~~~~~~~~~~~~~~~~~:p
Nakalabas na ako ng Ospital. Naikwento na sa akin ni ate Krystynn ang dahilan nang pagpunta n'ya sa US. Pumunta s'ya roon just to chase Zyronn's dad. Pero nang magkita sila ay may kasama na itong ibang babae kaya naman pinalaki na n'ya lang na mag-isa ang pamangkin ko.
Ang buong akala ko ay itinago ni ate ang pamangkin ko sa tunay nitong tatay, mali pala. Alam kong mas masakit ang pinagdaanan ni ate. Pero hindi na s'ya umuwi pa dito sa Pinas dahil gaya nang sinabi n'ya, naroon na ang buhay n'ya.
"Kat!" Sigaw sa akin ni Merlyn. Ngayong araw ay nandito s'ya sa bahay para makapagbonding kami. "Kasi ano, uh, may sinama ako na pinsan ko slash kaibigan ko sa school. Sabi n'ya nasa labas na s'ya ng village. Ayos lang ba?" Tanong nito.
"Oo naman! Okay nga iyon para magkaroon ulit ako ng bagong kaibigan," nakangiting sambit ko.
"Oh, tara na! Sunduin na natin s'ya!" Masayang sambit nito.
Nagpaalam ako kila manang na may susunduin lang kami sa labas ng village. Naroon din si ate sa kusina nang magpaalam ako kaya naman okay na. Si kuya hindi ko alam kung nasaan kaya hindi nalang ako nagpaalam. Pagkalabas namin ng gate ay nakasalubong namin si Adam. Mukhang kakatapos lang magjogging nito. Ang gwapo...
"Oh, saan kayo pupunta?" Nakakunot ang noo nito habang tinatanong kami.
"May susunduin lang, hehe," si Merlyn ang sumagot. Nakatulala pa rin ako sa gwapo nitong mga mukha. Umalis na ito at bigla akong hinampas ni Merlyn.
"Crush mo pa 'no?" Natatawang sambit nito sa akin.
"Hindi 'no," tanggi ko rito. Hindi ko alam, minsan crush ko s'ya minsan hindi. Depende ata sa mood, chosz.
"Sus, kung makatitig ka nga e!" Inirapan ako nito. "Sus masabihan nga si Denise na huwag magkakagusto kay Adam. Dahil iyo lang dapat 'yon!" Natatawang sabi nito.
"Jusko po Merlyn," napafacepalm nalang ako.
Habang naglalakad kami as usual nagdadaldalan kami. Minsan ay may isiningit s'ya na discussion sa Math na 'di n'ya gets kaya naman pinaliwanag ko sakan'ya.
"Oh, ayon s'ya oh. Denise!" Tawag dito ni Merlyn. Nakita ko ang isang magandang babae na may maikling buhok. May katangkaran tulad ni Merlyn. Hanggang bibig lang nila akong dalawa.
"Hello!" Nakangiting bati nito. Parang ayoko na papuntahin sa bahay 'to. Parang feeling ko magkakagusto si Adam dito, chosz.
"Hello," tugon ko rito.
"Woah, so ikaw si Kat? Hala, ang ganda mo pala talaga 'no? Btw, I'm Denise. Yehey new kadaldalan," natutuwang sambit nito.
Bumalik na kami sa bahay. Andaldal nilang dalawa kaya naman ang saya ko. Sa wakas may makakasama na'ko. Magkatabi lang pala ang village namin kaya napagpasyahan nilang dalawa na dito nalang kami palagi. Ayaw daw nila sa bahay nila. Ayaw daw nila mautusan.
"Ay hala shet may gwapo," napatingin kami sa hagdan kung saan nakatingin si Denise. Nakita namin ang kuya ko.
"Off limits. Yari ka sa pinsan mo," pabulong na sambit ko rito.

YOU ARE READING
My First Crush
RandomHi! Welcome to Dream Series number 1. This story deals about different feelings of people. This story contains all the imagination of author, sometimes a chapter contains her own dream. So goodluck and happy reading! :)) This story came from my drea...