Kabanata 14

4.7K 131 11
                                    

''Punta ka sa bahay ko ngayon, Ali. May ibibigay ako sayo'' sabi ni Chelsy habang nasa tawag kami.

''Maya-maya nalang. Hindi pa umaalis si Lolo'' sabi ko. Sabado ngayon kaya wala naman akong gagawin, mas maiging pumunta ako kina Chesly. Ayaw ko ding maiwan kasama si Abel dito sa loob ng bahay. Dalawang araw na siyang nandito, simula ng gabing iyon ay hindi siya bumalik sa Manila. Sabi niya may importante siyang gagawin duon?

Pumasok ako ng bahay at nakita si Abel na nakatingin sa akin habang kumakain sila ng Lolo. Nag-iwas kaagad ako ng tingin. Nakipag hiwalay na ako sa kanya at hindi parin kami nag-uusap ng maayos tungkol duon. Ayaw kong makipag-usap.

''Hindi ka ba kakain, Ali?'' tanong ni Lolo. Tumingin ako kay Lolo.

''Lolo punta po ako kina Chelsy ngayon. May ibibigay daw po siya'' paalam ko kay Lolo.

Tumingin si Lolo kay Kuya. ''Aalis daw ang kapatid mo, Abel. Samahan mo---''

''Huwag na po'' agap kong sabi. Unti-unting bumibilis ang tibok ng puso ko.

''Opo Lolo. Sasamahan ko siya'' sabi ni Abel gamit ang malalim niyang boses. Napapikit ako. Paano ko siya iiwasan kung palaging ganito ang eksena?

Pagkatapos nilang kumain ay umalis na kaagad si Lolo. Si Abel ay naghugas ng plato. Pumasok ako sa kwarto ko at nagbihis. Nakasuot ako ng cargo short na binili ni Chelsy sa akin last month. Pinarisan ko ito ng simpleng damit at nag sandal lang. Tinali ko ang buhok ko pagkatapos ay lumabas na ng kwarto.

Papalabas palang ako ay napatigil ako sa may pinto ko dahil kay Abel na nakaharang sa harap ko. Tumibok ng mabilis ang puso ko nang bigla niya akong yakapin at ibinaon ang mukha sa leeg ko.

''Ang bango naman ng Reyna ko'' malambing niyang sabi at mas hinigpitan pa ang yakap. Gusto ko siyang yakapin pabalik pero pinilit kong huwag. Hindi kami bagay, kailangan ko iyan ipasok sa kokote ko. Kahit anong gawin ko ay hindi kami magka level. Magiging pabigat lang ako sa kanya. Seryoso na siya, pero ako para sa akin lahat enjoy lang.

Huminga ako ng malalim at tinulak siya papalayo pero mas humihigpit pa ang yakap niya.

''Ayoko. Ayoko'' untag niya ng pabalik-balik habang umiiling. Naninikip ang dibdib ko sa ganito. Gusto kong umiyak pero ayaw kong makita niya.

''Bitaw, Abel'' bulong ko sa kanya. Parang wala siyang narinig sa sinabi ko.

''Kain tayo sa labas. Gusto mo punta tayo sa Jollibee?'' tanong niya. Tinutukso niya ako. Magpakatatag ka Ali. sabi ko sa sarili ko.

''Nag-usap na tayo, Abel. Sabi ko ayaw ko na'' may diin kong sabi para hindi ako madala ng emosyon ko.

''May sinabi ba akong papayag ako? Diba sabi ko mag-uusap tayo pero pilit mo akong iniiwasan.'' untag niya pa. Napakagat labi ako at nag-isip kung paano ko ba siya papalayin eh kahit siya ayaw. Ginagawa ko rin naman 'to para mawalan na siya ng pabigat.

''Diba dapat nasa Manila ka?'' tanong ko.

''Huwag mong ibahin ang usapan, Ali kasi sa bawat pag-iiba mo ng usapan nagsisinungaling ka sa akin. Meron ka pa bang tinatago sa loob mo?'' tanong niya na parang may gustong madali.

Huminga ako ng malalim. Mahigpit parin ang yakap niya sa akin. ''Wala akong tinatago sayo. Ang gusto ko lang ay makalaya na'' sabi ko sa kanya. Pilit kong sinasabi sa sarili ko huwag umiyak. Huwag kang iiyak Ali.

''Malaya ka naman ah. Hindi naman kita pinagbabawalan, sa paglapit lang sa lalaki kita pinagbabawalan kasi takot akong mawala ka sa akin. Iyon lang 'yon Ali pero kung gusto mong lumapit sa kanila okay lang sa akin promise. Huwag mo lang araw-arawin kasi masasaktan ako Ali. Masasaktan ako ng sobra-sobra'' aniya, ramdam na ramdam ko ang hinanakit sa boses siya. Nanduon ang sakit sa boses niya. Nasasaktan nadin ako.

Abelino Pete Felixiano Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon