14: him

15 1 0
                                        

~~~~~~~~~~~~~~:0

May bagong asawa na si Mommy. Kinailangan naming lumipat sa bahay ng bago n'yang asawa at kinailangan ko ring lumipat ng school. Mula sa Bulacan ay pu-Maynila kami ni mommy para sakan'yang bagong asawa.







Pagpasok sa bago kong school ay napansin ko kaagad ang isang batang babae. Tahimik lang s'yang nagbabasa ng libro. Ang ganda naman nito...







"Adam, punta na tayo sa room," mahinahong sambit ng teacher namin.








Pagkatapos kong magpakilala ay nakita kong kaklase ko rin pala ang magandang babae kanina. Nalaman ko rin ang pangalan at tunay na edad nito. Ang bata pa pala nito.






Unang kita ko palang sakan'ya ay alam ko nang crush ko na s'ya. Alam ko na kaagad dahil hindi na ako bago sa pakiramdam na ganito.







"Hi, so you're the baby here," I just want to have conversation to her. Gusto kong magpapansin sa crush ko.






"What? The... what?" Naguguluhang tanong n'ya






"The baby, 'cause you're the youngest," inirapan n'ya lang ako. Sakit naman noon crush...






Dumating ang recess at sinundan ko s'ya nakita kong tinuturuan n'ya si Merlyn. 'Yung madaldal n'yang friend. Lumapit ako para magpapansin ulit sakan'ya.






"Oy ano 'yan? Sali ako!" Pagpapapansin ko.







"Hindi pwede, ako lang tuturuan nitong bestfriend ko!" Sambit ni Merlyn. Taray, sige ikaw nalang. Harutin ko nalang friend mo.







"Ay sorry naman, makikipagfriends lang," sambit ko rito. Yeah, friends sa'yo tapos papansin kay Athena hehe...







"Uh, hmm, balaka," mabilis na sambit ni Merlyn. Yes, thanks Merlyn lalakad kita sa kapitbahay ko, joke.







"Magpapaturo lang din, 'di ko rin gets e hehe," kunwari lang s'yempre. Gets ko ang Math, English lang ang hindi.








"Uhm, 'kay. Ulitin ko nalang 'yung discussion," sabi ni Athena. Hala crush, may pa special ulit pa sa'kin hihi.







Habang nagtuturo si Athena ay syempre attentive ako. S'yempre si crush 'yan e. Napatitig ako sa kan'yang magandang mukha. Ang ganda talaga...






"Wow, ang talino mo pala babygirl!" Sambit ko, syempre dapat may cs kami ni crush. Para-paraan ganoon.







"I'M. NOT. A. BABY." mataray na sambit ni crush. Aww cutie.








"Yieeee, babygirl," natatawang sambit ni Merlyn. Supportive talaga, lalakad talaga kita kay Ivan.








"Oh gosh," napahilot s'ya sa kan'yang sentido. Pati itsura ng nafru-frustate ang ganda pa rin.








"Sige na alis na'ko, lalaro pa kami block 123 nung mga boys. Salamat Athena, Merlyn," pagdadahilan ko. Sa totoo lang, feeling ko kasi namumula na'ko. Nakakahiya naman kay crush 'pag nakita n'ya akong ganoon.







My First Crush Where stories live. Discover now