Kabanata 15

5.3K 145 9
                                    

This chapter might contain abuse, assault and explicit scene. This is not suitable for young readers so please skip this chapter. Thank you and God bless.

''Inungol kasi lahat kagabi eh'' sabi ni Chelsy na nasa tabi ko nakaupo. Tapos na ang laro ng mga volleyball player, nanonood nalang kami ng Basketball. Naglalaro ang mga high school.

Bumuntong hininga ako.

''Excuse me? Hindi ko inungol lahat'' salungat ng ka teammate ni Chelsy.

''Ah talaga kaya pala wala ka ng halos boses, pinaungol ka ba masyado ha? Yiv?'' sarkastikong tanong ng isa pang teammate ni Chelsy. Ewan ko ba kung bakit sila nagagalit eh panalo naman sila.

''Yiv tigilan mo pagiging malandi mo'' sabi na naman ng isang ka teammate ni Chelsy.

Tumayo ang babaeng nagngangalang Yiv at humarap sa mga ka teammates niya. Nakatingin lang ako sa kanila. Out of place na yata kami ni Cynthia.

''Aba'y Chelsy, Ran at Cielo para namang natalo tayo ah!'' sikmat nito sa mga ka grupo. Nagkibit balik si Chelsy.

''Muntikan dahil hindi ka namin halos marinig, inungol mo kasi lahat kagabi'' reklamo ng babae na sa pagkakakilala ko ay si Ran.

''Putang ina mo, Ran'' malutong na sabi ni Yiv.

''Tangina mo rin, 3000 times pabalik'' pabalik naman sabi ni Ran.

''Huwag mo nalang silang pakinggan, Ali, Hayaan mo na'' bulong sa akin ni Chelsy.

Ibinalik ko nalang ang atensiyon ko sa mga naglalaro. Magagaling ang mga High school Basketball player namin.

''Pinayagan ka ba ng Kuya mo?'' bulong ulit ni Chelsy. Napalingon ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Nakakahiya kung sasabihin kong hindi, hindi naman talaga kasi ako pinayagan.

Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Abel. Natatakot ako sa kanya, sa banta niya sa akin.

Napukaw ang atensiyon ko nang sumigaw si Chelsy ''Panalo tayo! Double win! Let's go and have some party tonight!'' sigaw nito. Napangiti ako at napatingin sa grupo nina Diego.

Pagkatapos ng laro ay lumabas na kami ng court pero napahinto kami nang pumasok ang mga Basketball player ng college department. Alas tres na ng hapon at ngayon ang laro ng mga College. Pupunta muna kami ni Chelsy sa Supermarket para daw mamili ng mga alak. Hindi naman ako iinom. Sila lang naman. Ang tanong ko rin, makakabili ba kami eh Menor de edad kami.

Napatingin ako kay Samuel na ngayon ay nakahawak na sa pulsuhan ni Chelsy. Seryosong-seryoso ang mukha ni Samuel.

''Bitawan mo nga ako, anong problema mo?'' asik ni Chelsy kay Samuel.

''Where are you going?'' tanong ni Samuel kay Chelsy. Nakatingin lang ako sa kanila habang sila ay mukhang sasabog na. Ngayon ko lang nakita si Samuel na napaka seryoso. Lumaki akong palaging nakikita si Samuel na nakangiti kasi kaibigan siya ni Abel pero ngayon parang hindi ko siya kilala. Napaka seryoso niya.

''Pake mo? Let go, you bastard!'' sigaw ni Chelsy. Nakatingin na sa amin ang ibang studyante at ang mga players na papalabas at papasok.

Bumuntong hininga si Samuel at tumabi kay Chelsy. ''Anong ginagawa mo?'' nagtatakang tanong ni Chelsy. Tumingin si Samuel sa mga ka teammates.

''Kayo nalang ang maglaro'' Nagulat kaming lahat sa sinabi ni Samuel sa mga ka grupo niya. Walang umalma sa mga ka grupo nito kahit alam ng lahat na kung wala si Samuel ay malaki ang posibilidad na matalo sila.

''Gago ka ba?'' tanong ni Chelsy. Tinignan siya ni Samuel at nginitian..

''Hindi ako maglalaro kapag hindi ka papasok sa loob ng Gym'' banta ni Samuel. Napaawang ang bibig ko. Alam kong may kailangan akong gawin, hindi pwedeng panaorin ko lang sila.

Abelino Pete Felixiano Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon