''Huwag ka ng umiyak baby'' wika ko habang sinasayaw ang baby ko. Kanina pa kasi siya umiiyak, hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Gusto kong maiyak habang nakatingin sa baby ko na iyak ng iyak. ''Ano bang gagawin ni Mama para hindi ka na umiyak?'' malambing kong tanong. Alam ko namang hindi sasagot ang baby ko pero mababaliw na ako kapag hindi siya tumigil sa kakaiyak.
''Anong problema, Ali?'' tanong ni Tita Noela na bagong pasok ng kwarto.
Humarap ako kay Tita.
''Tita si Anthon ayaw tumigil sa kakaiyak'' mangiyak-ngiyak kong sabi. Ang sakit sa puso kapag nakikita mo ang anak mong umiiyak.
''Baka gutom na si Ton-Ton'' sabi niya. Ton-ton ang palayaw ng anak ko.
Ay oo nga pala.
Napaupo ako sa kama ng maingat dahil karga-karga ko ang anak kong iyak ng iyak. Binaba ko ang bestida ko at lumabas ang dibdib ko duon. Hindi naman ako nahihiya kina Tita Noela kapag pinapadede ko si Ton-Ton. Pusong babae din naman sila.
Pinadede ko si Ton-Ton at duon lang ito tumigil sa pag-iyak. Nawala ang pag-aalala sa puso ko. Gutom lang pala ang anak ko.
Napatitig ako sa mukha ni Ton-Ton. Hindi ko mapigilang mapaluha. Ang gwapo kasi ng anak ko eh. Kamukha ng Papa niya. Oo hindi na ako galit kay Abel kasi napatawad ko na siya, mas nangingibabaw ang saya sa puso ko ngayon at pagpapasalamat na dumating si Ton-Ton sa akin. Anak ko ang buhay ko at siya lang ang magiging buhay ko. Sa kanya iikot ang mundo ko.
''Anak, may dala akong Photo Album, binili namin ng Tita Carla mo'' sabi ni Tita Noela sa akin at umupo din sa tabi ko na may dalang plastic bag. Napaawang ang bibig ko sa saya, may lagayan na ng mga litrato si Ton-Ton. Marami narin kasi siyang larawan. Palagi kong kinukunan ng picture si Ton-Ton. Araw-araw.
''Salamat Tita'' sabi ko sa kanya.
Ngumiti si Tita at hinalikan ang ulo ko. ''Walang anuman, Anak. At sha! Maghanda ka na, akala ko ba ay ipapasyal mo si Baby Ton-Ton'' wika niya.
Ipapasyal ko muna si Ton-Ton. Pwede na kasi siyang lumabas ngayon. Tatlong buwan na ang anak ko kaya pwede na naman daw sabi ng Doctor.
Pagkatapos kong padedehin si Ton-Ton ay ipinasok ko na ito sa Baby Carrier. Nakatalikod siya sa akin. Pupunta kami ngayon sa Mall at sa Park para ipasyal siya.
Lumabas na kami ng kwarto at bumaba. Nakita ko sina Tita na may ginagawa, mukhang para sa Club yata. Sila kasi ang may-ari.
''Ta, alis na kami ni Ton-Ton'' paalam ko sa kanila.
Mabilis silang lumapit sa amin ni Ton-Ton at hinalikan ang baby ko sa pisngi.
''Ingat ka duon Baby, huwag masyadong makulit'' paalala ni Tita Carla na para bang naiintindihan na siya ni Ton-Ton.
''Picture muna!'' hiyaw ni Tita Noela, Tumagilid ako para makita ang mukha ni Baby sa camera at ngumiti.
Ang hilig talaga namin sa pagkukuha ng picture ng baby ko.
Hinatid kami ni Tita sa may Mall, babalikan niya nalang daw kami kapag papauwi na kami. Text ko nalang daw siya.
Pumasok kami sa mall at dumaritso sa Baby Store para mamili ng bagong damit ni Baby. Wala na akong pakealam sa sarili ko, ang iniisip ko nalang ngayon ay ang anak ko. Gusto ko siyang bigyan ng magandang buhay, ayaw kong magkulang sa anak ko kasi alam kong lalaki siyang wala ama.
Wala akong balak ipakilala ang anak ko kay Abel. Ayaw kong malaman ng anak ko balang araw kung anong ginawa ng ama niya sa akin. Sana maging sapat na ang pagpapatawad ko sa kanya para layuan niya ako, kami.
BINABASA MO ANG
Abelino Pete Felixiano
Non-FictionTrigger Warning: Rape. [Male lead is a criminal.] Aaliyah Cher Juarez, a bratty poor girl. She's a beauty and brain. She has been just a happy girl with a big dream of being a photographer but it changes. Her world shift into a nightmare because of...