''Aaliyah Cher Juarez''
Tumayo ako at pumunta sa harapan. Kinuha ko ang test paper ko at bumalik sa pagkakaupo. Agad na lumapit ang mga kaibigan ko sa akin.
''Perfect ka?'' tanong ni Chelsy sa akin. Tumingin ako sa Testpaper ko at ngumuso. 100/100, perfect ako sa Math.
''Oo'' walang abog kong sabi.
Suminghap si Cynthia na nasa left side ko. Nakaupo si Chelsy sa may harapan ko at si Kyle naman ay sa right side ko.
''Sana all perfect sa Math. 50 lang kuha ko.'' malungkot na sabi ni Cynthia.
''60 nga lang akin'' sabi naman ni Kyle.
''Mabuti pa nga kayo may ganyang score'' mahinang sambit ni Chelsy. Napatingin kaming lahat sa kanya.
''Anong score mo ba?'' tanong namin sa kanya.
Nginitian niya kami. Iyong matamis. ''30'' sagot niya. Napatanga kaming tatlo.
Tangina. Ano bang ginagawa niya sa bahay nila at bakit ang baba ng grades niya?
''Bakit ang baba ng kuha mo?'' tanong ko. Bumuntong hininga siya.
''Kasi naman eh. Ang hirap kapag Varsity ka, dapat palaging nagpa-practice. Wala na akong oras makapag study'' rason niya pa sa amin. Napataas ang kilay ko.
Varsity kasi si Chelsy ng Volleyball, palagi siyang nag-eensayo lalo na ngayon na malapit na ang Intrams. Malapit na silang maglaro. Gusto ko nga ding sumali pero wala akong talent sports. Beauty and Brain lang ako.
Narinig namin ang pag ring ng bell kaya napatayo na kaming apat. Kinuha ko ang aking bag at mga gamit. Isinabit ko ito sa likod ko.
Lumabas kami ng classroom at naglakad sa Hallway. Habang naglalakad ako ay naglalakbay ang mga mata ko. Baka kasi makita ko si Diego, gusto kong humingi ng tawad sa kanya kasi simula nuong nangyari sa amin sa Canteen ay hindi ko na siya nakita.
''Guys, duon tayo sa Basketball court. Nanduon ang mga Basketball player natin. Practice kasi nila ngayon'' sabi ni Cynthia.
Napatingin ako kay Cynthia na nasa tabi ko.
''Tayo na'' agad kong sabi. Basketball Player kasi si Diego. Baka nanduon siya.
Pagpasok namin sa Basketball court ay nakita ko kaagad si Diego na nakaupo sa may Bench. Napangiti ako at kakaway na sana nang makita ko ang pamilyar na lalaki. Nawala ang ngiti ko nang magtama ang mga mata namin.
Si Kuya Abel...
Nakakunot ang noo nito at naka basketball attire. Mukhang practice din ata nila ngayon.
Sinundan ko ang tingin niya na papunta sa banda ni Diego. Nanghina ang tuhod ko dahil sa pag-igting ng panga niya. Galit ba siya?
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at ibinalik kay Diego. Ngayon ay nakita kong nakatingin na si Diego sa akin. Kumaway ako at kumaway din siya pabalik. Nawalan ng tinik ang puso ko. Akala ko ay galit siya sa akin. Hindi naman pala.
Lumapit ako sa kanya kasama sina Chelsy. ''Hey'' tawag niya sa akin.
''Kamusta laro?'' iyon ang lumabas sa bibig ko. Hindi ko alam pero parang hindi ko feel na makipag usap sa iba ngayon.
Nagkibit balikat siya ''Okay lang naman. Isang round nalang at okay na. Hinihintay nalang namin ang mga College na matapos'' sagot niya.
Tumango ako.
Tinapik niya ang espasyo sa tabi niya. ''Upo ka'' bigla niyang sabi. Nanlaki ang mata ko. P-Pinapaupo niya ako.
Sinenyasan niya ako. ''Come here, sit beside me'' sabi niya. Napaabante ako dahil sa tulak ni Chelsy.
BINABASA MO ANG
Abelino Pete Felixiano
NonfiksiTrigger Warning: Rape. [Male lead is a criminal.] Aaliyah Cher Juarez, a bratty poor girl. She's a beauty and brain. She has been just a happy girl with a big dream of being a photographer but it changes. Her world shift into a nightmare because of...
