Penge acrylic paint🤩
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~》.《
Pagkauwi ko sa bahay—este mansyon. Ramdam ko ang bigat sa aking pakiramdam. Para bang konting galaw ko'y may kakain sa'kin ng buhay.
"Kung akala mo'y nag-umpisa na ang kwento, nagkakamali ka roon," naalala ko nanaman ang sinabi sa'kin ng matandang nakasalubong ko kanina habang kumakain ako sa Mcdo.
"Kung akala mo'y magiging masaya ka na, nagkakamali ka roon. Tiyak na mas malaking pagsubok pa ang dadalhin mo," sambit pa nito. Paulit ulit sa aking isipan ang sinabi ng matanda.
Sa tingin ko'y mas matanda s'ya kay lola Portia, sa tingin ko lang naman. Hindi naman kasi halata kay lola Portia na may mga apo na s'ya, sa ganda n'yang iyon.
"Bakit ngayon ka lang?" Nagulat ako sa pagbungad sa akin ni tito Asher. "10 pm na Yanna, umayos ka ng uwi dahil bago ka palang dito sa Maynila," dagdag pa nito.
"Pasensya na po, tito," nakayuko kong sambit. Sakanilang lahat, si tito Asher lang ang taong hindi ako pinagsalitaan ng masama noon, bukod kila lola Portia.
Umakyat na ako sa aking kwarto at nakita ko muli si Sunshine, bakas na narito nanaman si Andrei. Excited ako noong una kaso naalala ko na may girlfriend nga pala s'ya at baka si Zyryll ang ipinunta n'ya rito.
Agad akong humiga sa kama, doon ko lamang naramdaman ang pagod ko sa trabaho. Nakakaloka pala. Gustuhin ko mang kumuha ng sarili kong sekretarya ngunit hindi ako sigurado kung kakayanin ko ba s'yang bigyan ng sahod.
"Meow," ingay naman nito ni sunshine, nag-iisip ako e. Charot. "Sunshine, ano 'yan?" Tanong ko rito. Parang may kinakalaykay s'ya don sa mga paintings ni mommy.
Nang lapitan ko ito ay napansin kong hindi lang ito basta bastang painting. Kapag nasa malayo ka ay mapapansin mong painting lang ito pero kapag lumapit ka na ay mapapansin mo ang isang taguan ng kung anong bagay. May password ito, kaya mahihirapan akong buksan ito.
Inilibot ko ang aking mga mata sa mga paintings ni mommy para tignan kung may iba pang ganitong painting. May isang painting na puto itim, may isa naman na puro pula at pare-pareho silang may taguan sa loob. Pero anong password?
Bumalik ako sa aking paghiga, ano nga ba ang password? Antagal kong nag-isip ng maalala ko ang password ni mommy sa cellphone. Lumapit ako sa unang painting kung saan ay may colorful na bulaklak.
"2... 3... 2... 6... 6... 2... 4... 5... 2... 2... 7..." sabay sa pagbigkas ko ang pagpindot ko nito. Laking gulat ko ng ito ay bumukas. "OMG, I'm so smart. Charot mas smart ka mommy,"
Merong isang box at isang album. Kinuha ko ito pareho. Isang green box, at isang pink na may design na pambata ang album. May nakasulat sa taas ng box na 'alegria'. Awit parang 'yung binabasa ko lang dati sa wattpad.
Binuksan ko ang kahon ay nakita ko ang mga picture ni mommy simula noon hanggang sa pagkadalaga n'ya. Wala na rito ang mga litrato n'ya noong ipinagbuntis na n'ya ako.
"Omg, 18th birthday ni mommy may bangs s'ya," natatawa kong sambit. "Hala simula nung bata s'ya may bangs s'ya lmao,"
Ang cute ng mga pictures ni mommy, totoo nga ang sabi nila na magkamukha kaming dalawa. "Mag bangs kaya ako?" Tanong ko sa aking sarili. "Oo, tama magbabangs ako kasi, malakas trip ko," sabi ko at tumawa ako nang malakas.
"Baliw ka pala," nagulat ako nang biglang may nagsalita. Napatingin ako sa pinto at nakita ko si Xzynade. "Hoy, anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sakan'ya.
"I have chika kasi e," sabi nito. "Bakla kana?" Tanong ko rito. "Tanga, so my chika is, 'yung crush ko umamin na sa'kin, gosh kilig ako sis!" Sambit nito. "Alam mo feeling ko bakla ka," sambit ko.
Nagtawanan kami at bigla n'ya akong hinampas sa balikat. "Magbangs kana," sambit nito. "Hala gagi, narinig mo?" Tanong ko rito. "Oo 'te, maingay ka e," tugon nito.
Hinala n'ya ako paupo sa vanity at kumuha s'ya ng gunting mula sa study table ko. "Hoy! Ako magbabangs, hindi ikaw. Wala akong tiwala sa'yo," sambit ko rito. Katakot baka magfail.
Kinuha ko mula sakan'yang kamay ang gunting at ginupit ko ang buhok ko. Medyo mahaba, hanggang ilong ang una ko pag gupit. Ginupit ko ulit at tadah, hanggang mata. Kinakabahan na ako. Baka sa susunod hanggang kalahati na ng noo ko. "Ayoko na!" Sambit ko.
"Hoy, ano 'yan ayusin mo!" Sabi ni Xzy, "ayoko na nga e, kinabahan ako. Tama na'to," sambit ko. "Ako bahala," sabi nito. "Nvm, lumabas kana nga! Konyatan kita dyan e," hindi na nakipagtalo si Xzy at umalis na rin s'ya.
Tinignan ko ang itsura ko sa salamin, mukhang tanga 'yung bangs ko. Pero kamukha ko si mommy noong 19 years old s'ya. Kulang lang ako sa puti. Lugi naman kay mommy, morena ako unlike her.
I take some selfies and upload it on my IG. Madami akong followers dahil na rin sa marami akong manliligaw noong nag-aaral pa ako sa Bataan. Grabe ako lang 'to guys.
Ibinalik ko na muli ang mga pictures ni mommy sa likod ng painting at ini-lock ulit ito. "Hay, mommy. Bakit ba kamukang-kamuka kita? Mommy, miss na po kita. Miss ko na po 'yung cookies at gatas tuwing gabi," may sumilay na luha mula sa aking mga mata.
"Mommy look at my bangs, kamuka na kita, morena version mo 'ko," pinunasan ko ang aking mga luha. "Mommy pangako, hindi ako mababaliw sa pag-ibig gaya mo. Hindi ko papabayaan ang sarili ko. Hindi ko hahayaang bumagsak ako ng sobrang taas. Hindi ko hahayaang may ibang tao pa ang umapak-apak sa'kin mommy,"
~~~~~~~~
•LIGAYA•

YOU ARE READING
My First Crush
AcakHi! Welcome to Dream Series number 1. This story deals about different feelings of people. This story contains all the imagination of author, sometimes a chapter contains her own dream. So goodluck and happy reading! :)) This story came from my drea...