We're going to stay for the night at our house in San Antonio. Pinagmasdan ko and buong kapaligiran habang nasa kotse kami at makikita kong madami ng nagbago.
''Nandito parin ba nakatira sina Chelsy?'' tanong ko kay Abel na nagmamaneho.
Gusto kong makita sina Chelsy para siguro mangamusta, ilang taon na ba ang lumipas? Apat o lima. Siguro ay succesful na sila, hindi kagaya ko na hanggang ngayon ay lumalaban sa buhay.
''They don't live here anymore, ang alam ko ay lumipat na sila sa Manila and your other friends also, Manang Bebang's family also, lumipat na sila sa Manila, kung saan nagtatrabaho sina Janine ngayon'' sagot niya. Napanguso ako, nalulungkot ako sa nalaman ko kasi mukhang wala na akong kaibigan na nandito sa San Antonio.
Si Diego kaya? Dito parin ba siya nakatira? Gusto ko lang kasi sanang mag sorry sa nangyari in the past noong umalis ako sa bahay nila tapos hindi pa ako nakapagpaalam.
Lumingon ako kay Abel, naka focus lang ito sa pagmamaneho.
''Si Diego?'' tanong ko. Nagulat ako ng biglang huminto ang kotse, muntikan akong mapasubsub sa harapan. Masama kong tinignan si Abel na madilim ang mukha.
Problema na naman ng isang 'to?
''Ano bang nangyayari sayo Abel?! Muntikan na tayong---'' naputol ang sasabihin ko nang magsalita siya.
''Still thinking about that goddamn boy, huh'' malamig niyang wika habang nakaharap parin sa daanan. Natahimik ako, nagseselos na naman ang isang 'to.
''Selos ka?'' mapanudyo kong tanong, para sana maibsan ang inis sa mukha niya.
Umigting ang panga niya kapagkuwan tumingin sa akin. Napalunok ako nang makita ang matutulis niyang mga mata na para bang nagkasala ako.
Bumilis din ang tibok ng puso ko. Patay ako nito.
''Who's not gonna be jealous, huh? You're girlfriend just mentioned her crush before, crush mo siya diba?'' malamig niyang tanong.
Napahilamos ako ng mukha. Seloso talaga nito, anong crush eh siya nga naging jowa ko dati.
''Hanggang ngayon ba big deal parin 'yan sayo?'' tanong ko sa kanya.
Kumunot ang noo niya. ''Anong magagawa ko eh mahal kita?'' aniya.
Mas tumibok ng mabilis ang puso ko dahil sa sinabi niya. Andali lang talaga para sa kanya na pakiligin ako. Ako naman si gaga, kilig na kilig.
Bumuntong hininga ako. ''Abel naman... Sino ba naging jowa ko dati?'' kalmado kong tanong sa kanya. Lumabi siya na para bang na realize ang sinasabi ko.
''Ako'' pa cute niyang sabi. Dahil sa ginawa niya ay mas naging cute siya sa paningin ko.
''Sinong first ko?'' tanong ko na naman sa kanya.
Nakita kong mas ngumuso siya kasama ng pag kislap ng mga mata niya. ''Ako rin, ako rin first boyfriend mo, ako rin ang first na lalaki na nakasama mo sa isang bahay, ako rin ang first na lalaki na sinabihan mong I love you'' saad niya pa sa akin.
Napangiti nalang ako.
Hay nako naman, Abel.
Nameywang ako ''O eh bakit nagseselos ka?'' tanong ko sa kanya.
Nagkibit balikat siya. ''Mahal nga kasi kita'' nahihiya niyang pang sinabi at kinalabit pa ang braso ko.
Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko sa ginawa niya, para kasi siyang babaeng tinutudyo. Bakla ata tong mahal ko.
''Nababakla ka na ba, Abel?'' tanong ko pero biro lang. Sa laki ba naman ng ano niya, imposibleng maging bakla siya no!
Nawala ang ngiti sa labi niya at napalitan ng mukhang naguguluhan. ''What?!'' untag niya.
BINABASA MO ANG
Abelino Pete Felixiano
Non-FictionTrigger Warning: Rape. [Male lead is a criminal.] Aaliyah Cher Juarez, a bratty poor girl. She's a beauty and brain. She has been just a happy girl with a big dream of being a photographer but it changes. Her world shift into a nightmare because of...
