~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ :p
Ngayong araw ang alis namin papuntang bataan. Masaya si tita, at sinabihan n'ya pa ako na kukuhaan n'ya ako ng litrato para magkaroon ng post ang aking FB at IG. Madami akong followers sa IG pero hindi ko ito ginagamit. Dumami lamang ang followers ko dahil sa ate ko.
Pagkarating namin sa bataan napagpasyahan naming magpahinga muna at maya maya ay kakain sa tabing dagat ng pananghalian. Iisang suite lamang ang kinuha ni daddy na may tatlong kwarto.
Dumiretsyo na ako sa kwarto ko para makapagpahinga. Mag-oonline sana ako kaso nga lang walang signal sa dito sa pinuntahan namin.
Lalabas sana ako ng kwarto para maghanap ng signal sa labas pero nagulat ako sa nakita kong papel na nakalusot sa may pintuan.
"Accept mo'ko sa facebook" what? Wala ngang signal.
Kukuha sana ako ng papel kaso nga lang naalala ko na wala pala akong dalang papel at ballpen. Si tita kasi ang mga namili ng dadalhin ko. Ang tanging dala ko lang ay ang paborito kong novel at wala nang iba bukod sa mga damit at cellphone.
Maya maya pa'y kumatok na sa pinto ko si tita para tawagin ako para sa mananghalian. Naka off shoulder ako at maong na shorts. Ang saplot ng aking paa ay tanging tsinelas lamang. Suot ko ang bracelet na regalo sa akin ni Merlyn. Kung sabagay ay hindi ko naman ito tinatanggal simula noong ibinigay n'ya ito sa akin.
Dumiretsyo ako sa dalampasigan dahil doon ang venue kung saan kami kakain. Tahimik kaming kumain habang dinadama ang sariwang hangin at magandang view. Ang aming kinakain ay puro seafoods. Masarap sanang kumain ng hipon kaso nga lang hindi ako marunong magbalat noon.
"Ayaw mo sa hipon?" Pabulong na tanong ni Adam.
"Gusto... kaso nga lang ay hindi ako marunong magbalat," pagsasabi ko nang totoo. Kinunutan n'ya ako ng noo, at bumalik sa pagkain. Akala ko ay talagang babalik s'ya sa pagkain ngunit nagulat ako nung ibigay n'ya sa akin ang mga binalatan n'yang hipon.
"Ubusin mo 'yan ha?" Tumango ako sakan'ya habang nakangiti.
Masaya akong kumain ng hipon, parang ginanahan ako sa pagkain sa 'di ko mamalayang dahilan. Dahil ba si Adam ang nagbalat nito para sa akin o dahil masarap talaga ang mga luto dito?
Maya maya pa ay nag-aya na sila tita at daddy na magswimming. Tinanggihan ko iyon dahil feeling ko ay sobrang init pa.
"Nako takot umitim ang dalaga mo Kalixto," natatawang sambit ni tita.
"Hala tita, hindi naman po sa ganoon. Sa tingin ko lang po ay masakit masyado sa balat ang araw ngayong tanghaling tapat,"
"Nako, nagdadalaga na talaga," natatawang asar ni tita Portia.
Bumalik na ako sa aming suite. Ang totoo'y hindi naman talaga dahil sa init. Ang mga damit kasi na ibinili sa akin ni tita Portia ay puro swimsuit. I feel so conscious about my self. Feeling ko kasi makikita nila ang peklat ko sa aking dibdib.
Nakuha ko ang peklat sa isang aksidente noong 2 years old pa lamang ako. Ako'y nakidnap at umabot ng mahigit isang buwan bago ibigay ang ransom money kaya naman ako'y sinaktan nila. Pasalamat na lang ako dahil hindi nila ako pinagsamantalahan, hindi nila kinuha ang puri ko.
Humiga muna ako para mag-isip isip. For the first time in my life I feel so scared that someone might see that scar. No, not someone. I'm scared that Adam might see this scar.
Lumabas ako sa ako sa aming suite para magpahangin. Nakita ko si Adam na nakasandal sa railings. Nakatingin s'ya sa akin na para bang isa akong magandang tanawin.
"Bakit ayaw mong maligo?" Tanong nito.
"Wala... wala lang," nakayukong sambit ko. Ngayon, ay magkatabi na kami. Tinitigan n'ya ako. Matangkad ng kaunti si Adam sa akin. Kaya naman ay medyo nakayuko s'ya.
"Ano 'yan?" Turo n'ya sa bandang dibdib. Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi ko namalayan na bumaba ng kaunti ang aking off shoulder. Biglang bilis ng pintig ang aking puso.
"Uh, p‐peklat..." inayos ko ang off shoulder ko.
"Uh-huh, saan galing?" Tanong n'ya ulit.
"Uh, n-nakidnap ako noong b-bata a-ako," nakayuko paring sagot ko.
"'Yan ang hirap 'pag mayaman e. Prone sa mga gan'yan. Kaya kapag ako nagkaanak tuturuan ko talaga ng self defense,"
"I was 2..." tumitig ako sakan'yang mga mata. Bakas ang gulat sakan'yang mga mata.
"I don't know what and how to react," napayuko s'ya.
"'Wag mo nalang pansinin," ngumiti ako sakan'ya. "Alam mo? Ayokong maligo dahil dito. Natatakot ako e, baka husgahan ulit ako gaya nang nangyari noong sinaktan ako nila Aleeyah," diretsyo ang tingin ko sa may harap na para bang inaalala ang mga nangyayari. Yes, kalahati sa dahilan ang mahusgahan ng iba. Pero ang kabuuan nito ay baka maturn off s'ya sa'kin.
"Hindi... hindi ko alam, sa totoo lang ang akala ko talaga ay si Aleeyah ang nasaktan mo," nakayukong sambit nito. "Ikaw pala talaga ang biktima. Sorry,"
"No worries, ayos lang sa akin. Naiintindihan ko," nginitian ko s'ya.
"Bakit ka gan'yan? Napakabait mo sa mga tao,"
"Wala namang dahilan para magtanim ako ng sama ng loob,"
Nabalot nanaman kami ng katahimikan. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Alam na n'ya, pero wala s'yang sinasabi. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil wala s'yang sinabi o dapat ba akong kabahan sakan'ya?
~~~~~~~~~~~
•LIGAYA•

YOU ARE READING
My First Crush
De TodoHi! Welcome to Dream Series number 1. This story deals about different feelings of people. This story contains all the imagination of author, sometimes a chapter contains her own dream. So goodluck and happy reading! :)) This story came from my drea...