41: Newn't

12 2 0
                                        

Tip: 'pag gagawa kayo essay tapos wala kayong maisip, kumuha kayo sa lyrics ng kanta pero syempre hindi buong lyrics tyaka syempre dapat 'yung lyrics connected sa topic.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~🤗

"Mommy I'm home!" Magiliw na bati ng aking anak. "Mommy nakaka stress sa work! Nakakaloka! Grabe, andami naming kailangang tapusin na project!" Napakamot ito sakan'yang sentido.










Today is January 5, monday ngayon. Kagagaling n'ya lang sa trabaho. Habang nagluluto ako ng ulam namin ay panay ang yakap nito mula sa likuran ko. Magkasing tangkad na kaming dalawa ngayon ni Yanna. Nakakaalala na ako ng kaunti. Ang naaalala ko lang ay magmula noong isinilang ako sa mundo hanggang sa isilang ko si Yanna.










Nang patapos na akong magluto ay naghanda na s'ya ng mga plato sa lamesa. "My, gusto mo nang juice? May orange pa dyan sa ref e." Tinanguan ko na lamang ang anak ko.










Inilagay ko na rin ang ulam namin sa lamesa. Nang matapos s'yang magtimpla ng Orange juice ay agad kaming nagdasal para makapagsimula nang kumain.










Habang kumakain kami ay naalala ko ang huling sinabi ni Shan sa akin...










"Tita... sorry po, mukhang kailangan ko munang pakawalan ang anak n'yo," nalulungkot na sambit nito.










"Bakit naman hijo?" Agad kong tanong. "May nangyari bang hindi maganda?" Dagdag ko pa.










"Basta po tita, pangako ko po. Babalikan ko po ang anak n'yo. Kung bumalik man po ako na may iba na s'ya, magiging masaya na lang po ako. Kailangan lang po talaga ngayon tita. Pasensya na po." Nakayukong sambit nito.










"Kung iiwan mo s'ya ay 'wag mo nang patagalin pa. Mas lalo lang s'yang masasaktan kapag mas lalo pa s'yang nagkaroon ng masasayang alaala sa'yo."










Hanggang doon na lamang ang komunikasyon namin. Si Eric naman ay ayaw ring magsalita ukol sakanyang pamangkin. Ang laging sinasabi ni Eric ay pabayaan na lamang ang mga bata.










Nakakausap ko naman si Adam kahit papaano. Ang huling pag-uusap namin ay ang paghingi n'ya ng tawad sa akin. Masakit ngunit masarap sa pakiramdam na wala na akong dinadalang hinanakit mula noon.










"Pasensya na talaga," napangiti ako sa paulit ulit na paghingi nito ng tawad sa akin.










My First Crush Where stories live. Discover now