''Ali, may pupuntahan ka ba mamaya?'' tanong ni Chesly sa akin. Napaisip ako.
Pupuntahan? Wala naman, uuwi lang ako at magpapahinga pagkatapos.
''Wala naman, bakit?'' tanong ko sa kanya.
Nandito kami ngayon sa court, practice ng mga volleyball player ngayon, pagkatapos naman ay mga basketball player na ng college.
Napatango lang siya. ''Okay, wala naman. Magpapasama kasi si Samuel sa mall, gusto sana kitang isama''
Binigyan ko siya ng makahulugang ngiti. ''Okay na kayo?'' pilyo kong tanong. Inikutan lang niya ako ng mata.
''Hindi ko gusto girl. Pinilit lang ako ni Daddy na samahan ang galunggung na 'yon. Kung pwede ngang umayaw ay umayaw na ako'' sabi niya sa akin.
Binalik ko ang mga tingin ko sa mga Volleyball player. Napaawang ang labi ko nang makita ko ang isang magandang babae na ini-spike ang bola. Tumayo yata lahat ng balhibo ko, pakiramdam ko kung ako ang papalo ng ganuon kalakas ay baka mabali ang kamay ko.
''Magaling diba?'' tanong ni Chelsy na nagpakuha ng atensiyon ko.
Napatingin ako kay Chelsy na katabi ko. Tumango lang ako. Nakangiti si Chelsy habang nakatingin sa babae. Binalik ko ang tingin ko sa mga babae.
''She's Juno, our middle blocker. Ang pinaka magaling pumalo ng bola sa amin'' sabi niya pa.
Ang galing nilang maglaro. Nakakabagsak panga. Gusto ko ring maging varsity eh, hindi lang dahil sa benefits kung hindi dahil pakiramdam ko ay masaya. Ang problema nga lang ay wala akong talent sa mga sports. Utak lang talaga at attitude ang kaya kong ibigay.
''Guysssss!!!'' Nahagip ng isang malakas na boses ang atensyion ko. Napatingin ako sa may gate ng court at nakita si Cynthia. Napatingin ako sa likod niya at nakita si Diego. Biglang pumasok sa isip ko iyong nag-usap kami ni Diego sa cellphone. Oo nga pala. May sasabihin nga pala siya, ewan ko lang kung natatandaan pa niya.
Tumayo kami ni Chelsy at sinalubong si Cynthia. ''Musta?'' tanong ko sa kaibigan ko. Ilang araw din kasi kaming nagkahiwalay dahil puro sila busy.
''Okay lang naman, maganda parin naman ako. Oo nga pala nandito si Diego'' sabi niya sabay higit kay Diego.
Nagkatinginan kami ni Chelsy. Kailan pa 'to sila naging close?
''Hi, Chelsy and Ali'' bati ni Diego. Kumaway kaming dalawa ni Chesly.
''Hi din'' bati ko. Napatingin ako kay Cynthia na napaka wide ng pagkakangiti. Problema nito?
''Baliw ka na ba, babae?'' tanong ni Chelsy kay Cynthia. Nakangiti parin si Cynthia habang umiiling. Nakatingin parin sa akin. Nakakatakot siyang tignan.
''Gusto kang i-date ni Diego, Ali'' biglang sabi ni Cynthia. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
''Cynthia, hinay-hinay lang. Ako ang nahihiya eh'' sabi ni Diego sabay kamot sa buhok
''Ayy oo nga pala. Sorry'' ani ni Cynthia at tumahimik na.
''Uy crush mo niyayaya ka'' si Chelsy sabay siko sa akin. Napangiwi ako.
Date? Kung alam lang nilang may boyfriend na ako. Paano ko ba naman kasi 'to sasabihin sa kanila? Baka mabigla sila kapag nalaman kung sino ang boyfriend ko. Sa susunod ko nalang sasabihin.
Tumingin ako kay Diego na lumapit sa akin. ''Ali, ahm... Diba sabi ko may sasabihin ako sayo? Ahmm kasi...'' para siyang batang takot magsalita. Napanganga ako habang hinihintay ang sasabihin niya.
''Sabihin mo na....'' magiliw na sabi ni Cynthia.
''Ano kasi.. Can i invite you for a date?'' tanong niya sa akin. Hindi pa ako nakakasagot nang biglang tumunog ang phone ko sa jogging pants na suot ko. Natahimik silang tatlo. Kinuha ko sa bulsa ko ang aking cellphone at tinignan kung sino ang tumatawag. Si Abel...
BINABASA MO ANG
Abelino Pete Felixiano
ספרות לא בדיוניתTrigger Warning: Rape. [Male lead is a criminal.] Aaliyah Cher Juarez, a bratty poor girl. She's a beauty and brain. She has been just a happy girl with a big dream of being a photographer but it changes. Her world shift into a nightmare because of...