29: hatdog

13 1 0
                                    


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~●,●

Habang nililibot ko ang buong kwarto ng mommy ko ay dinalaw ako ni kamatayan, chosz syempre ni antok. Nang ako'y magising ay 12 am na. Grabe, ganito ba ako kapagod? Anlapit lang naman ng binyahe namin.



Nang makaramdam ako ng gutom ay dahan dahan akong lumabas ng kwarto. Nakita kong nakabukas ng kaunti ang isang kwarto kaya sinilip ko muna, syempre chismis muna. Nakita ko ang isang likod ng binata. Nakatopless lang s'ya at hindi ko mawari ang suot na pambaba. Nakatalikod s'ya at may hawak na gitara.




"Halata namang, masaya ka sakan'ya~" pagkanta nito. Grabe ang ganda ng boses.




"Pero ang tanong ay kung gusto ka nga ba n'ya talaga?~" bigla akong tumakbo pababa ng hagdan ng bigla itong tumigil at akmang lilingon. Shet bawal ako makita sis.




"Muntik na'ko mahulog sa hagdan, nyeta," mahinang sambit ko habang hawak hawak ang aking dibdib. Dumiretsyo na ako sa kusina para maghanap ng pagkain at uminom ng tubig.




Pagkainom ko ng tubig ay tinignan ko ang laman ng ref. Pakshet, hotdog lang at itlog ang madaling lutuin dito. Pinili ko ang hotdog dahil wala ako sa mood mag itlog.




"Awit, Jumbo Cheesedog. 'Pag ito hindi malaki na'ko," mahinang sambit ko. Isinalang ko na ang kawali na may kawali. Nang ilalagay ko na ang hotdog dahil mainit na ang mantika ay may biglang nagsalita sa likod ko.





"Penge ako," sambit nito.





"Ay, gusto ko hatdog na mataba tapos mahaba," sa aking gulat kung ano ano na ang aking nasasambit.





"Nani?" Natatawang sabi nito. "Ikaw ha, meron ako noon," sabay kindat nito sa akin. Tf.




"No need mas masarap 'tong niluluto ko," sambit ko rito. Kingina mommy pakisundo na ako, now na ASAP. Chosz.




Nagluto ako ng apat na piraso ng hotdog, tig-dalawa nalang kami. 'Wag na s'ya umarte. Kinuha ko rin ang tinapay at lettuce na nakita ko kanina sa ref. Hiniwa-hiwa ko 'yung hotdog at ipinalaman ko sa tinapay. Tinignan lang ako ni Xzynade.




"Crush mo'ko?" Biglang sambit nito.




"Kapal, 'di kita type," sambit ko rito.




"Bakit ano bang type mo?" Tanong naman nito.





"'Yung mas matalino sa'kin," tinignan ko s'ya.




"Ehem, with high honor ako," proud na sabi nito.




"Well, I don't care. With highest ako with the average of 99.98%, umabsent kasi ako 2 times para magliwaliw," I said that and Shrugged.




"Yabang, sanaol," sabi nito. "Patutor nga, pero hindi naman pala, feeling ko naman mas bata ka sa'kin e. 19 na ako ikaw?"



"18, tapos na ako mag-aral, I finished Architecture. Also I'm taking law now," sabi ko rito. "Graduating law student," dagdag ko.





"Okay, talo ako. Sige na, ikaw na. Ikaw na talaga, pero bakit mo 'ko pinapanood habang kumakanta ako?"





"Kase, design 'yung gitara mo. Kunwari kalang nags-strum ng gitara mo pero ang totoo naka minus one ka. Halata naman kasi mali 'yung pwesto nung mga daliri mo," paliwanag ko rito. Syempre hindi ko pwedeng sabihin na chumichismis ako.




"Hala, shh. Secret lang natin 'yon. Papadala ko 'yung sa crush ko e," sabi nito.



"So sino 'yung torpe?" Tanong ko rito. "Bakit ba ako nagtatanong syempre ikaw,"




My First Crush Where stories live. Discover now