Kabanata 32

4.8K 141 19
                                        

''Are you sure it's just your parents?'' tanong ko ulit. Alam kong naiinis na si Abel sa kakatanong ko. Kinakabahan ako, sana naman ay wala duon ang Kuya niya.

Not now, God. Let me have some time to make Abel feel that I love him so much...

Bumaling sa akin si Abel na nagmamaneho. Nakakunot ang noo niya.

''Why are keep on asking?'' malamig niyang tanong sa akin. 

Napatikhim ako at umiwas ng tingin. 

''W-wala l-lang'' kabado kong sagot.

Napahaplos ang isang kamay ko sa kabilang braso ko dahil sa ginaw ng aircon. Jumpsuit na wrap style and a platform heels ang suot ko kaya madali lang akong ginawin.

Giniginaw ako sa lamig ng sasakyan at sa ugali ni Abel ngayon. Alam kong hindi niya pa pinapatawad. Nasasaktan ako hanggang ngayon pero ano bang magagawa ko eh kasalanan ko naman...

''Are you keeping something from me, Ali besides the pills?'' intriga niya sa akin.

Napatingin ako kay Abel at duon ko napagtanto na nakatingin pala siya sa akin gamit ang mapang hinala niyang mga mata.

Napalunok ako kasabay ng lumalakas na tibok ng puso ko.

''N-Nothing!'' mabilis kong sabi. Umigting ang kanyang mga panga na para bang hindi siya kombinsido sa sagot ko.

Naging tahimik kami sa loob ng kotse hanggang makarating kami sa isang Restaurant. Bugbog na ang puso ko dahil sa kaba. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung tatakbo ba ako papaalis dito o sasama kay Abel.

''Let's go. They are waiting for us'' malamig niyang sabi. Napabuntong hininga nalang ako. Kailangan ko talagang sumama dahil kung hindi ay baka mas magalit sa akin si Abel.

Umikot si Abel sa may pinto kung saan ako lalabas. Binuksan niya ito at ako naman ay lumabas. Hindi ako makaayos ng tayo dahil sa kaba, nanginginig ang buong tuhod ko.

Pumasok kaming dalawa ni Abel sa loob ng Restaurant at pumunta sa isang VIP Room. Bumungad sa akin ang nagtatawanang mga tao.

Nakita ko si Patricia na may kausap na matandang babae na may katabing matandang lalaki. Tumikhim si Abel para makuha ang atensiyon ng lahat. Napatingin silang lahat sa amin, halos gusto ko ng lumubog sa kinakatayuan ko.

''Son...'' tawag ng matandang lalaki kay Abel. Kitang-kitang may edad na ang mga magulang ni Abel. First time ko silang makita. Nakakamangha kasi ang gwapo at ganda ng mga magulang niya. Kitang-kita ko ang berdeng mata ng Mama ni Abel. Duon ata namana ni Abel ang mata niya.

''Good evening, Mom, Dad and also to you, Patricia...'' bati ni Abel sa mga tao sa loob. Napahawak ako sa braso ni Abel. Nakita kong tumaas ang kilay ng Mama niya sa ginawa ko kaya binawi ko ulit ang kamay ko pero ibinalik ulit ni Abel kaya pinatili ko nalang na ganuon.

''Have a seat, Pete...'' sabi ng Mama ni Abel.

Naglakad kami papalapit sa mga lamesa kung nasaan silang tatlo. Hindi ko man tinitignan si Patricia ay alam ko ng matalim na ang tingin niya sa akin. 

Pagkaupo naming dalawa ay agad na nagsalita ang Papa ni Abel.

''Mind us to tell who's this beautiful woman beside you, son?'' panimula ng Papa ni Abel. Napangiti ako at nabawasan rin ang kaba sa puso ko kasi mukhang mabait naman ang Papa niya, ewan ko lang sa Mama niya.

Hinawakan ni Abel ang kamay ko na nasa may hita ko. Tinignan ko si Abel na nakangiting nakatingin sa akin. Tumango lang ako at ngumiti rin. Tumingin siya sa mga magulang niya.

Abelino Pete Felixiano Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon