Kabanata 18

4.7K 129 11
                                    

''Ang bilis mong lumaki anak'' bulong ko habang hinahaplos ang aking umbok na tiyan. Siyam na buwan na akong buntis at sa bawat araw na dumaan ay masaya ako. Hindi ako nakaramdam ng sakit at pighati dahil sa anak kong nabubuhay sa tiyan ko. Malapit na akong manganak pero sabi naman ng Doctor ay next month pa due date ko.

Narinig ko ang katok sa pinto. ''Ali, lumabas ka na at check-up mo na'' paalala ni Tita Noela sa akin.

Nagmadali kong kunin ang cellphone ko at ang sling bag ko.

Check-up ko ngayon sa Doctor ko. Malaki nga ang pagsasalamat ko kasi sina Tita ang gumagastos pero tumutulong din naman ako. Nagtatrabaho ako sa club nila bilang isang waitress, ayaw nga ni Tita Carla eh pero talagang pinilit ko. Ang panget naman kasi puro asa ako sa kanila.

''Papalabas na Tita'' sabi ko at tumayo sa kama ko. Lumabas ako ng kwarto. Bumaba ako ng hagdan at nakita ko kaagad sina Tita na nag-aayos.

Hindi ko alam kung paano ko sila mapapasalamatan, buong buhay ko silang tatanawan ng utang na loob. Sila ang tumulong sa akin sa buong pagbubuntis ko at sa pag-ahon ko. Ano ba naman kasing alam ko sa pagiging ina eh napaka bata ko pa. 17 years old palang ako at nag-aaral, oo nga pala nakalimutan kong sabihin na sila din ang nagpapaaral sa akin. May special treatment kasi ang school dito para sa mga batang nabuntis. Hindi ka talaga mahihiya kasi mga classmate mo din buntis.

''Halika na Hija, check-up mo na'' sabi ni Tita Carla. Nakatingin lang ako sa kanila ni Tita Noela, ganito ako palagi, nakatingin lang kina Tita at iniisip kung paano ba sila papasalamatan. Ayan tuloy, naiiyak na ako.

''T-Titas, salamat po ha? Marami pong salamat'' Napayuko ako nang tumulo ang luha sa mga mata ko. Ang bubuti talaga nila at hinding-hindi ako magsasawa ng sabihin iyon.

Maingat akong hinila ni Tita papayakap. Nang mayakap niya na ako ay hinagod niya ang likod ko. ''Huwag kang umiyak baka umiyak din ang pamangkin ko, Ali. Halika na at magpa check up na tayo, diba sinabihan na kita? Na may malaki akong ipon at lahat iyon ay para sayo?'' sabi niya pa.

Sympre hindi ko 'yon makakalimutan, duon talaga ako napaluha nang sabihin iyon ni Tita Carla. Iyong pera niya na ipon ay para sana sa kapatid niya pero namatay ito kaya hindi niya na nagamit, pinangako niya daw kasi sa kapatid niya na gagamitin niya ito para sa mga babaeng nangangailangan ng tulong, lalo na sa mga babaeng ginahasa at isa na ako duon.

''Halika na nga kayong dalawa, ang drama ninyo'' sambit pa ni Tita Noela. Napatawa kaming dalawa ni Tita.

Pagdating namin sa clinic ni Dra. Zamora ay pumasok na kami at humiga narin ako sa may hospital bed. Sinimulan na niya ang check-up. Tumibok ng mabilis ang puso ko nang marinig ko na naman ang tibok ng puso ng anak ko.

''Hear that Mommy? It's your baby, si baby boy'' sabi ni Dra na nagpatulo ng luha ko.

''Excited na akong makita ang pamangkin natin Noela'' masayang sabi ni Tita Carla kay Tita Noela. 

Excited na din akong makita ka anak, naghihintay si Mama sa pagdating mo. 

Alam kong magiging mahirap ang buhay ko kapag pinanganak ko si Anthony. Mahirap pero kakayanin ko para sa anak ko. Hindi ko man alam kung anong bukas ang haharapin ko pero sisiguraduhin kong hinding-hindi ako magkukulang sa pagbibigay ng pagmamahal sa anak ko. 

Ang hirap maging batang ina kasi wala ka pang nararating sa buhay ay nabuntis ka na, pero hindi iyon kahulugan na hindi ka na makakabangon sa buhay, meron pang mga tao diyan natutulungan ka ng walang kapalit kagaya nalang nina Tita Carla at Noela.

Pagkatapos ng check-up namin ay dumaritso na ako sa Club. Sinuot ko ang Apron ko pang waitress at nag serve na ng mga inumin. 

''Here's your drink, Sir'' sabi ko sa isang grupo ng mga lalaki at inilapag ang kanilang unimuin. 

Abelino Pete Felixiano Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon