Kabanata 27

5.3K 141 5
                                        

Nagmamadali akong magluto para makaalis na ako. Nakalipat na pala ako sa condo ni Abel at nagsasama narin kami mahigit limang araw na at palagi ko siyang iniiwasan dahil naiilang ako. Hindi ako sanay na kasama siya sa bahay. Ilang taon narin ang nakalipas noong huling nagsama kami sa iisang bahay. Mukhang naninibago ako.

Kinuha ko ang plato sa may cabinet na wood. Pinagpapawisan ako dahil sobrang laki ng kusina ng condo niya. Maraming galaw ang kailangan. Inamoy ko ang niluto kong Adobong manok at nagluto rin ako ng Hotdog, itlog, bacon for this morning.

Ang sarap! sabi ko sa isip ko. Hindi ko talaga akalain na matututo akong magluto. Kasi noong ipinagbubuntis ko si TonTon ay nag ensayo akong mag luto.

Naramdaman kong may pumulupot sa may tiyan ko na kamay kaya nanigas ako. Biglaang pumasok ang iba't ibang klase ng paro-paro sa puson ko.

''Good morning...'' si Abel sa magaspang na boses.

Napalunok ako dahil ramdam na ramdam ko ang matigas nitong dibdib sa likod ko.

''G-Good M-Morning'' utal-utal kong sabi. Kahit may aircon ang buong condo ay nang iinit parin ako dahil sa lalaking 'to.

Napatagilid ang ulo ko ng isiksik ni Abel ang mukha niya sa may leeg ko. Napapikit ako dahil hindi ko na talaga kaya. Nakikiliti na talaga ang puson ko, lalo na ng maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko.

''A-Abel...''

''Hmm...''

''B-Bitawan mo ako, n-nagluluto ako'' sagot ko sa kanya. Matigas si  Abel dahil hindi niya sinunod ang sinabi ko. Mas isiniksik pa niya ang mukha niya sa leeg ko at pinahigpit pa lalo ang yakap.

Napakagat labi ako.

''I can't. Dapat talaga ay duon nalang kita pinatulog sa kwarto ko para hindi mo ako maiwasan. You've been avoiding me for 5 days, what's the problem, baby? Hmmm...'' aniya sa mapang-akit na boses.

Araw-araw nalang kaming ganito kaya pinlano ko kagabi na gumising ako ng maaga, magluto at umalis kaagad pero bigo ako dahil naabutan niya na naman ako.

Mukhang wala talaga  akong takas sa lalaking 'to.

''B-Busy l-lang a-ako at tsaka hindi tayo pwede sa iisang kwarto...'' mahina kong sabi. Napayuko ako.

Mahal ko siya kaya pumayag ako na mag live-in kami pero matulog sa iisang kwarto at gumawa ng kababalaghan ay iba na. Kahit galit ako kay Patricia ay may respeto parin naman ako sa kanya.

''Why not?'' tanong niya.

Mahina akong bumuntong hininga at sumagot. ''May fiancee ka na, Abel'' halos pabulong na ang boses ko. Ewan ko nga kung narinig niya pa iyon.

Gago talaga 'tong si Abel. Sobrang drama ko na tapos biglang sinimulan ang panghahalik sa leeg ko. Napasinghap ako nang bigla niya akong hapitin papaharap sa kanya. Nagtama ang mga mata namin nang magkaharap na kami. Seryoso ang mukha niya na parang hindi na gustuhan ang sinabi ko. Nanlaki ang mga mata ko nang buhatin niya ako at ibinaba sa Island counter. Nakatayo siya sa harap ko habang ako ay nakaupo sa Island counter . Napakabuka ang hita ko at ang katawan niya ay nasa pagitan nito.

''I love you, Ali'' sabi niya kaya napatingin tuloy ako sa mga mata niya. Sensiridad ay bakas na bakas sa mata niya. Mahal niya nga talaga ako...

''Mali 'to Abel...''

''Walang mali sa pagmamahal ko para sayo, Ali. Trust me on this okay? And I don't have a fiancee'' sabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay. Ayaw ko talaga kapag nagsisinungaling siya.

''Ano mo si Patricia? Yaya?'' sarkastiko kong tanong.

Mahina siyang natawa kaya napangiti ako. Gustong-gusto ko talaga ang mga mata niyang berde na bagay na bagay sa makakapal niyang kilay. 

Abelino Pete Felixiano Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon