43/43

12 1 0
                                    

Maraming salamat sa mga taong nagbasa ng aking istorya. Laham ko kayo times 10😚.




Tip: 'wag kayong mag-aaral kapag malungkot kayo or galit. Wala kayong maiintindihan non.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~♡

Ngayong araw, ay nasa harap ako ng altar. Hinihintay na makarating ang babaeng pinakamamahal ko. Dahan dahan s'yang naglalakad. Bawat hakbang ay parang humihinto ang oras, na para bang kaming dalawa lang ang gumagalaw.










Labis ang kanyang mga ngiti. Parang ito na ang pinakamasayang araw sa mundo—totoo nga namang ito ang pinakamasayang araw sa mundo. Tumingin ako sa isang gilid at nakita ko ang aming mga kaibigan na nagagalak sa tuwa.










Marami na kaming pinagdaan. Ni hindi ko nga naisip na magiging kami sa dulo. Siguro nga, sadyang mapaglaro ang tadhana. Sadyang mahilig lang s'yang magpaikot ng mga bagay bagay para malaman n'ya kung gaano katatag ang mga tao.









Nang makalapit na s'ya sa akin ay binigyan n'ya ako ng isang matamis na ngiti. "Kinakabahan ka ba?" Tanong nito sa akin.









"Oo," tinignan ko s'ya. "Baka kasi takbuhan mo 'ko rito. Baka 'di ka sure sa'kin. Baka mamaya hindi I do ang isagot mo." Tinawanan n'ya ako sa aking sagot.









Naalala ko pa lang noong una, akala ko hindi na kami pwede... akala ko hindi talaga kami para sa isa't isa... akala ko kailangan ko pa maghintay ng pangalawang buhay para lang makatuluyan ko ang babaeng pinakamamahal ko.









Naalala ko pa noong gustong gusto ko nang isumpa ang sarili ko. Dahil akala ko wala na ang babaeng pinakamamahal ko. Akala ko... akala ko hanggang tingin nalang ako sakanya mula sa malayo.











Akala ko hanggang tanaw nalang ako sa mga tala, dahil s'ya lang ang nag-iisang tala para sa akin. S'ya lang ang tala'ng mamahalin ko. S'ya lang ang tala na makakasama ko.











Marami tayong mga pangako noon, akala ko hindi na natin matutupad. Pero ang galing makipaglaro sa atin ng tadhana. Na sa pangalawang pagkakataon sa'yo pa rin ako mahuhumaling ng todo.










"Athena..." pagtawag ko sakanya. Ang ganda n'ya pa rin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na buhay pa rin s'ya.










Nilingon ako ng isang mala-anghel na babae. Ngumiti ito sa akin, "bakit?" Mahinhing tanong nito.










Boses pa lang n'ya ay nanghihina na ako. Na hindi ko na maituloy ang sasambitin. Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na dapat akong umamin sakanya pero palagi akong umuurong.










"Athena..." pagtawag ko muli rito. Ngunit sa oras na ito, puntod na n'ya ang tinatawag ko. Gusto kong humingi ng tawad... iniwan n'ya ako... sa huling pagkakataon...











"Athena..." ito ang unang bumukas sa aking bibig nang malaman kong buhay s'ya. Sobrang sakit sa akin... alam kong kahit na bumalik na s'ya ay hindi pa rin kami pwede.









Nawalan ako ng pag-asa sa pangatlong pagkakataon. Nawalan ako ng pag-asa para sa babaeng pinakamamahal ko. Akala ko, hindi na pwede... 'yun pala kailangan lang hintayin ang tamang oras para sa amin.









"Athena..." pagtawag ko rito. Agad n'ya akong nilingon.









"Yes? Adam?" Agad na tugon nito.










"Mahal pa rin kita." Sa isang mahal pa rin kita ay naging mahal kita habang buhay.








Ngayon... tayo na ang magsasama. Ngayon... tayo na ay magiging masaya. Hindi man maganda ang naunang pahina sa ating pag-iibigan. Maganda naman ang kinalabasan.










"You may now, kiss the bride." Masayang masaya ang lahat ng mga tao sa aming paligid. I kiss my bride. I kiss the woman I really love. The woman I admire. The woman of my life.










"Yieeeeeeee, sanaol!" Isang malakas na sigaw mula sa mga abay namin. Nangunguna pa rito si Zxy.











"Witwiw! Parang gusto na maghoneymoon sa harap namin!" Isa pang sigaw nito na para bang wala kami sa simbahan.










Masaya ang tao sa aming paligid. Ngunit kung may higit pang mas sasaya sa amin ay ako na iyon. Sa wakas, ang babaeng pinakamamahal ko, sa wakas ang babaeng nagustuhan ko noong ako'y nasa elementarya pa lamang... sa wakas, sa araw na ito, nagkaisang dibdib na kami...





~•~




At some point of my life, I don't believe in love.





Can you blame me? No you can't.





Imagine, all my life become my heartbreak.





I don't even know how I survive.




But at least... in the end, I become a tough woman.





I become the nightmare of my own.





Who am I?






I am Athena.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
•layag, aking ligaya•

My First Crush Where stories live. Discover now