~~~~~~~~~~~~~~~~:<Years had passed. We were in grade 8 now. Hindi kami magkaklase ni Merlyn simula g7. Wala akong new friends buong high school life ko. Si Adam ay sa probinsya nila sa Bulacan nag-aral para samahan ang lola nila roon. Ang mommy naman n'ya ay tuwing weekends ay umuuwi roon.
Wala kaming communication ni Adam. Halos hindi na rin kami nag-uusap ni Merlyn. I feel so lonely again in my life. My brother is busy doing his law school life, and my father is busy with work. Tanging mga libro lamang ang aking nakakausap.
Ang mga kaibigan ni Aleeyah noon ay patuloy akong binubully. Hindi ko alam kung bakit pinapabayaan ko na lamang sila, siguro dala ito ng takot na baka may mangyaring masama sa buhay nila gaya ng mga nangyari kay Aleeyah. Tama, siguro nga.
One time ay kinulong nila ako sa CR ng boys. Kung walang pumasok doon ay walang makakaalam na nandoon ang loob at hinang hina. Salamat nalang sakanya. Wala akong makausap ni isa rito. Wala akong makasama.
Mas malaki ang high school... mas malaki, mas marami. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar... wala akong mapagsabihan na kahit sino. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari kay Merlyn. Alam kong nakikita n'ya ako. Alam ko iyon, pero ni minsan ay hindi n'ya ako tinulungan. Hindi tulad noon...
Mas malaki, mas masakit... kung noon ay excited pa akong mag high school, mukang ngayon ay hindi na. Wala akong makapitan. Free trial lang pala 'yong pakiramdam na hindi ka nag-iisa. Akala ko habang buhay na... akala ko lang pala.
Tuwing umaga'y nangangatog ang aking mga tuhod sa aking pagpasok. Takot. Matinding takot. 'Yan ang nararamdaman ko sa tuwing hahakbang ako palabas ng aming bahay.
Ngayong weekend ay pupunta ako mag-isa sa kaibigang doctor ni daddy. Hindi ko sinabi sakanila. Batid kong lahat ng tao sa paligid ko ay sobrang busy, kaya naman ako nalang ang bahala sa sarili ko.
"Hello doc," masayang bati ko. Gaya nang araw-araw kong pinapakita sa iba. Kailangan masaya ako. Kailangan...
"Hello Tala, how are you?" Doctor Hannah asked. She's pretty and young. If I'm not mistaken she's only 29. But she's not married nor in a relationship. I don't know why...
"I don't know how to answer that one doc," nakayukong sambit ko.
"That's fine, I'm a doctor. Please tell me what are you feeling, and don't lie to me ha?" She calmly said.
Pinaliwanag ko sa doctor. I'm having an anxiety according to her. But na lamang at malakas ang loob ko at 'di ako umabot sa mga suicidal thoughts. She also said that I should make new friends. Para na rin sa ikakabuti ng kalagayan ko. Actually gusto ko rin ng kaibigan, hindi ko lang alam kung gusto ba nila ako...
Umuwi ako ng bahay at naabutan ko si kuya na nagbabasa sa sala. Medyo makapal ang mga bond paper na may print na binabasa n'ya. May mga highlights na ito. Nang mapansin n'ya akong nakatingin sakan'ya ay bigla s'yang nagsalita.
"Saan ka galing?" Masungit na tanong nito habang inaayos ang reading glasses n'ya.
"D'yan lang nakipag meet kay Merlyn," nakangiting sambit ko. Nangunot naman ang kan'yang noo.
Bago pa s'ya magsalita muli ay nagpaalam na ako na mamamahinga sa aking kwarto. Alam kong masama ang magsinungaling pero ayoko naman na dumagdag pa sa iniisip nila.
Pagkapasok ko sa kwarto ay humiga ako sa kama. Overthinking eats me again. I don't know why I always overthink. It feels like, again, tomorrow, someone will bully me again. Bully me for being young, for being a bookworm, for having an eyeglasses and braces, and also about my past, about Aleeyah.
Tumayo ako bigla at pumasok sa banyo. Pinuno ko ang bathtub. I unclothed myself and put my self in the bathtub. I closed my eyes and then I don't know what happen next. Water heals me from everything... water is my savior...
I heard someone knocking the door of the bathroom but I don't have energy. I can't even open my eyes. I can't even say any word. I can't even breathe well.
"TALA! PLEASE OPEN THIS! MANANG WHERE'S THE KEY! I SAID FASTER!"
"ATHENA OPEN THIS PLEASE! PLEASE ATHENA,"
"We're sorry, open this my princess please!"
The last thing I feel was someone's carrying me. Someone's is also clothing me. I can't open my eyes. I can't do anything. I feel so tired... kailangan ko lang magpahinga... kahit ngayon lang...
~~~~~~~~~~
•LIGAYA•

YOU ARE READING
My First Crush
RandomHi! Welcome to Dream Series number 1. This story deals about different feelings of people. This story contains all the imagination of author, sometimes a chapter contains her own dream. So goodluck and happy reading! :)) This story came from my drea...