~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ =)
"Goodmorning daddy! This is the day~" pakanta kong bati rito.
This is the day, graduation na namin. I'm not going to wear any make up unlike other student. I'm just going to wear my uniform and toga, nothing more nothing less. Masaya ako dahil nakalagpas na ako sa isang pagsubok sa aking buhay. Na makakatapak na muli ako sa bagong pagsubok para sa akin.
Nakita ko si Adam na nakatitig sa akin kaya naman tinanong ko s'ya kung bakit.
"Hindi ka magmi-make up?" Nagtatakang tanong nito. "Halos lahat ng estudyante doon ay nakamake up,"
"Ayoko ng make up," totoo naman. Feeling ko clown ako kahit na naka light make up lang ako. Hindi ko lang talaga madama ang pag mi-make up. Parang ambigat bigat sa mukha. Kaya naman ayoko nito.
"Ow, okay," sabi n'ya at nagpatuloy sa pagkain.
"Are you ready for your speech?" Tanong ni daddy.
"Yes dad, I'm actually confident about my speech even though I know it's not that maganda,"
Kumuha ako ng tinapay at pinalamanan ko ito ng bacon at itlong. Nakatingin sila sa akin na para bang naninibago sila sa akin. Required bang naka make up?
"Are you sure, hindi ka talaga magpapalagay ng make up?" Tanong ni tita Portia.
"Wait why? Anong problema sa mukha ko?" Tanong ko rito.
"May pimples ka malaki sa gitna ng noo," pagkasabi nito ni Adam ay agad akong nagpanic.
"OMG, anong gagawin ko???" Nagpapanic kong tanong. "Ang gara pa at nasa gitna na nga anlaki laki pa!" Naiiyak na sambit ko.
"Alam ko na, bilisan mong kumain at samahan mo'ko sa itaas. Ako ang bahala sa'yo," sambit ni tita Portia.
Binilisan kong kumain, binilisan ko ding ubusin ang aking gatas. Gosh, bakit ako nagkapimples? Bata pa naman ang skin ko ah? Huhu.
"Okay, hindi kita lalagyan ng heavy make up, light lang. Eye shadow, concealer, and lipstick lang okay?" I slowly nodded to Tita Portia.
Natapos n'ya akong lagyan ng make up. Natakpan ang pimples ko. Sinabihan n'ya rin ako na dapat ay maghihilamos ako pagkagising at bago matulog para hindi na ako tubuang muli ng pimples, safeguard lang daw dapat dahil baby pa ang skin ko.
The ceremony went well, mabigat ang mga medal sa aking leeg. Pagkatapos ng ceremony ay agad akong tumakbo papunta kay Merlyn.
"Wow, Ms. High IQ, edi ikaw na hakot medal. 'Di man lang nagtira sa amin kahit most behave!" Natatawang sambit nito.
"Hindi ka behave, ingay ingay mo tapos puro ka block 123," Tinawanan ko s'ya at bigla n'ya akong inirapan.
"Weh, F.O.!" Hamon nito.
"'Di mo kaya! Crush mo—" hindi ko na natapos ang aking sinasabi dahil bigla n'yang tinakpan ang bibig ko.
"Ingay mo sis, baka may makarinig sa'yo shh!" Pagalit na sabi nito sa akin.
"Punta ka sa bahay may celebration," anyaya ko rito.
YOU ARE READING
My First Crush
RandomHi! Welcome to Dream Series number 1. This story deals about different feelings of people. This story contains all the imagination of author, sometimes a chapter contains her own dream. So goodluck and happy reading! :)) This story came from my drea...