindi ko alam ang sasambitin. Hindi ko alam kung tama bang makipag-usap ako sakanya.








"Siguro'y kung hindi ako nagkamali sa aking mga desisyon ay siguro'y ako ang iyong ama," napatigin ako sakanya. Pinapahiwatig n'ya ba na ibang lalaki pa ang aking ama? Ngunit sino?








"Siguro'y hindi s'ya mawawala kung hindi ako nagpakalasing noong araw na iyon," sambit nito. "Teka? Ano pong ibig ninyong sabihin?" Tanong ko rito.









"Gusto mo bang malaman ang kwento namin ng mommy mo?" Ngumiti ito ngunit bakas ang lungkot sakan'yang mga mata. "S-sige po," tugon ko.







"When I was 8, madami akong crush. Sa sobrang dami, minsan hindi ko na alam kung sino ba talaga crush ko. Then inilipat ako ng school kasi lumipat din kami rito dahil napangasawa ng lolo mo ang mommy ko. That day I saw an angel, just kidding, I saw your mother. Napakaganda n'ya at nahulog agad ako sakanya,"







"When I was 9 nalaman ko na anak pala s'ya ng lolo mo, so nilayuan ko s'ya. But my feelings for her? Natabunan oo, pero hindi nawala. When we were in high school iniwan ko s'ya rito at umuwi ako sa province namin. She suffers a lot. Bumalik ako rito para sana sakanya pero wala, dinala naman s'ya sa ibang bansa,"









"And then, I saw her letter. Letter of confession and also letter of goodbye. I grab the chance. Niligawan ko s'ya kahit tuwing christmas and new year lang kami nagkikita personally. Gabi gabing skype, gabi gabing call and such. Dec 2, that day, sinagot ako ng mommy mo. Tuwang tuwa ako noon dahil sa mismong birthday ko, sinagot n'ya ako. Ako na ata ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo,"








"Masaya kami, bumalik s'ya dito sa Pilipinas for good. Nagbabalak na kaming magpakasal after boards. Nakapag-ipon na rin ako para sa future namin. Okay na eh, and then one day bigla nalang nagbago ang lahat. Nakabuntis ako sa isang pagkakamali, and that's Xzynade. Hindi ako nagsisi na naging anak ko si Xzy, pero nagsisisi ako na hindi ko man lang nasabi lahat ng totoo sa mommy mo. Natatakot kasi ako na baka madamay s'ya. Na baka s'ya ang masaktan. Kaya natakot ako at iniwan ang mommy mo," pinunasan nito ang kan'yang mga luha.









"Pasensya na ha? Naiiyak ako. Mahal na mahal ko ang mommy mo pero hindi ko s'ya nakuhang ipaglaban. Para akong bakla," he chuckled at biglang umalis.










Habang kumakain ako ng cookies, naalala ko si mommy. Naalala ko ang mga bagay na ginagawa namin noon. Ang kwento nito tungkol sa aking ama. Ang kwento nito sa kung paano n'ya minahal ang daddy ko pero iba pa rin ang pinakasalan nito. Na, nagpaubaya si mommy para sa isang babae. Pinaubaya ni mommy si daddy para lang doon sa chicken haired girl. Pero parang may mali, may mali talaga sa cookies na kinakain ko, kulang sa tamis.





~~~~~~~~~~
•LIGAYA•

My First Crush Where stories live. Discover now