Kabanata 9

5.4K 147 3
                                        

''Ali, hinihintay na tayo ni Manang Bebay'' sabi sa akin ni Kuya Abel.

Nakasandal siya sa may pinto ng kwarto ko habang hinihintay akong matapos. Inaayos ko pa kasi ang mga gagamitin ko para mamaya sa cheerleading. Hinihintay na kami nina Janine dahil si Manang Bebay ang mag-aayos sa amin.

Sandali kong binalingan si Kuya at ibinalik kaagad ang mata sa inaayos kong damit. ''Kuya, mauna ka'' sabi ko sa kanya.

Gusto kong sumabay sa kanya pero nahihiya ako, baka matagalan ako.

Minabilis ko ang pag-aayos ng gamit ko nang makita ko si Kuya na umupo sa kama ko. Nang simulang mag init ang katawan ko. Umupo talaga siya sa kama ko no?

''Hihintayin kita, sabay na tayo'' sabi niya sa akin. Kanina pa niya 'yan sinasabi na hihintayin niya ako. Pwede namang mauna nalang siya. 

Hindi nalang ako kumibo at mas pinabilis ang pag-aayos. Nang matapos ako ay binuhat ko kaagad ang bag ko pero kaagad itong nakuha ni Kuya. Pagkakuha niya ay tumayo na siya.

''Ako na ang magdadala nito, alis na tayo'' sabi niya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. Napatingin ako sa kamay naming dalawa.

Pinapabilis niya talaga ang tibok ng puso ko.

''May problema ba?'' tanong niya sa akin na nagpatingala sa akin para matignan siya. Pinigilan kong magsalita, gusto kong sabihin na Oo ang laking problema ng ginagawa niya sa akin. Pinapaasa niya ako.

Umiling ako ''W-wala'' mahina kong sagot.

Magkahawak ang kamay namin hanggang sa paglabas ng kwarto. Nakita namin sabay si Lolo sa may pinto, papasok. Gusto kong kunin ang kamay ko pero mas humigpit ang kapit ni Kuya dito. Alam ko namang walang malisya ito kay Lolo.

''Lolo, alis na po kami'' paalam ni Kuya kay Lolo.

''Bantayan mo kapatid mo, Abel'' ani ni Lolo kay Kuya Abel. Tumango si Kuya Abel.

''Opo, Lo'' 

''Oo nga pala, kaninong Motor iyong nasa labas?'' biglang tanong ni Lolo na nagpakunot ng noo ko. Motor?

Napatingin ako kay Kuya na nakatingin din sa akin. Sabay kaming nag-iwas ng tingin. 

''Hiniram ko po kay Manang Bebay, Lolo. Para po hindi na mapagod si Ali'' sagot ni Kuya. Gusto kong pomrotesta.

Asus! Gusto niya lang ulit yakapin ko siya! Pa hard to get pa talaga parang babae.

''O siya, umalis na kayo at baka mahuli pa kayo sa laro mo. Ingat kayong dalawa at galingan mo Abel ha?'' paalala ni Lolo kay Kuya.

Sumagot si Kuya at lumabas na kaming dalawa.

Binitawan niya ang kamay ko at inayos ang motor. Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko nababasa kung anong nasa isip ni Kuya pero pakiramdam ko ay nakakapasok na ako, sana. Alam na alam ko kung anong magiging consequences kung sakali mang ipilit ko ang nararamdaman ko.

Masasaktan  si Lolo. May masasaktan kami pero hindi ko kayang ipagpalit ang nararamdaman ko para kay Kuya duon. 

In love na yata ako sa kanya.

''Baka matunaw na ako sa mainit mong tingin, Ali'' Napabalik ako sa huwisyo nang marinig ang boses niya.  Tinignan ko siya at naabutan kong nakatingin siya sa akin habang nakangiti. Good mood yata. ''May gusto ka bang sabihin?'' tanong niya.

Wala akong gustong sabihin pero may gusto akong tanungin kung ano ba 'tong ginagawa namin. Kahapon ay kumain kami na kaming dalawa lang at sinabi niya na tanggap niya na may gusto ako sa kanya.

Abelino Pete Felixiano Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon