Kabanata 2

6.5K 192 15
                                    

''Ali, tawagin mo ang kuya mo. Kakain na tayo, kunin mo na iyang mga libro mo diyan sa lamesa.''

Bumuntong hininga ako at ibinaba ang aking ballpen sa may libro na nasa lamesa sabay tanday ng ulo sa may lamesa. Bakit ako eh nandiyan lang naman si Kuya labas. Pwede namang si Lolo nalang ang tumawag. Ako pa talaga ang inutusan, eh hindi nga ako nuon pinapansin.

''Hay...'' Gusto ko nalang humiga sa kama ko at matulog magdamag. 

''Ano ba Ali! Inuutusan kita!'' Napaupo ako ng maayos dahil sa sigaw ni Lolo. Lolo naman eh.

Napakamot ako sa ulo ko at tumayo na. ''Opo'' mahina kong sagot. Kinuha ko muna ang mga gamit ko sa lamesa at ipinasok sa kwarto ko. Lumabas ako at dumaritso sa may Tindahan ni Manang Bebay.

Pagdating ko duon ay nakita ko si Manang na nagluluto.

''Manang!'' tawag ko at sabay takbo papalapit sa kanya. Tumingin sa akin si Manang, mukha nakuha ko ang atensiyon niya.

''Hi, Ms. Beauty'' Napalingon ako kay Budoy, nakakaasar! Ang panget naman!

Nginiwian ko siya. ''Tumahimik ka nga'' aniko sa kanya.

Sinamangutan niya ako. ''Ang sungit mo, Ali!'' sikmat niya sa akin.

Inirapan ko siya. ''Duh! Maganda naman!'' asik ko pa sa kanya.

Hindi na siya sumagot at kumain nalang ulit kaya humarap ulit ako kay Manang.

''Anong sa atin, Ali?'' tanong niya sa akin. Ngumiti ako kay Manang. Dapat maging mabait ako sa kanya dahil amo siya ni Kuya. Syempre ayaw ko namang mawalan ng trabaho ang Kuya ko no! Hindi naman iyon mawawalan, sino ba naman gustong mawalan ng gwapong trabahante? Diba?

''Manang, saan po si Kuya Abel?'' tanong ko sa kanya.

''Aba'y umalis kanina at pumunta sa construction site daw, pinatawag ng Boss niya para tumulong duon'' sagot ni Manang.

Napatango nalang ako. Ang sipag ni Kuya kahit linggo tumatanggap ng trabaho. Sabagay sahod niya ngayon kaya dapat magpakitang gilas.

''Salamat, Nang'' aniko at bumalik na sa bahay. Hindi ako pupunta sa construction site no! Para lang tawagin si Kuya. Maabog duon. Baka masira pa beauty ko. 

Ah! Oo nga pala! Hindi pala masisira ang beauty ko kasi Natural beauty ako. Hindi kagaya ng Patricia na iyon. Maganda naman siya pero ang kapal palagi ng make-up niya, kasing kapal ng mukha niya kapag lumalapit kay Kuya na kulang nalang ay magpabuhat.

Naiinis talaga ako! Hmp!

Bumalik ako sa bahay at nakita ko si Lolo na naghahanda ng pagkain sa lamesa.

''Lo, nasa construction site daw si Kuya. Tumutulong'' aniko habang papasok. 

Tumingin sa akin si Lolo at pinalapit ako. ''Halika na, mauna na muna tayo at pagkatapos mo ay dalhan mo ng pagkain ang Kuya mo'' utos ni Lolo.

Inakyatan ako ng kaba at naramdaman ko ang paglabas ng mga pawis sa katawan ko.

Eh bakit ako? 

''Ikaw nalang, Lo'' suggestion ko. 

Sinamaan niya ako ng tingin kaya napabagsak balikat nalang ako. ''Opo'' nanghihina kong sagot at umupo na para kumain.

Nakakahiyang pumunta duon no! Baka hindi pa ako pansinin ni Kuya sa harap ng mga katrabaho niya. Edi napahiya ang beauty ko!

Hindi ko naman kasi alam na sa kanya galing ang necklace. Kung sinabi niya kaagad sa akin, edi sana alam ko. Dalawang taon ko narin iyong suot tapos wala talaga siyang sinabi sa akin. Ngayon ay nagmukhang kasalanan ko pa.

Abelino Pete Felixiano Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon