~~~~~~~~~~~~~~~~ :)Sinabi ko kaagad kay ate ang mga nalalaman ko. S'ya na ang kumilos para sa imbestigasyon n'ya. Mas magaling kasi mag-imbestiga talaga si ate. Parang kahit anong klase pa ng hukay ang pinagbaunan mo ng mga sekreto mo ay mabilis n'ya lang itong mahuhukay.
"May something," paunang bungad sa akin ni ate.
"What?" Tanong ko rito.
"Ang labo ng mga nakuha ko. Parang andaming butas," napahilot si ate sa kan'yang sentido. "Hindi ako titigil, kaya kong gawin ito nang mas mabilis sana kaso, andaming needs ni Zyronn. Isa pa nalalapit na rin ang kasal namin ni Zymonn, gustuhin ko mang iurong, kami rin ang mahihirapan. Alam mo naman ang ginawang sakripisyo ni Zymonn para sa amin ni Zyronn," napayuko si ate.
Si kuya Zymonn ang tatay ng pamangkin ko. Noong una ay may fiance si kuya kaya pinabayaan na s'ya ni ate. Pero noong nalaman ni kuya ay bumalik ito kay ate. First love nila ang isa't isa, ang kaso nga lang, si kuya Zymonn ay ipinilit na ipakasal sa ibang babae para sa negosyo kaya naman sila naghiwalay ni ate.
"Oh, next na nga pala ang kasal n'yo," sabit ko rito. "Paano ang pag-aaral at saan kayo titira? Dito na ba?" Tanong ko rito.
"Gusto ni Zyronn dito, bumalik kasi sa Pinas 'yung bestfriend n'ya," sabi nito. Oh, nandito na sa Pinas sila Luna...
"Oh, buti naman naisipan nila ate Daisy na rito na sila sa Pinas?" Tinignan ko ito at tinaasan ko s'ya ng kilay. "Hindi ba't ayaw nila rito dahil marami silang pinagkakautangan?" Bumuntong hininga si ate.
"Galing kasi ni Zyronn e, nagpart-time sa company namin kahit 10 palang s'ya. Tapos tinulungan n'ya 'yung pamilya nila Luna, bestfriend n'ya raw kasi, na magbayad. Ayon, makakauwi na sila rito," paliwanag ni ate.
"Sus, bestfriend, e halata namang may gusto s'ya kay Luna!" Natatawang sabi ko.
"Oo nga, nagalit pa nga sa'kin at pinangalanan ko s'yang Zyronn Sol-Dark, pangit daw. Tapos nung nakilala si Luna gustong gusto na second name n'ya," ate Krystynn just rolled her eyes. Totoo naman ang pangit ng Sol-dark, pero may meaning kasi 'yon, sol for haring araw and dark kasi she felt the darkness wants to eat her noong buntis pa s'ya.
"Ayusin mo na second name ng susunod na pamangkin ko ha?" Natatawang sambit ko rito.
"Okay ma'am," sabay saludo nito sa'kin. Maya maya pa'y nakaramdam ako ng hilo. Lagi nalang ganito, siguro dahil sobrang init ngayong summer.
"Nahihilo ka nanaman? Magpacheck-up kana kaya?" Suhestyon ni ate.
"I'm fine, maybe because of the heat lang," maarte kong sabi.
"Okay, sabi mo e. Sige na una na ako sa'yo ha? Need ko pang asikasuhin ang school ni Zyronn. Gosh kahapon, gusto s'ya gawing grade 10 na nung dean tapos nagalit s'ya grabe ayaw n'ya raw, gusto n'ya raw kasama si Luna. Parang gago," natatawang chika nito at saka lumabas sa opisina ko.
"Yow mamsh, half day lang ako ha? Birthday ni Zeus e," sabi ni Merlyn.
"Sama," sabay pout ko. "Sara natin 'tong cafe," sabay binato n'ya ako ng throw pillow.
"What?" Nakakunot na noo kong tanong. "Bakit mo'ko binato ng unan?" Tanong ko rito.
"Para may sense na tawag d'yan throw pillow," she rolled her eyes. "Gaga! Malamang bakit isasarado 'to? Sayang kita. Hindi porket andami dami mong pera hay nako Kat!"
"Edi hindi na isasara. Andito naman si Layla at Lylia e. Sige na sama na, miss ko na si Zeus e," nagpuppy eyes ako sakan'ya.
"Oo na, sige na," sumigaw ako ng 'yehey' at inirapan lang ako ni Merlyn.
Tinapos namin kaagad ang mga trabaho namin at t'yaka umuwi sa condo ni Merlyn. Laking pasasalamat ni Merlyn at inaalagaan ng Tita Maria—ang mommy ni Merlyn—ang anak n'ya, bawas daw sa gastos ito.
Habang nasa byahe kami, pansin ko na sobrang pagod na s'ya. Alam ko kung sino ang tunay na ama ni Zeus pero nananatiling tahimik lang ako. Alam kong may sarili itong desisyon. Alam kong ginagawa n'ya ang lahat nang makakabuti para sa anak n'ya.
"Alam kong alam mo na," biglang nagsalita si Merlyn. "Pinaimbestigahan mo ako right?" Tanong nito. "Nakita ko kasi si 'yung file sa desk mo,"
"Sorry, napansin ko kasi talagang may kahawig s'ya e. Nakalimutan ko lang kung sino. Pero ang hindi ko alam, masyado palang malapit sa akin ang walang kwentang tatay ni Zeus,"
"'Wag mo s'yang sisihin. Ako ang may desisyon na itago sakan'ya si Zeus—" hindi ko pinatapos ang sinasabi n'ya.
"Yes, desisyon mo pero alam naman nating hindi mo maiisip ang desisyon na 'yan kung hindi n'ya sinabi sa'yo na hindi s'ya ready at ayaw n'ya magkaanak. Para s'yang gago, ginamit ka n'ya nakakainis,"
"Please, 'wag mo s'yang sisihin. Alam mo naman na ako ang may kasalanan nito. Ang tanga ko kasi kaya naman eto, nasaktan ako," nakayukong sambit nito.
"Hindi mas tanga s'ya, nakakaloka," napahilot ako sa sentido ko. Mabuti na lamang at nasa parking na kami ng condo n'ya
"Sana lang ay hindi talaga s'ya magsisi sa huli. Alam kong mahal n'yo ang isa't isa jusko naman!"
"Hindi sapat ang mahal lang Kat, hindi sapat iyon. Kung kami ay kami talaga, kahit anong laro ng tadhana. Kaya ayos lang, tuloy pa rin ang buhay," tama s'ya dapat ay tuloy pa rin ang buhay.
"Pero tanga pa rin s'ya kasi iniwan ka n'ya! Tanga pa rin s'ya kasi pinabayaan ka n'ya. At teka? May plano ka bang sabihin sakan'ya ang tungkol kay Zeus?" Tanong ko rito.
"Wala," nakayukong sambit nito.
"Fuck," sambit ko. "Sa tingin mo alam na n'ya?"
"Hindi, akala n'ya sa ibang lalaki... akala n'ya..." napayuko ito at biglang umiyak.
"Wala talagang kwentang lalaki! Paano n'ya naman iyon iisipin. Nakakainis bakit ka ba n'ya sinasaktan nang ganito?"
"Choice ko 'to. Ako ang nagdesisyon ng lahat. Ako ang nanakit sa sarili ko. Ginawa ko iyon kasi masyado pa kaming bata at marami pa s'yang kailangang patunayan. Kung may makakaalam na nakabuntis s'ya ng estudyante baka malagay sa panganib ang pangalan na inaalagaan n'ya,"
"Fuck, gan'yan mo ba talaga ka mahal si kuya?!"
~~~~~~~~~~~~~
•LIGAYA•
YOU ARE READING
My First Crush
De TodoHi! Welcome to Dream Series number 1. This story deals about different feelings of people. This story contains all the imagination of author, sometimes a chapter contains her own dream. So goodluck and happy reading! :)) This story came from my drea...