09: follow

19 1 0
                                        


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Bumalik ulit ako sa aming suite at iniwan doon si Adam. Maghahapon na at nangako ako na maliligo ako. Isinuot ko ang isang two piece pink floral swimsuit na binili sa akin ni tita Portia. May tali ito sa leeg at ang pang-ibaba naman ay parang cycling ngunit maikli. Hindi gaanong kita ang aking peklat kaya naman ito ang naisipan kong isuot. May cover up ako na see through color white blazer.





Lumabas na ako ng suite at nakita ko sila tita Portia at daddy na nasa tabing dagat at nagpapainit. Si Adam naman ay nagbababad sa tubig.





"Wow, ang ganda mo naman Tala," namamanghang sambit ni tita Portia. "Sabi na't bagay sa'yo 'yan!" Dagdag pa nito.





Napansin kong napatingin sa akin si Adam. Nang aking lingonin ay nagtama ang aming mga mata. Nakaramdam ako ng panghihina sa aking mga tuhod. Para bang umaatras na ako ngayon sa suot ko.





"Tara Tala! Pipicture-an kita!" Nakangiting sambit ni tita Portia. Kinuha n'ya ang camera sa kan'yang gilid. Kinuhaan n'ya ako ng mga litrato. Kung ano anong pose ang pinagawa n'ya sa akin. May nakaupo, nakahiga, nakatayo at meron namang kunwari daw ay candid.






"Napakaganda mo talaga Tala!" Natutuwang sambit ni tita.






"S'yempre, kanino pa ba magmamana iyan? Malamang ay sa akin," mayabang na sambit ni daddy.







Nagtawanan kami nila tita sa mga yabang ni daddy, kesyo noon daw ay sobrang maskolado n'ya at kung ano ano pa. Nagpaalam na ako kay tita na maliligo na. Sayang naman ang punta ko rito kung hindi ako maliligo.






Lalangoy na sana ako sa malalim na parte nang biglang may humawak sa bewang ko. Napalingon ako at nakita kong si Adam ito. Napatingin ako sa gwapo nitong mukha. Ang mahahabang pilik mata, ang matangos na ilong, ang makapal na kilay, at ang mga labi nitong mukang malambot.







"Dahan-dahan, tignan mo ang paligid mo. May dikya oh," sabay turo nito sa may bandang kaliwa ko. Inilayo n'ya ako roon at pinagsabihang na huwag akong lalayo sa pangpang dahil maraming mga jelly fish tuwing hapon hanggang gabi.







Nang pumatak ang ala-singko ng hapon ay umahon na kami. Babalik na kami sa aming suite para maghanda sa hapunan. Sa gilid ulit kami ng dagat kakain dahil masarap ang sariwang hangin plus ang view.







Ipinasa na sa akin ni tita ang mga pictures ko pagkarating namin sa suite. Namili naman agad ako doon ng i-a-upload sa IG at sa FB ko. Nangako kasi ako kay Merlyn na magpopost ako sa FB, at nangako naman ako kay kuya na mag-a-update ako sa IG. Ang balak ko lamang noong una ay mga tanawin lang ang aking ipopost pero sayang naman ang magagandang kuha ko kaya ayon na lamang.







Bukas ng umaga ay uuwi na rin naman kaagad kami dahil busy sa trabaho si daddy at tita Portia. Marami raw ang mga gawain lalo na kapag bakasyon.







Maya maya pa'y pumunta na kami sa dalampasigan para maghapunan. Ang nakahain sa amin ay mga sea food, hipon at crabs, at bbq. Gaya noong tanghalian ay ipinagbalat ako ni Adam ng hipon.







"'Di ko alam na bagay pala sa'yo ang pagiging morena Portialene," sambit ni daddy.







"Sa tingin ko'y mas bagay sa akin ang pagiging maputi kesa ganito," tugon naman ni tita.







Bagay nga naman kay tita ang pagiging morena. Sa tangkad at payat n'ya, kung hindi mo s'ya kilala ay mapagkakamalan mong dating beauty queen si tita. Matangkad din naman si daddy, hindi mo aakalain na may tatlong anak na ito. Nagpapabagets kasi palagi.







My First Crush Where stories live. Discover now