~~~~~~~~~~~~~~~~:)
Kakalabas ko lang ng cafe. Nagdecide kami ni Merlyn na sabay na kaming pupunta sa bahay nila. Ngayong araw ay day off ko sa firm. Naghihintay na si Merlyn sa sasakyan, may binalikan lang ako dahil naiwan ko ang cellphone ko.
I open my phone and texted Adam.
To Babe♡:
Hi baby, I'm going to Merlyn's condo na. 'Wag kang papalipas ng gutom! Love you :)
Pumasok ako na ako sa sasakyan at hindi na hinintay ang reply n'ya. Tahimik naming binaybay ang daan papunta sa condo ni Merlyn. After n'ya makuha ang unang sahod n'ya ay agad itong humingi ng bale sa akin. Need n'ya daw para sa matitirhan nilang mag-ina kaya naman ay binigyan ko. I told her na hindi ito ikakaltas sa sweldo n'ya. Bigay ko 'yon sakan'ya.
Nang makapasok kami sa condo ay agad n'yang hinanap ang anak n'yang si Zeus. Lumabas si tita, ang mama ni Merlyn, sa isang kwarto. Hawak hawak n'ya ang isang baby boy.
"Mama!" Sigaw noong bata. "I miss you po!" Bumaba ito sa kan'yang lola at yumakap kay Merlyn.
"Namiss ka rin ni mama, so eto nga pala bestfriend ni mama mo," sabay turo n'ya sa akin. "This is Tita-ninang Kat,"
"T-tita-n-ninam!" Nahihirapang sambit ni Zeus.
"Hello, you're so cute naman!" Nakangiting sabi ko. "Heto oh, binili ko for you. I buy you a toy!" Nakita ko ang saya sa mga mata ng bata. Binilhan ko s'ya ng dictionary at calculator.
Bigla akong hinampas ni Merlyn, "Ano ba 'yan?! Hindi laruan 'yan! Gaga ka, tigilan mo nga ang anak ko!" Natawa bigla ang mama ni Merlyn. Bakit? Ganoon naman ang laruan ko noong bata pa ako.
"Ugh, ano ba ang dapat bilhin sa mga baby? Jusko, eto oh 5k. Bilhan mo nalang," napahilot ako sa sentido ko.
"Hoy! Grabe maka 5k, bente pesos lang may laruan ka nang baril-barilan e," natatawang sambit nito. Hindi tinanggap ni Merlyn ang pera kaya naman s'ya ang iinisin ko bukas sa trabaho para samahan akong bilhan ng kung ano ano ang anak n'ya.
"Oh my God, Am I late?" OA na pagpasok ni Denise.
"Shoo! Bawal dito may fiancee," sambit ko rito.
"Gaga, promise 'di masakit. 'Wag mo nang ipaalala sa'kin please? Kasi parang mas lalo mo pang dinidikdik sa akin na kaya ko lang mapapakasalan ang taong gusto ko ay para lang sa kompanya," inirapan ako nito.
"Btw, bakit nga pala hindi ka sa kompanya n'yo ngayon Merlyn? Bakit saakin?" Tanong ko.
"Ayaw mo? Char, simula nung mabuntis ako. Tinakwil ako ni papa. Paano kasi ayokong habulin 'yung ama nitong si Zeus. Ang hirap din kasing habulin 'yung taong ayaw sa ganitong bagay," napayuko si Merlyn.
"Ooooops, bawal ang sad dito. Tara na kain na us!" Sabi ni Denise.
"Gaga wala pang lutong ulam," sambit ni Merlyn.
"Problema ba 'yan? Edi let's go to restau! Or gusto mo Merlyn sa Mcdo?" Natatawang sambit ni Denise.
"Okay let's go dine out!" Sumaludo ako at sabay tawa. Nagtawanan kami hanggang sa napagdesisyunan nalang naming mag padeliver sa jollibee dahil ito ang paborito ni Zeus.
After several chika's, napagpasyahan naming umuwi 9 pm na rin. Habang nasa loob ako ng sasakyan ay chineck ko kung nagreply ba si Adam, pero wala. Siguro naging busy lang s'ya ngayong araw...
Pagkauwi ko ng condo ay wala pa rin si Adam. Nakalock ang ang pinto namin at wala pa ang sapatos n'ya. Late na ah... kinuha ko ang phone ko at tinext ulit s'ya.
To babe♡:
Where na u? Nakauwi na'ko. Ingat ka sa pagmamaneho ha?
After that, tinapon ko ang phone ko sa kama. Dumiretsyo agad ako sa cr para magshower. Ginawa ko ang skincare routine ko at t'yaka dumiretsyo sa kusina para tignan kung may cookies paba. Meron pa naman, mamaya na 'ko gagawa ng gatas para hindi makatulog agad.
10 pm na, wala pa rin si Adam. Maghihintay ako hanggang sa dumating s'ya. Nag scroll muna ako sa newsfeed ko at nagtweet ng 'still waiting.' Nakakita na ako ng iba't ibang chismis sa twitter pero wala pa rin s'ya. 11 pm, wala pa rin ito. Nag-aalala na ako. Walang akong nakuhang reply mula sakan'ya.
I decided to stalk him, baka may update s'ya kung nasa s'ya. I saw a tagged photo of him, the picture consist of 3 girls and 5 boys. Ang isang babae ay nakakapit sakan'ya. Nasa isang bar ito, at ang caption ay 'blockmates'. Mga kaklase n'ya pala. Sinawalang bahala ko ang litrato dahil alam ko loyal sa akin si Adam.
12 am na, I decided to sleep. I went to our room and sleep there. Nang ako'y patulog na ay may tumawag sa akin. It's Adam.
[Hey, Adam. Mamaya na sa car.] 'Yon lamang ang aking narinig at t'yaka namatay ang tawag. Kung ano ano ang pumasok sa isip ko.
Hindi ko alam kung mababaliw na ba ako kakaisip kung sino ang babae na iyon. Anong meron sa sasakyan at kung ano ano pang mga tanong. Hindi ako makatulog. Inabot ako ng 3 am at tatlong gatas para lang makatulog. I also drink my sleeping pills para sure na makakatulog ako. At the end nakatulog naman ako.
Pero hanggang panaginip ko, ang babaeng narinig ko sa phone ang gumagambala sa akin. Sino ba ito? At anong meron sa sasakyan?
~~~~~~~~~~
•LIGAYA•
YOU ARE READING
My First Crush
RandomHi! Welcome to Dream Series number 1. This story deals about different feelings of people. This story contains all the imagination of author, sometimes a chapter contains her own dream. So goodluck and happy reading! :)) This story came from my drea...