Kabanata 11

5.4K 132 14
                                        

''Chance ball!''

''Libero!''

''Kai!''

''Takbo Chelsy!''

''Middle blocker!''

Napaka ingay ng buong court dahil sa naging practice ng mga volleyball team. Nanonood ako sa kanila habang pasilip-silip sa cellphone ko. Ayaw kasi akong tigilan ni Abel sa kaka-text. Gusto niyang malaman kung nasaan ako bawat minuto. 

Wala si Abel dito sa school ngayon. Nanduot siya sa Manila. Limang araw na simula ng naging kami at apat na araw ko na siyang hindi nakikita. Sabi niya ay uuwi siya ngayon pero hindi naman siguro sigurado. Syempre pagod siya sa pag-aaral, madodoble pa kung uuwi siya. Oras ang byahe. Apat na oras.

''Team Green, panalo!'' sigaw ng coach nila Chelsy. Nakipag-usap si Chelsy sa mga ka grupo niya bago pumunta sa akin. Niligpit ko ang aking gamit nang makalapit na si Chelsy na basang-basa ng pawis.

''Hey'' tawag niya sa akin sabay upo sa tabi ko. Kinuha ko ang towel sa bag niya na katabi ng bag ko at ibinigay sa kanya. ''Salamat'' sabi niya at kinuha ang towel

''Ganda ng laro ni'yo ah!'' puri ko sa kanya sabay tingin sa mga ka grupo ni Chelsy.

''Alam mo naman, may laro sa Intramurals tapos may semi final din kami na kailangan panalunan next month.'' sabi niya sa akin. Oo nga pala, labanan na ng iba't-ibang school next month kaya mukhang magiging busy na si Chelsy at ganuon na din si Kyle. Si Cynthia naman ay alam kong magiging busy din dahil kasama ito sa chess tournament.

Napatingin ako kay Chelsy ''Nakakapagod bang maging Varsity?'' tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

''Hindi nakakapagod kung gusto mo ang ginagawa mo, Ali. Ang mga Varsity napapagod pero hindi susuko. Magagaling kami sa iba't-ibang aspekto kaya alam kong walang susuko at mapapagod. Oo nga pala bakit nga pala hindi sumali si Abel sa Varsity eh pwede naman siyang makakuha ng scholarship dito. Magaling siyang maglaro ng Basketball. Nabalitaan ko rin na dapat magiging regular siya pero ayaw niya. May scholarship na daw siya'' sabi niya sa akin.

Oo nga no? Magaling si Abel sa Basketball at kapag naging Varsity siya ay may scholarship naman siyang makukuha, matutulungan din naman siya ng varsity na makapasok sa ibang school na gusto niya.

Nagkibit balikat ako ''Iyan ang gusto niya. Nakakuha na naman siya ng scholarship sa isang Med school'' sabi ko. Tumango lang si Chelsy pero malalim parin ang iniisip at parang may gustong itanong.

Mahina ko siyang hinamapas sa balikat. ''Sige na, tanongin mo na ako. Nahiya ka pang kumag ka'' sabi ko sa kanya. Napatawa siya kaya napatawa rin ako pero biglang sumeryoso ang mukha niya.

''Diba sa December pa ang Graduation ng Kuya mo?'' tanong niya. Napaisip ako. Hindi ko masyadong alam iyon pero mukhang sa December nga, iyon ang balita-balita na graduation na ng college sa December.

''Baka, hindi ko alam'' sagot ko. ''Bakit?'' Napapansin kong may mas malalim pa siyang iniisip at gusto ko iyong malaman.

''Kasi naman... hindi ka pwedeng mag-aral sa ibang school lalo na't wala ka pang diploma so paano siya nakapasok? Diba scholar kayo? Mas lalong mahigpit dahil hawak kayo ng University natin'' 

Natigilan ako sa sinabi ni Chelsy at inakyatan ng kakaibang kaba sa puso. Oo nga... Hindi ka pwedeng makapag-aral kung wala ka pang diploma... Paano nangyaring---

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon at iniisip pero nararamdaman kong may tinatago si Abel. 

Biglang pumasok si Patricia sa isip ko. Para akong nakulong sa isang kwartong wala tao sa kaisipang magkasama sila duon at wala talagang nangyayaring pag-aaral. Kung nagsi-sinungaling si Abel tungkol sa scholarship, ibig sabihin magkasama sila ni Patricia duon at iba ang ginagawa.

Abelino Pete Felixiano Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon