~~~~~~~~~~~~~~~~~~ =/
"Ayan na, lalabas na kung sino ang mga nasa top. Malalaman na natin kung sino ang valedictorian at salutatorian sa batch natin! Tho, alam na naming ikaw ang valedictorian Kat!"
Friday night ngayon at nandito kami sa bahay, nagpaalam s'ya sa mama n'ya na mag-oovernight s'ya sa'min. Ngayong gabi ay lalabas ang mga honors para sa gaganaping graduation next week.
"Merlyn ikaw salutatorian for sure," sambit ko rito.
"'Di mo sure, ayoko umasa sis," sambit nito.
Maya maya ay kumatok sa aming pinto si kuya na may dala dalang gatas at cookies. "Oh, pinapadala ni manag para sa inyong dalawa. 'Wag daw kayong magpupuyat dahil aalis daw tayo bukas. Dadalaw daw tayo sa company nila daddy," sambit ni kuya.
"Kuya sama ko si Merlyn ha?" Tanong ko rito.
"Sige, basta't 'wag kayong malikot,"
"Yezzer!" Sabay naming sambit ni Merlyn habang nakasaludo.
Nang umalis si kuya ay nilantakan namin ang cookies at gatas sa aming harapan. Maya maya pa ay lumabas na ang mga grades namin. Lumabas na rin ang top 10, as usual top 1 ako, ang top 2 ay si Merlyn.
Nang gabing iyon ay sobrang saya ni Merlyn. Mataas ang nakuha n'yang marka ganoon din ang sa akin. Ako ay nakakuha ng 99.5% na average dahil sa may absent ako samantalang 96.33% ang kay Merlyn. Agad kong ibinalita iyon sa aking mga kapatid at natuwa din sila. Tumawag din si Merlyn sa kan'yang mama at natuwa rin ito. Nagpaalam na rin s'yang sasama sa pagpunta namin kay daddy, mabuti naman at pumayag ito.
"Yehey, hindi tayo Elem! High school na tayo! Mas malaki na ang school natin sa susunod. Sana classmates pa rin tayo!"
"Oo nga Merlyn, baka hindi ko kayanin na wala ang bestfriend kong maingay 'pag hindi kita kaklase," natatawa kong sambit.
"Grabe naman sa maingay! Dapat cute, hindi maingay hmmpfk," natawa ako sakan'yang inasal. Maya maya pa ay napagpasyahan naming matulog na para hindi narin kami mapuyat.
Malaki ang aking kama kaya naman nagtabi na lamang kami ni Merlyn. Mahimbing akong nakatulog at ganoon din naman s'ya.
"Goodmorning kiddos," pang gigising sa amin ni ate. "Wake up na, need n'yo na mag-ayos aalis na tayo maya maya lang,"
"Okay po," sambit ko. Napansin kong tulog pa rin si Merlyn kaya ginising ko ito.
"Hoy, Merlyn, gising na!" Sambit ko habang niyuyugyog s'ya.
"5 mins," sambit naman nito.
"Sira! Gising na, aalis tayo remember. Mahiya ka nga kay kuya, pinaghihintay mo!"
Dali dali itong tumayo at naghanap ng damit sa kan'yang bag. Kinuha n'ya rin ang mga essentials n'ya at tumakbo sa CR.
"Oh, tara na. Hinihintay na tayo ng future husband ko," sambit nito sabay wink sa'kin.
"Sira, wait liligo lang din ako. Mag-ayos ka muna, yieee. Iba talaga 'pag si kuya ang usapan," natatawang sambit ko habang papunta ako sa banyo.
After ko maligo ay sabay sabay kaming nag-almusal at t'yaka umalis ng bahay. Noong nasa daan kami ay nakakita ako ng isang asong kalye. Naalala ko si Sunny.
YOU ARE READING
My First Crush
RandomHi! Welcome to Dream Series number 1. This story deals about different feelings of people. This story contains all the imagination of author, sometimes a chapter contains her own dream. So goodluck and happy reading! :)) This story came from my drea...