Kabanata 7

5.5K 156 6
                                        

''Nakita ko nga rin silang magkasama nuong nag daang araw'' 

''Talaga? Sila ba?''

''Hoy, Ali!''

''Ali!''

Napalingon ako sa gawi nila Chelsy. Tinaas ko ang dalawa kong kilay ''Ano?'' tanong ko.

Hindi ko naman kasi naiintindihan ang pinagsasabi nila. Nasa ibang mundo yata utak ko ngayon.

Lumapit sila sa akin habang dala-dala ang walis at pampunas sa mga railings. Nililinis namin ang buong campus kasi nga suspended kami diba? Buti nga at suspended lang ako at hindi natanggal ang scholarship ko. Thanks to kuya Abel na hanggang ngayon ay nagkaka-ilangan parin kami. Mas mabuti pa nuon ay hindi kami nagpapansinan dahil hindi kami close pero ngayon ay hindi kami nagpapansinan dahil iniiwasan ko na siya hanggang sa makakaya ko.

They bend closer to me. ''Kalat sa buong University na may relasyon daw si Kuya Abel mo at si Patricia'ng higad na'yon. Totoo ba?'' tanong niya na nagpasikip sa puso ko.

Pakiramdam ko ay gusto ko nalang tanggalin ang tenga ko. Hanggang kailan ko ba ito maririnig? Araw-araw ko nalang naririnig ang news o issue tungkol kay Kuya at Patricia.

Wala namana kong pakealam...

Wala nga ba...

''D-diko a-alam'' pa-inosente kong sagot. Nagkatinginan si Chelsy at Cynthia, ibinalik kaagad nila ang tingin sa akin na parang naghihinala.

''Sagutin mo nga ako, Ali. Hindi ba kayo nag-uusap ng Kuya mo sa bahay niyo?'' tanong niya sa akin. Agad akong lumayo sa kanila at nag mop ulit kagaya ng ginagawa ko kanina. Nasa hallway kami ng 6th floor. Last na namin ito sa loob ng building dahil mamaya ay sa court na naman kami maglilinis. Sana naman ay walang practice sina Kuya ngayon. 

''Nag-uusap naman'' mahina kong sagot habang nagmo-mop.

Nakatalikod ako sa kanila.

''Eh bakit wala kang alam tungkol sa Kuya mo?'' tanong niya ulit sa akin.

May alam ako pero ayaw kong ilagay sa utak ko. Masasaktan lang ako.

Huminga ako ng malalim sabay harap ulit sa kanila. ''Gusto ni'yo bang matapos itong ginagawa natin o hindi? Puro kayo chismis, tulungan niyo naman ako'' kunwaring galit ako. Para matapos na ang mga tanong nila.

Lumabi lang silang dalawa. ''Okay, sana pala ay nadamay ko si Kyle para tayong apat.'' sabi ni Cynthia.

Sinapak ni Chelsy si Cynthia ''Gaga ka, gusto mo bang patayin ka ng Mama ni Kyle?'' 

Kamot ulo si Cynthia ''Sabi ko nga diba? Hindi. Ayaw ko pang mamatay'''sabi niya sa amin.

Napangiti ako. Lahat yata kami ay takot sa Mama ni Kyle. Bunganga palang nuon ay parang shutgun sa lakas. Puro ratatat.

''Ay oo nga pala, Ali'' Napatingin ako kay Chelsy. Ano na naman kayang ganap ang alam nito.

''Ano na naman?'' iritado kong tanong. Tinignan niya ako ulo hanggang paa na nakangiwi.

''Wow naman, high blood ka girl?''

Binato ko siya ng mineral bottle na napulot ko.

''Tangina naman kasi Chelsy. Ang daldal mo'' reklamo ko.

Nagbuga siya ng hangin na para bang hindi makapaniwala sa sinasabi ko. ''Gago ka ah! Tatanungin lang naman kita kung nililigawan ka ni Diego!'' sikmat niya sa akin.

Kumunot ang noo ko. Ha? Si Diego? Di naman ako nililigawan nun, at kahit ligawan niya ako alam ko naman wala naring chance. Inlababo na ata ako.

Putang ina, delikado 'to.

Abelino Pete Felixiano Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon