13: bye

16 1 0
                                        

~~~~~~~~~~~~~~:(

Our recognition went well, nakakabonding ko na palagi sina Merlyn at Denise. We're basically friends. I'm the first honor and the one who got the highest average in the whole school. Si Adam ay umuwi rin sa kanilang lola noong recognition nila at dinala na rito sa Manila ang lola n'ya after that.






Vacation nanaman, and my sister plan to go back in the US dahil na rin sa negosyo nito. Naabutan ko silang nag-uusap ni daddy sa sala. Hindi ko alam kung pansin nila ako pero nagulat ako sa pinag-uusapan nila.






"I already booked the tickets for pete's sake," napahilot sa sentido si ate.






"Mahalaga pa rin ang desisyon ni Tala rito," pagmamatigas ni daddy.






"At ano? Iiwan dito? Tapos may mangyayari nanamang masama? Hindi ako makakapayag dad! Ilang beses pa ba s'yang masasaktan para lang makinig ka sa akin?" Naiiyak na sambit ni ate. "Daddy, masyado pa s'yang bata pero ilang beses na s'yang muntik mamatay!"






"'Wag mo akong pinagtataasan ng boses Krystynn Althea Mayari!" Sinigaw ni daddy ang buong pangalan ni ate.






"Daddy, please. I don't want Athena to suffer again. Maawa kana sakan'ya. Ibabalik ko s'ya rito kapag kaya na n'ya ang sarili n'ya. Please, dad," pagmamakaawa ni ate.







"Pumapayag ako pero ang akin lang naman ay hingin mo ang opinyon ng kapatid mo!" Lumabas na si daddy ng bahay. Si ate naman ay naiwang umiiyak sa sala.







Nasa akin ang desisyon. Maraming mahihirapan sa isang desisyon. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. 'Pag umalis ako ay masasaktan sina Merlyn. 'Pag nanatili ako ay baka masaktan din ako at si ate. I'm confuse. Really, really.







Nagpaalam ako kina manang na pupunta ako sa sementeryo para dalawin si lola. Nagpahatid ako sa driver. My lola Lakambini is my dad's mom. We're all named after her. Lakambini is the god of purity. We're all name after a god. Mine is Tala, the goddess of star. Ate's Mayari, the goddess of the moon, while kuya is Bathala, the god of all gods.






Close ako kay lola dahil s'ya ang nagpalaki sa amin noong nabubuhay pa s'ya. Mommy is always out of town, and daddy is busy on work. Kaya naman pala out of town palagi si mommy dahil nakikipagkita s'ya sa kabit n'ya.







Pagkarating ko sa puntod ni lola ay nag-alay ako ng bulaklak at nagsindi ng kandila. I'm at peace with my grandmother...








"Hi lola, sorry minsan nalang kita madalaw. Naging busy lang sa pag-aaral. You know lola, miss na po kita. I'm so confuse lola. I'm torn between my self and ate or my friends. Nakakainis," may pumatak na luha sa aking mga mata.








"Lola sana nandito ka nalang. Kasi lola, ikaw lang 'yung nasasandalan ko sa tuwing wala ang iba para sa akin. Lola, gabayan n'yo ako sa mga desisyon ko ha? Miss na po kita, sa susunod nalang po kasi limited 'yung time na binigay sa akin ni manang, sige po babye,"







Well that's true. Sobrang limited. Gustuhin ko mang magtagal ay ayoko rin namang mapagalitan kaya susunod ako sa oras na binigay nito. Ang akala siguro nila manang ay mag-aalay lang ako ng bulaklak. Pero ayos na rin ang mahalaga nakausap ko si lola muli...









Pagka-uwi ko sa bahay ay naroon silang lahat. Nagmemeryenda at nagtatawanan. Nilalaro nila daddy at tita Portia si Zyronn, si kuya naman ay habang naghahighlight at kumakain ng cupcake, si Adam naman ay hindi ko alam kung anong ginagawa.









Lumapit ako sakanila at tinabihan naman ako ni ate. Tinanong n'ya ako kung pwede raw ba kami mag-usap at pumayag naman ako.









"Athena ano kasi e..." napayuko si ate.








"Pumapayag po ako," habang nasa sasakyan ako ay pinag-isipan ko itong mabuti. Sarili ko muna ang uunahin ko. "Narinig ko po kayo ni daddy. Pero bago po tayo umalis, magpapaalam muna ako sa mga kaibigan ko," ngumiti si ate sa akin at niyakap ako.









Bumalik na kami ni ate at kinausap n'ya si daddy. Napag-usapan namin na bukas ay makikipag kita ako kay Merlyn at Denise. Napagdesisyonan ko naman na bigyan nalang ng letter si Adam. Alam naman na kuya kaya ayos na 'yung sakan'ya.







"Oh, anong meron at ikaw pa ang nag-aaya? Himala naman sa'yo Khraeavaeaenne Athena Tala," natatawang sambit ni Merlyn.








"Kumain muna tayo! Juskopo," sambit ko rito.









"Oo nga, nagugutom na'ko. Libre mo ha? Ikaw nag-aya Kat!" Si Denise.






"Oo naman, ako pa ba? Binigyan ako ni daddy ng pera ngayon," natatawang sambit ko.








"Ayon!" Sabay nilang sabi.







Pumasok kami sa Mcdo, naalala ko 'yung nangyari noong elem palang kami ni Merlyn. Naisip ko na inisin s'ya kaya naman 'yon ang gagawin ko.







"Merlyn, ikaw na umorder," sabay kindat ko.






"Sinasabi ko sa'yo, 'wag mo'kong asarin ha!" Si Merlyn.







"Uy ano 'yan?" Tanong ni Denise. Kinwento ko sakan'ya ang lahat ng nangyari kaya naman tawang tawa pati si Denise. Nagtawanan kami habang si Merlyn naman ay pulang pula na.








Nang matapos kaming umorder ay pumunta na kami sa isang bakanteng upuan. Masaya kaming kumain. Ang daldal kasi netong magpinsan kaya naman maingay ang table namin. Inilibre ko sila ng mga damit, bumili kami ng pare-parehong damit pero iba iba ang kulay. Sweater na color pink na may nakasulat na 'girls' na medyo maliit sa bandang dibdib ang sa akin. Ganoong design din ang kanila pero color blue ang kay Merlyn at Violet ang kay Denise.







Bumili rin kami ng mga kagamitan para gumawa ng bracelet. At t'yaka umuwi sa bahay. Gumawa kami ng tig-tatatlong bracelet. Isang para sa sarili at ang dalawa ay para sakanila. Bale tatlong bracelet ang mapupunta sa amin (Author: bahala kayong intindihin hshsksksksvslags). After namin gumawa ay nagkwentuhan nanaman kami.






"Uh, girl, ano kasi. Aalis ako," nakayukong sambit ko rito.







"Ay may lakad ka ngayong araw girl?" Tanong ni Denise.








"Sira! Pupunta akong US bago magstart ang school year, sorry," nagulat ako nang biglang maluha si Merlyn at Denise.








"Alam mo? Ang daya mo! Nakakainis ka! Magpadala ka lagi samin ng pictures mo ha? Or mag update ka sa social media mo! Dami daming followers walang ka update update!" Kahit na umiiyak ay nakukuha pa rin nila magbiro.







"Basta uwi ka dito ha?" Tanong ni Merlyn.








"Oo babalikan ko kayo, t'yaka promise kayo lang magiging bestfriend ko. Promise rin na lagi tayong magchachat or VC,"








Buong hapon ay nag-iyakan kami sa kwarto. Mamayang gabi na ang flight ko. Gustuhin man nilang ihatid ako sa airport ay hindi rin naman sila papayagang ng mga magulang nila. Nang pumatak ang ala-5 ng hapon ay umuwi na silang dalawa. 8pm ng gabi ay aalis na kami ni ate dahil 9pm ang flight namin. 8pm, bago ako umalis ng bahay ay may inilusot ako na ang sulat ko para kay Adam.







Bago ako pumasok sa sasakyan ay pinagmasdan ko muna ang bahay namin. Mamimiss ko 'to.






"Mamimiss ko kayong lahat. Babalik ako sa tamang panahon," agad kong pinunasan ang aking luha. "Bye," sambit ko at pumasok sa sasakyan.

~~~~~~~~~~~
•LIGAYA•

My First Crush Where stories live. Discover now