17: lies

14 1 0
                                    


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~:(

Nagising ako ng mga ala-7 ng umaga. Tinignan ko kung may katabi ako pero wala. Nakauwi kaya si Adam? Luminga linga ako sa paligid pero walang Adam ako na nakita.

Naligo na ako at nagbihis dahil kailangan ko nang pumasok sa firm. This is my last day in our firm. Simula bukas ay magfofocus na ako sa aking cafe. Tatanggap ng mga private appointments as a civil lawyer. Ayoko ng crim, masyadong marumi.

I texted Adam again. "Hey, hindi ka umuwi kagabi. Ayos ka lang? Reply please."

Huminga ako ng malalim. I went to our firm. Tinapos ko ang mga gawain ko, nagpaalam sa mga naging kaclose ko na lawyers and all. Natapos ako ng mga 4 pm. Dumaan muna ako sa cafe.

Pagkapasok ko sa cafe ay dumiretsyo ako sa office ko sa may second floor ng cafe. Doon nagtratrabaho si Merlyn as my secretary/boss nila kapag wala ako. I went there and saw Merlyn's doing some reports.

"Hey, papirma. Need na ngayon," sabi n'ya. I read all the papers and signed it. Bumuntong hininga ako at tinanong si Merlyn kung sobra ba s'yang busy. She said no so inaya ko s'yang uminom.

"Hey, tig-isang san mig lang promise," I raised my right hand slightly as a sign of promise.

"Sige na nga, ano bang problema?" Tanong nito.

"Kuha ka muna san mig," nakangiting sambit ko rito. Nang makaalis si Merlyn ay sumandal ako sa aking swivel chair. Hinawakan ang aking sentido, at nag-isip.

"Okay, here's your san mig madam," nakabukas na ito at bigla kong tinungga.

"So what's the tea? Spill it," lumapit sa akin si Merlyn at uminom ng kaunti sa san mig n'ya.

"'Di umuwi si Adam. Tapos tinext ko simula kagabi hindi naman nagrereply. Tapos kagabi mga 12 ata or 11 not sure about the exact time. Tumawag s'ya sa'kin. Pero wala naman akong narinig mula sa boses n'ya. Isang babae lang, tapos parang maungol pa 'yung pagkasabi n'ya ng 'Adam mamaya na sa sasakyan' then pinatay. I mean that's not the exact thing she said but that's the main point of what she's saying. Nakakainis. Nakakaparanoid,"

"Hey, the right to do is, mag-usap kayo," payo nito.

"Paano kami mag-uusap? E, hindi nga umuuwi," gusto kong maiyak. Naiiyak ako sa sobrang inis.

"Basta, kapag nagkita kayo. Kausapin mo ha? 'Wag mong awayin. Sige ka, ayawan ka noon!" After namin maubos ang tig-isang san mig ay umuwi na kami. Inihatid ko si Merlyn sa condo n'ya at dumiretsyo ako sa condo namin ni Adam.

Tinignan ko ang sapatos n'ya, wala pa rin s'ya roon. Tulad noong nakaraang gabi ay hindi pa rin ito umuuwi. Weeks had passed. No sign of Adam. I always texting him, pero wala parin.

Biglang tumunog ang phone ko, nagmamadali akong tignan kung sino ang nagtext. Nagbabakasakaling si Adam pero si Kuya Asher pala. Nagpapaalala lang na sa bahay daw icecelebrate ang birthday ko. Uuwi rin sila ate Krystynn at Zyronn.

Next week is my birthday, sana naman next week ay hindi na kami ganito ni Adam. Nakakaparanoid pala 'pag ganito. Walang paramdam kahit isa.


Days had passed. It's my birthday today, today is September 1. Wala paring Adam. Hindi s'ya nagrereply sa texts ko. Hindi sinasagot ang tawag ko. Minsan ay sinasagot pero pinapatay din. Hindi umuuwi sa bahay.

Pumunta ako sa bahay para icelebrate ang birthday ko. It's a simple celebration. Ang tanging imbetado lang ay si Daddy, tita Portia, ate, kuya, Zyronn, Merlyn, Ivan, Denise and syempre si Adam.

My First Crush Where stories live. Discover now