Kabanata 17

5.1K 138 11
                                        

Isang buwan na ang nakalipas. Hindi pa ako nakakauwi sa amin o kahit man lang balita sa Lolo ko ay wala akong mahagip. Malayo kasi ako sa kanila. Nasa Angeles City ako at pitong oras pala ang layo nito sa amin. Uuwi ako ngayon, ihahatid ako nina Tita Carla malapit sa amin ngayon. Hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag kay Lolo.

Magsisinungaling ba ako o sasabihin ko ang totoo?

Ayaw kong magsabi ng totoo.

Kasi...

Kasi mas gugulo pa ang sitwasyon. Kung magkikita man kami ni Abel ay papakiusapan ko nalang siya na umalis na at huwag ng magpakita kasi ramdam parin ng katawan ko at parang isang isdang sariwa ang ala-alang ginalaw niya ako ng pwersahan.

Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako. Nakita ko si Tita Carla at Tita Noela na nakaayos na. 

Huminga ako ng malalim. Kinakalma ang sarili ko. ''Tayo na po'' sabi ko sa kanila. Ngumiti si Tita Noela at tinanong ako.

''Okay ka na ba?'' tanong ni Tita Noela. Ngumiti ako aty tumango. Okay na ako pero may konti paring takot.

''Opo'' sagot ko. 

''Halata naman, Noela. Tignan mo nga si Ali o! Tumataba na'' sabi ni Tita Carla. Napagikhik ako. Nitong nakaraang mga araw at linggo ay naging matakaw na ako, hindi naman nagrereklamo sina Tita at hinayaan lang akong kumain kahit anong gusto ko.

Ngayon ay masasabi ko ng marami pang tao na mabuti sa mundong ito, masyado lang tayong naka focus sa mga taong masasama kaya hindi natin makita ang mga taong may mabuting kalooban. 

Sumakay na kami sa kotse ni Tita at bumyahe ng pitong oras. Habang nasa byahe ako ay iniisip ko kung anong mga posibilidad na mangyari sa akin sa pag-uwi. May bahid pa ng takot ang puso ko, sariwa pa ang lahat ng ginawa niya sa akin pero bakit? Bakit ganito? Bakit hindi ko kayang magalit ng sobra-sobra? Naiinis ako sa sarili ko. Galit ako kasi kahit ginahasa niya ako ay hindi ko parin magawang magalit ng sobra-sobra sa puntong hindi ko siya kayang makita na nasa loob ng selda at pagbayaran ang ginawa niya sa akin.

Nakatulog ako habang nasa byahe kami at nakarating kami ay hapon na. Dumating na kami sa labas ng bayan namin. Dito nalang ako magpapahatid.

Bumaba ako ng kotse na masama ang pakiramdam. Bumaba din sina Tita. Lumapit ako sa kanila. Nagsalubong kami sa harap ng kotse.

''Okay ka lang ba dito, hija? Baka makita ka ng lalaking iyon'' halatang-halata ko ang takot sa boses ni Tita Carla habang kinakausap ako.

Pinagdikit ko ang labi ko at ngumiti. Naiiyak ako... ''Salamat Tita'' sabi ko sa kanya. Niyakap niya ako at sumunod akong niyakap ni Tita Noela.

''Bumalik ka sa amin kapag may mangyari ha? Nandito lang kami, Ali. Iyong cellphone na binigay ko sayo at pera gamitin mo iyan kapag emergency'' paalala ni Tita Noela sa akin. Napaluha na talaga ako at nagpaalam sa kanila.

Sumakay ako ng jeep at motorsiklo. Ilang minuto lang ay naka dumating na ako sa bahay kung saan ako lumaki. Kung saan ko unang nakilala ang lalaking sumira sa buhay ko. Hindi ko na alam kung paano ko bubuoin ulit ang buhay ko pero alam kong magiging okay lang ako hangga't nandiyan pa si Lolo.

Mabilis pa sa kabayo ang tibok ng puso ko habang papalapit sa bahay namin. Huminga ako ng malalim nang makalapit na ako. Napaka tahimik dito. Sunday na naman kaya alam kong wala ng trabaho si Lolo at dapat nandito lang siya sa bahay.

Kumatok ako. ''Lolo'' mahina kong tawag pero walang sumagot kaya kumatok ako ulit. ''Lolo!'' tawag ko ulit pero wala talagang sumagot kaya pinihit ko ang doorknob, nagbabakasakaling bukas at naka tyempo naman akong hindi naka lock.

Abelino Pete Felixiano Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon