Letter lang i2 pwede n'yo lagpasan 😙
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~°-°
Dear athena,
Hi! Siguro kung mababasa mo ito ngayon nasa piling ka na ng lalaking talagang magmamahal sa'yo ng buo. Ako kasi? Hindi ko kaya 'yon e. Hindi ako ang nararapat na lalaki para sa'yo. Sino ba naman kasi ako diba? Isa lang naman akong walang kwentang lalaki na laging nagbibigay ng sakit sa puso mo.
Sana, kung nasaan ka man ngayon, maging masaya ka. Lagi mong tatandaan na ikaw lang ang babaeng mamahalin ko sa buhay na ito. Pasensya ka na, kasi naman, napakatanga kong tao. Hindi ako nababagay sa sobrang talinong gaya mo. Sana mapatawad mo'ko. Alam kong ikakahiya o pandidirihan mo'ko, nakabuntis ako. Nabuntis ko si Yanina sa isang makasalanang gabi.
Alam kong ikaw ang pinangakuan ko, pero wala e, natakot ako na baka ikaw ang isunod nila. Nakakatakot. Alam kong kayang kaya n'yo silang labanan. Kayo pa, e kaya n'yo ngang pabagsakin ang mga mayayaman at makakpangyarihang tao dito sa buong bansa.
Siguro, okay na ako ang magsakripisyo para sainyo. Okay na'to na ako ang magdusa. Nga pala, 'pag pinalitan mo ako dapat mas gwapo sa'kin ha? 'Pag pangit 'yan agawin ulit kita d'yan. Hays, bawal na nga pala. Kasal na nga pala ako sa iba.
Ikaw ang isang malaking universe ko. Sa'yong sa'yo lang ako, mula sa buhay na'to hanggang sa susunod na mga buhay. Ikaw pa rin ang pipiliin ko sa araw araw kahit na iba na ang makakasama ko. Ikaw lang ang mamahalin ko kahit na iba ang mga katabi ko. Ikaw lang ang reyna ko kahit na nasa ibang palasyo na ako. Ikaw lang, wala ng iba kahit na magkalayo na tayo.
Naalala mo pa ba 'yung tinuro mo sa'kin dati? Nung g4 tayo na hindi ko magets kung bakit mo pinag-aaralan e masyado ka pang bata para ron. Ano ulit tawag don? Tanget? Target? Ah alam ko na, tangent. Para tayong ganon. We had the chance to meet once, but in the end we will be apart forever.
You will always be my tala, kahit na nasa ibang universe na ako. I love always, I love you 'til my last breathe. Kapag nalagpasan ko na ang gulo na aking pinasok. Pangako, babawiin kita.
Nagmamahal,
Paulino Adam Mauricio Lee
YOU ARE READING
My First Crush
RandomHi! Welcome to Dream Series number 1. This story deals about different feelings of people. This story contains all the imagination of author, sometimes a chapter contains her own dream. So goodluck and happy reading! :)) This story came from my drea...